KAPAG UMIBIG ANG PUSO
Kahit anong gawin kong iwas ay pilit pa rin kaming pinagtatagpo. Hindi ako makapaniwala na classmate ko na ngayon si Ejay. Umupo kami sa likuran ng mga kaibigan ko habang nasa harapan si Ejay. Tiningnan ko si Ejay mas lalo siyang gumagwapo. Alam niya na ba kaya na classmate kami?
Jea : "Classmate Avie!"
Avie : "Akala ko hindi na tayo classmate"
Jea : "Sabay kasi kaming nag enroll ni Ejay. Section 2C ang nakalagay sa aming form"
Avie : "Mabuti naman"
Jea : "Okay lang ba sayo na classmate natin si Ejay? Matagal rin tayong hindi nagkita after ng beach kaya I'm sure naka move on ka na"
Avie : "Okay lang! I learn from my mistakes"
Jea : "Good job Avie! Wala ng vacant seat sa likod kaya kay Ejay na lang ako tatabi"
Avie : "Sure! Sige na pumunta ka na kay Ejay mamaya na tayo mag usap"Nag umpisa na ang klase nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat ko. Lumingon ako at nakita ko si Rio nakangiti siya sa akin. Ang ibig sabihin lang nito ay classmate ko din si Rio. Nagtataka ako kung bakit kilala nila si Rio.
Mia : "May hindi ka sinasabi sa amin"
Elly : "Kaibigan mo pala si Rio"
Kia : "Ang ganda mo Avie"
Avie : "Ano bang meron kay Rio kilala nyo ba siya? Bakit kayo kinikilig sa kanya?"
Elly : "Mas maraming nagkakacrush kay Rio kaysa kay Ejay sa batch natin"
Mia : "Basketball player din siya sa school"
Avie : "Sikat pala siya dito sa school"
Kia : "Wala ka bang naaalala tungkol sa kanya?"
Avie : "Wala! Ano bang nangyari?"
Elly : "Puro ka lang kasi Ejay kaya hindi mo na maalala try mo kayang alalahanin"Nakita ko si Ejay kasama niya ang mga kaibigan niya sa tingin ko nagkaayos na rin sila. Hinahanap ko ang mga kaibigan kong bigla na lang akong iniwan. Nasa labas ako ng room habang tinitingnan ang mga estudyante na nasa paligid. Lumapit sa akin si Rio at nag usap kaming dalawa.
Avie : "Sikat ka pala sa batch natin"
Rio : "Hindi ako sikat kasi hindi mo nga ako nakilala paano ako naging sikat?"
Avie : "Sorry ngayon ko lang nalaman"
Rio : "Okay lang friends naman tayo"Nagkaroon ng setting arrangement sa room. Pinatayo kaming lahat pagkatapos ay binigyan kami ng permanent seat. Hindi ko na katabi ang mga kaibigan ko. Unang tinawag si Rio para sa seat number 26 magkatabi kami seat 27 ako. Sa wakas may makakausap na rin ako. Laking gulat ko ng nasa seat number 28 si Ejay. Ibig sabihin hindi lang kami classmate ni Ejay mag seatmate pa.
Paano ko ba haharapin si Ejay? Napakahirap naman mag move on kasi pinaglalaruan kami ng tadhana. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nag practice ako sa bahay. Dapat mataray ako kay Ejay para convincing na hindi na ako in love sa kanya.
Mia : "Kumusta iyong seatmate mo?"
Avie : "Okay naman si Rio"
Elly : "Si Ejay ang tinutukoy namin"
Avie : "Wala na akong pakialam sa kanya"
Kia : "Siguraduhin mo lang Avie bawal ka ng ma fall ulit sa kanya"Tahimik akong umupo sa seat plan ng biglang dumating si Ejay kunwari may hinahanap ako sa bag kahit wala naman. Hindi ako nagpahalata na nakita ko na siya. Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Rio ang balikat ko kakarating lang niya sa room.
Rio : "Hello! Ano bang hinahanap mo sa bag?"
Avie : "Naghahanap ako ng ballpen"
Rio : "Pahihiramin na lang kita mamaya"
Avie : "Huwag na nakita ko na pala"
Rio : "Bakit hindi ka mapakali? May iniiwasan ka ba dito sa room?"
Avie : "Wala ganito lang talaga ako"
Rio : "Malalaman ko rin dahilan"Nakakahalata na si Rio sa akin dapat kumilos ako ng natural. Nakinig ako sa class discussions mas nag focus ako sa pag aaral. Mas mabuti na ang ganito para hindi na ako masaktan pa. Pauwi na ako ng mapansin ko na naiwan ang wallet ni Ejay. Kaya nagmadali akong lumabas para hanapin siya pero nakauwi na si Ejay. Kinabukasan ay maaga siyang nakarating sa room kaya binigay ko ang wallet niya.
Avie : "Naiwan mo sa upuan hinabol kita pero nakauwi ka na pala"
Ejay : "Salamat! Hinanap ko talaga ang wallet ko mabuti na lang kasabay ko si Jea"
Avie : "Ingatan mo para hindi mawala"Pinigilan ko ang sarili ko na huwag na siyang kausapin pero bakit kinikilig na naman ako? Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako kay Ejay. Napansin ko na hindi pumasok si Rio ano kayang nangyari sa kanya?"
Kia : "Napansin ko kanina na kausap mo si Ejay ano bang pinag usapan niyo?"
Avie : "Sinauli ko lang ang naiwan niyang wallet kasi hindi niya iningatan iyan tuloy muntik ng mawala sa kanya"
Elly : "Ang lalim ng hugot mo"
Mia : "Kailan ka babawi kay Rio?"
Avie : "Bakit naman ako babawi sa kanya?"
Kia : "Hindi mo pa rin naaalala?"
Elly : "Nangyari ito sa valentines week"
Avie : "Sabihin niyo na sa akin"
Mia : "Dapat ikaw ang makaalala sa nagawa mo kay Rio"
BINABASA MO ANG
Kapag Umibig Ang Puso
RomansaAno ang kaya mong gawin kapag umibig ang puso? Kapag nagmahal ka mahirap talagang iwasan na masaktan lalo na kapag nagmahal ka lang ng totoo. Ganyan kasi tayong mga totoo kung magmahal handang magpakatanga, handang maghintay at kayang ibigay ang la...