Chapter 42

402 33 0
                                    

KAPAG UMIBIG ANG PUSO

Ano ang kaya kong gawin kapag umibig ang puso? Kinuha ko ang aking diary plano ko na ibigay ito kay Ejay pagkatapos ng final exam. Lahat ay busy na sa mga requirements para sa final exam na mangyayari. Nakita ko si Ejay na malungkot kaya lumapit ako sa kanya.

Avie : "Bakit ka malungkot?"
Ejay : "Malapit ng final exam"
Avie : "Ang ibig sabihin malapit na ang summer. Sa susunod na pasukan ay 3rd year high school na tayo"
Ejay : "Gusto kong ihinto ang oras"
Avie : "Ano bang pinagsasabi mo?"
Ejay : "Pwede bang magbonding muna tayong dalawa bago ang summer vacation? Para na rin mas lalo nating makilala ang isat isa"
Avie : "Sige Ejay gagawin natin iyan"

Sa wakas natapos na rin ang final exam permihan na lang ng permit pagkatapos ay summer vacation na. Sana maging classmate ko pa rin si Ejay para always akong inspired sa klase. Niyaya ako ni Ejay ng snack kasama lahat ng kaibigan namin.

Ejay : "Malapit na ang summer vacation ibig sabihin ay hindi ko muna kayo makikita pansamantala"
Avie : "Ang drama naman nito"
Jea : "Kung may sasabihin ka man Ejay mas mabuti na sabihin mo na kay Avie ngayon"
Avie : "Bakit kayo malungkot? May dapat ba akong malaman Ejay?"
Ejay : "Avie lilipat na kami sa cebu ng pamilya ko doon ko na tatapusin ang pag aaral ko"
Avie : "Seryoso ka Ejay?"
Vince : "Aalis na si Ejay"
Avie : "Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin? Matagal niyo na pa lang alam."
Ejay : "Sorry ayaw ko lang masaktan ka ulit kaya nilihim ko sayo"
Avie : "Ginagantihan mo ba ako Ejay dahil sa nagawa ko dati sayo?"
Ejay : "Hindi kita ginagantihan"
Rio : "Ayaw niya kasing nakikita kang malungkot kaya hindi niya sinabi agad sayo"
Jea : "Naghahanap lang siya ng tamang oras para sabihin ang lahat sayo Avie"
Ejay : "I'm sorry"

Hindi ko na hinintay ang susunod niya na sasabihin umalis na ako kaagad. Bumalik sa akin ang ginawa ko dati kay Ejay pero ang pinagkaiba lang mas masakit ang ginawa niya. Iniisip ko pa lang na aalis siya parang hindi ko na kaya. Ayoko kong umalis si Ejay hinihiling ko sana'y panaginip lang ang lahat ng nangyayari sa akin.

Kia : "Sinabi na sa amin ni Jea"
Avie : "Ang sakit malaman na iyong taong mahal mo aalis na pala"
Elly : "Masakit kasi umibig ka"
Avie : "Ang mas masakit pa ay ngayon lang niya sinabi sa akin ang totoo"
Kia : "May konting panahon pa naman kayo kaya sulitin mo na"
Avie : "Kaya pala gusto niya akong makabonding bago magsummer vacation kasi hindi na kami magkikita"
Mia : "Kaya dapat huwag ka ng magalit kay Ejay kausapin mo na siya"
Elly : "Ipakita mo ang iyong pagmamahal kay Ejay  sa huling pagkakataon"

Hindi ko alam ang gagawin ko. Ngayon na nalaman ko na mahal din ako ni Ejay saka naman siya aalis. Ibig ba sabihin nito hindi kami para sa isat isa ni Ejay? Nahihirapan na itong puso ko. Pinili ko muna ang mapag isa para makapag isip kung ano ang kailangan kong gawin.

Rio : "Galit ka pa ba sa akin?"
Avie : "Hindi ako galit sayo"
Rio : "Kausapin mo na si Ejay"
Avie : "Ayaw ko muna"
Rio : "Gusto mo ba na pagsisihan mo ang pagkakataon na sinayang mo?"
Avie : "Nahihirapan ang puso ko na tanggapin ang katotohanan na aalis na siya"
Rio : "Alam kong masakit pero ang magagawa mo sa ngayon ay make some memories from him for the last time na magkasama kayo"

Kailangan kong tanggapin na aalis na si Ejay pero dapat sa huling pagkakataon ay maipadama ko sa kanya ang aking pagmamahal. Nag isip ako kung ano ang gagawin ko ng sa ganoon ay maging masaya man lang siya bago makaalis. Kaya naisip ko na puntahan si Ejay at kausapin.

Avie : "Anong ginagawa mo?"
Ejay : "Iniisip ko lang kung ano kayang mangyayari sa akin sa cebu?"
Avie : "Alam kong pangarap mong pumunta sa cebu. Kahit masakit para sa akin pumapayag na ako dahil mahal kita at gusto kong maging masaya ka. Sa huling pagkakataon sana magkaroon tayo ng bonding"
Ejay : "Maraming salamat sa suporta mahal din kita Avie"

Ano ang kaya mong gawin sa taong iyong iniibig? Pumunta kami sa mall ni Ejay at doon ay pinasaya niya ako. Nanood kami ng sine at naglaro sa toys play. Pagkatapos ay kumain kaming dalawa. Isa na ito sa hindi ko malilimutan na moments na kasama ko si Ejay.

Humingi ako ng tulong sa aking mga kaibigan. Pagkatapos ng recognition program namin ito isasagawa. Pinagplanuhan namin ang venue, decoration at ang mga pagkain na hahandain namin. Isusulit ko na lang ang nalalapit niya na pag alis.

Avie : "Maraming salamat sa tulong ninyong lahat gusto ko bago umalis si Ejay ay may memories tayong mabubuo sa kanya"
Vince : "No problem Avie"
Jaypee : "Lahat gagawin namin para maging masaya si Ejay"
Avie : "Dapat ipakita natin na masaya tayo na  sinusuportahan natin siya sa mga gagawin niya"
Jea : "Alam kong masakit kasi isang kaibigan natin ang aalis kaya pasisiyahin natin si Ejay sa huling pagkakataon.

Kapag Umibig Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon