Chapter 15

702 81 0
                                    

KAPAG UMIBIG ANG PUSO

EJAY'S POV

Nag enjoy ako sa mga activities naganap sa Bukidnon. Nakakapagod man pero sinulit ko ang pagkakataon na ito para makasama at makabonding na rin ang mga kaibigan ko.

Jea : "Alam mo Ejay kailangan mo rin ng time sa sarili mo puro ka kasi academics"
Ejay : "I enjoy it naman"
Jea : "Maghanap ka ng ka date"
Ejay : "Seryoso ka ba?"
Jea : "It's been 9 months since nagkahiwalay tayo. You deserve to be happy. As your bestfriend pumapayag ako na magmahal ka ulit."
Ejay : "I need to focus on my study"
Jea : "Ikaw bahala Ejay"

Katabi ko sa bus si Avie hindi ko namalayan na nakatulog na pala siya sa balikat ko. Tinitigan ko siya habang mahimbing na natutulog. Naalala ko bigla ang kantang kinanta ni Avie. Sa totoo lang may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag.

Pagkatapos ng outing sa Bukidnon ay balik na naman ako sa pag aaral. Marami akong ginagawa kaya nakalimutan ko na rin ang mag enjoy. Tinapos ko muna ang mga ginagawa ko pagkatapos ay niyaya ako ni Jea na mamasyal sa mall. Nagulat ako ng makita na kasama niya si Avie.

Jea : "Okay lang ba na sinama ko si Avie?"
Ejay : "Okay lang walang problema Jea"

Naglibot kami sa mall, kumain at naglaro sa toys play. Nanalo ako ng teddy bear pero isa lang kaya si Jea lang mabibigyan ko. Habang nagsasalita si Avie ay nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Maaga akong pumasok nakita ko na may isang box sa upuan ko. Kay binuksan ko ito nakita ko na cookies ang laman nito. Sino kaya ang nagpadala ng cookies sa akin? Nakita ko si Vince na lumapit sa akin.

Vince : "Pinadalhan ka na naman ng cookies ng secret admirer mo"
Ejay : "Nakita mo ba kung sino siya?"
Vince : "Kakarating ko lang din sa room"
Ejay : "May hinala ka na ba kung sino?"
Vince : "Wala pa pero aalamin ko"

Bibili ako ng pang regalo pero hindi ko alam kung ano ang ibibili ko. Kaya naisipan kong pumunta ulit sa mall kasama ang mga kaibigan ko. Nakita ko si Avie na bumili na ng pang regalo. Kaya naman nagpatulong ang mga kaibigan ko sa kanya. Magaling siyang mamili ng pang regalo. Nahihiya ako kay Avie kasi marami na siyang nagawa at naitulong sa akin.

Nicko : "Ang bait talaga ni Avie"
Jaypee : "Sinamahan at tinulungan pa niya tayong mamili ng pang regalo"

Kasama ko si Avie sa committee masaya ako kasi napapadali ang mga ginagawa namin. Magaling siyang mag badget ng pera at napapansin ko sa kanya ang pagiging matulungin sa kapwa. Bago paman ang aming christmas party ay may tanggap ako na box ng cookies na may letter.

Dear Ejay,
Hi! Gusto ko na sanang magpakilala sayo pero nahihiya ako. Ngayon lang ako may lakas ng loob para makipagkilala. Pwede bang magkita tayo sa restaurant sa mall? Maghihintay ako sayo pagkatapos ng christmas party nyo sa organization. - secret admirer

May duda na ako kung sino pero kailangan ko ng ebidensya na magpapatunay na siya nga. Nag ayos ako ng mabuti nagpagupit ng buhok at pagkatapos ay isinuot ko ang paborito kong damit. Christmas party sa room kaya dapat maging masaya ako.

Nicko : "Wow ang gwapo po naman"
Ejay : "Kailangan ko ng tulong mo"
Nicko : "Ano bang gagawin ko?"
Ejay : "Sundan mo si Avie pagkatapos ng christmas party natin sa organization"
Nicko : "Bakit naman?"
Ejay : "Malakas ang kutob ko na siya ang nagpapadala ng cookies at letter. Balak niya magpakilala sa akin kaya uunahan ko na siya."

Nag enjoy ako sa mga activities sa aming christmas party sa room. Maaga akong umuwi sa bahay para makapagpahinga na. Dumating na ang araw ng christmas party namin sa organization. Masaya ang lahat hanggang sa magtapos ang kasiyahan sa exchanging gift. Lumapit ako kay Jea at kinausap ko siya.

Ejay : "Pwede ka bang pumunta sa restaurant sa mall? Alamin mo lang kung sinong naghihintay sa akin doon"
Jea : "Bakit naman?"
Ejay : "Kasi magpapakilala na ang secret admirer ko. Hindi ako makakapunta sabihin mo sa akin agad kung sino siya"

Pagkatapos ng christmas party ay napansin ko na nagmamadaling umalis si Avie. Pinasundan ko ko siya kay Nicko kung saan siya papunta. Nagulat ako ng malaman ko na nasa restaurant siya ng mall may hinihintay. Malinaw na sa akin ang lahat. Si Avie ang nagpapadala ng mga cookies at letter. Ibig sabihin lang ay si Avie ang secret admirer ko.

Nasa bahay lang ako ng christmas at new year kasama ang family ko. Naisip ko na bisitahin si Jea sa bahay nila. Itatanong ko din ang tungkol kay Avie. Alam na ni Jea ang totoo pero gusto kong makasiguro na hindi niya pinagtatakpan si Avie.

Jea : "Napadalaw ka?"
Ejay : "Naghahanap kasi ako ng makakausap"
Jea : "Sige! Anong gusto mong topic?"
Ejay : "Kilala mo na ba kung sino ang nagpapadala ng mga cookies at letter?"
Jea : "Matagal akong naghintay pero sorry wala akong nakita. Baka hindi siya sumipot?"
Ejay : "Siguro! Excited pa naman akong malaman kung sino talaga siya"

Kapag Umibig Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon