KAPAG UMIBIG ANG PUSO
Sa wakas ay nasabi ko na rin kay Ejay ang totoo kong nararamdaman para sa kanya. Tiningnan ko siya sa mga mata habang patuloy sa pagkabog ng malakas ang puso ko. Hindi ko inasahan ang mga susunod niyang sasabihin.
Ejay : "Ayaw kong umasa ka dahil sa akin. Ayokong nasasaktan ka pero gawin natin kung ano ang tama Avie"
Avie : "Anong ibig mong sabihin Ejay?"
Ejay : "Mag umpisa tayo muli pero yung hindi na tayo magkakilala. Ibig sabihin ito na ang huli nating pag uusap dalawa"Niyakap ako ni Ejay pagkatapos ay umalis na siya. Hindi ko napigilan ang luha ko. Hindi ako makapaniwala na magtatapos ang lahat sa ganito. Kung alam ko lang sana na mangyayari ito hindi na sana ako pumunta para kausapin si Ejay. Ang sakit pa lang masaktan kung mula sa taong minahal mo. Pakiramdam ko mamamatay na ako sa sakit. Wala akong magawa kung di umiyak na lang.
Hindi muna ako pumasok gusto kong mapag isa. Walang tao sa bahay kaya buong araw akong natulog. Ayoko ng magising kasi si Ejay na lang ang parati kong naaalala. Lahat ng sinabi niya ay kabisado ng isipan ko. Kaya ang ginawa ko ay ipapakita ko kay Ejay na hindi ako apektado.
Kia : "Bakit ngayon ka lang pumasok Avie? Nag aalala kami sayo malapit ng exams"
Elly : "Sige Avie sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin makikinig kami sa iyo"
Mia : "Ano bang nangyari o pinag usapan niyo ni Ejay nung nagkita kayo?"Hindi ko mapigilan na umiyak habang kinukwento ko sa aking mga kaibigan ang sinabi ni Ejay. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa sakit. Mabuti na lamang at wala pang masyadong tao sa room. Kaya walang nakapansin na umiyak ako. Sinamahan ako ng mga kaibigan ko para hindi ako nag iisa.
Mia : "Magiging okay din ang lahat Avie"
Elly : "Masakit kasi nagmahal ka at ginawa mo lahat pero ganyan talaga pag nagmamahal dapat handa tayong masaktan"
Kia : "Andito lang kami Avie tutulungan ka namin para makalimutan mo na si Ejay. Pero sana tulungan mo rin ang sarili mo na kalimutan siya"
Avie : "Maraming salamat talaga sa inyo. Pinapangako ko na ito na ang huling pagkakataon na masasaktan ako sa kanya"
Mia : "Sige Avie susuportahan ka namin"Pinipilit kong maging masaya sa harapan ng lahat kahit ang totoo ay sobrang lungkot ko. Hindi ko na nakita si Ejay simula nung huli kaming nag usap hanggang sa dumating na ang final exams.
Nagbonding din muna kami ni Jea pagkatapos ng exams namasyal kami sa mall at kumain. Naaalala ko na naman si Ejay ng minsan ay nakasama ko siya sa mall. Pero hindi ako nagpahalata kay Jea na nasasaktan pa rin ako sa nangyari.
Jea : "Umamin ka nga Avie ano ba ang sinabi sayo ni Ejay ng magkita kayo?"
Avie : "Pwede bang sa amin na lang iyon Jea? Kasi ayaw ko ng balikan ang pangyayaring iyong gusto ko ng magsimula muli"
Jea : "Gawin mo kung ano ang sa tingin mo makabubuti para sayo. Kahit hindi ka magsalita nararamdaman ko ang sakit"
Avie : "May itatanong lang din ako sayo. Bakit kayo nagkahiwalay ni Ejay?"
Jea : "Masayado pa kaming bata para sa isang relasyon na wala namang kasiguraduhan. Kaya mas pinili naming dalawa na maghiwalay at maging magkaibigan na lang"
Avie : "Sisikapin ko na mag let go na para sa nararamdaman ko kay Ejay"
Jea : "Yan ang pinakamagandang desisyon na gagawin mo Avie"Sa aming magkakaibigan walang nakapasok sa top 10 honor sa aming klase. Masaya parin kami kasi sa susunod na pasukan 2nd year na kami. Napadaan ako sa room nila Ejay nakita ko na 4th honor siya. Nagpatuloy lamang ako sa paglakad hanggang sa isang malakas na sigaw ang narinig. Mabuti na lang ang nakailag ako sa bola muntik na akong tamaan.
Rio : "Sorry miss"
Avie : "Ikaw na naman?"
Rio : "Nagkita na naman tayong dalawa"
Avie : "Dalawang beses na akong muntik mapahamak dahil sayo"
Rio : "Sa susunod kasi mag iingat ka"
Avie : "Sa sinabi mo nung nagkita tayo"
Rio : "Wala ka bang natatandaan talaga?"
Avie : "Sorry pero wala akong matandaan"
Rio : "Hahayaan kitang pag isipang mabuti ang ginawa mo sa akin"Ngumiti si Rio sa akin sabay lakad palayo. Nagtataka ako kasi hindi naman familiar ang kanyang mukha. Sa katunayan ay ngayon ko lang siya napansin. Ikinuwento ko sa mga kaibigan ko ang nangyari baka sakali na matulungan nila ako.
Kia : "Mag iingat ka sa lalaking iyon Avie"
Elly : "Muntik kang masagasaan at matamaan ng bola sa mukha. Ano pa bang susunod?"
Avie : "Atleast hindi ako nasaktan"
Mia : "Kay Ejay sobra kang nasaktan at umasa"
Elly : "Nagkita na ba kayo simula ng huli kayong mag usap?"
Avie : "Hindi pa at ayaw ko rin siyang makita"
Kia : "Tama ang gagawin mo Avie"
Avie : "Pagod na akong magmahal ayaw ko ng masaktan muli"
Elly : "Palayain mo na ang puso mo Avie. Panahon na sa isang malaking pagbabago"
BINABASA MO ANG
Kapag Umibig Ang Puso
RomanceAno ang kaya mong gawin kapag umibig ang puso? Kapag nagmahal ka mahirap talagang iwasan na masaktan lalo na kapag nagmahal ka lang ng totoo. Ganyan kasi tayong mga totoo kung magmahal handang magpakatanga, handang maghintay at kayang ibigay ang la...