KAPAG UMIBIG ANG PUSO
EJAY'S POV
Kahit mayroon akong lagnat mas pinili ko pa rin na pumasok sa school. Akala ko mawawala kaagad ang lagnat ko pero mas lalo pa itong lumala. Kaya ng uwian na ay pinabili ko muna ng gamot si Vince para bumuti man lang ang pakiramdam ko. Pero matagal siyang nakabalik buti na lang at lumapit sa akin si Avie. Binigyan niya ako ng gamot at binantayan pa niya akong matulog sa room nila.
Pagkadating ni Vince sa room ay nagpasya siyang ihatid ako pauwi. Pero nagulat ako ng makita ko si Avie na dinadala niya ang bag ko hanggang sakayan. Pagdating ko sa bahay ay diretso agad sa kwarto para magpahinga. Kinabukasan ay hindi ako pumasok pinahinga ko muna ang sarili ko. Biglang tumawag si Vince sa akin.
Vince : "Kumusta ka na?"
Ejay : "Okay lang salamat"
Vince : "Kinukumusta ka ni Avie sa akin. Sagot ko sa kanya ayos ka lang. Dapat kang bumawi sa kanya sa ginawa niya sayo."
Ejay : "Babawi ako sa kanya pag nakapasok na ako sa school"Kinausap ko si Avie na ililibre ko siya ng lunch at pumayag naman siya gusto ko rin na makilala siya. Papunta na sana ako sa canteen ng biglang tumawag si Jea nasa labas siya ng school at makikipagkita siya sa akin. Kaya agad akong lumabas ng school kasama si Vince at Nicko.
Ejay : "Nice to see you again Jea"
Jea : "Thanks for coming Ejay. Next week ay papasok na ako dito sa school niyo"Patuloy kaming nag uusap habang kumakain. Pagkatapos ay bumalik na kami ni Vince at Nicko sa school. Naisipan kong pumunta ng canteen baka maabutan ko pa si Avie pero wala na siya doon. Kaya bumalik ako na lang ako ng room.
Niyaya ako ni Jea na kumain sa mall kasi birthday niya. Kaya pumayag naman ako matagal kaming nag usap. Hanggang sa namasyal kaming dalawa. Nakita ko si Avie kaya nagmadali akong habulin siya para bumawi sa kanya. Pero hindi ko siya naabutan.
Jea : "Sino bang hinahabol mo?"
Ejay : "Schoolmate ko lang"
Jea : "Alam ko na kinuwento na sa akin ni Vince. I think she's a nice girl. Gusto ko siyang maging kaibigan I think magkakasundo kami"Masaya ako sa pagpasok ni Jea sa school. Ako ang tagahatid at tagasundo niya kasi one way lang ang daanan ng uuwian namin. Nagulat ako ng makita ko na kasama ni Jea si Avie. Totoo pala ang sinabi ni Jea na kakaibiganin niya si Avie.
Nicko : "Vince? May mga naririnig ako na mga usap usapan na kayo na daw ulit ni Jea?"
Ejay : "Masyado kasi kaming close kaya napagkakamalan"
Vince : "May narinig kasi ako na ginagamit lang daw ni Avie si Jea"
Nicko : "Bakit naman gagamitin ni Avie si Jea?"
Ejay : "Kanino mo naman narinig iyan?"
Vince : "Sa mga classmate mismo ni Avie"Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang mga sinasabi nila tungkol kay Avie. Nakita ko si Avie kaya lumapit ako sa kanya at kinausap ko siya. Inaamin ko na nasaktan ko si Avie sa mga sinabi ko. Concern lang ako sa bestfriend kong si Jea. Kaya nasabi ko iyon sa harapan ni Avie.
Jea : "Ano ba ang sinabi mo kay Avie? Alam mo ba Ejay na iniiwasan na ako ni Avie dahil sa mga pinagsasabi mo sa kanya"
Ejay : "Sorry Jea hindi ko sinasadya"
Jea : "Mag sorry ka kay Avie pinagtanggol niya ako tinuring niya akong kaibigan gaya mo"Niyakap ko si Jea ng nasa office kami. Hinanap ko sa meeting sa eco savior si Avie pero wala siya. Gusto kong maging maayos na ang lahat sa pagitan namin. Ilang beses ko siyang nakikita sa school pero iniiwasan niya ako. Kaya ako na mismo ang lumapit sa kanya pumunta ako sa room nila para yayain siyang umuwi.
Ejay : "Okay na kami ni Avie"
Nicko : "Bakit ka nakangiti?"
Ejay : "Kasi naayos din ang lahat"
Vince : "May chance kaya na magustuhan mo rin kay Avie?"
Ejay : "Wala! Hanggang kaibigan lang ang maari kong maibigay sa kanya"Sa wakas ay nagkaayos din kaming dalawa ni Avie. Humingi ako ng tawad sa nasabi ko sa kanya. Pinapansin na niya ako kahit saan kami magkita. Gusto kong makasama siya sa outing para kumpleto kaming lahat sa organization. Para na rin mas lalo ko pang makilala si Avie.
Maaga akong nagising para sa outing namin papuntang Bukidnon. Nakita ko si Avie kahit na nahihiya ako sa nagawa ko sa kanya. Nilakasan ko ang loob ko at lumapit ako sa kanya. Masarap rin pa lang kausap si Avie.
Nicko : "Napapansin ko na napapadalas na ang pag uusap niyo ni Avie"
Ejay : "Lahat naman kinakausap ko"
Vince : "Gusto lang din ni Ejay bumawi sa mga nasabi niya kay Avie"Nakasakay kami sa bus napansin ko si Avie na parati niya akong tinitingnan. Nalaman ko rin na pareho kami ng paboritong ulam. Nakagrupo ko pa siya sa mga activities. Napansin ko na ibang iba si Avie sa mga babaeng nakilala ko.
BINABASA MO ANG
Kapag Umibig Ang Puso
RomanceAno ang kaya mong gawin kapag umibig ang puso? Kapag nagmahal ka mahirap talagang iwasan na masaktan lalo na kapag nagmahal ka lang ng totoo. Ganyan kasi tayong mga totoo kung magmahal handang magpakatanga, handang maghintay at kayang ibigay ang la...