Chapter 36

432 35 0
                                    

KAPAG UMIBIG ANG PUSO

AVIE'S POV

Christmas party na namin sa room excited ako sa mga magaganap. Ilang linggo naming pinaghandaan ang mga decorations at program presentations sa room. Naghihintay ako ng masasakyan papunta sa school ng may kotse na huminto sa harapan ko.

Rio : "Sumakay ka na?"
Avie : "Anong ginagawa mo dito?"
Rio : "May pinuntahan lang ako tapos nakita kita kaya pinahinto ko na ang sasakyan"
Avie : "Sinong pinuntahan mo?"
Rio : "Auntie ko"

Sumakay na lang ako para makatipid man lang sa pamasahe. Naglalakad kami ni Rio sa pathway. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan. Pagdating ko sa room ay sinalubong ako ng mga kaibigan ko. Nag usap kami hanggang sa nag start na ang program. Napansin ko na wala si Ejay kaya tinanong ko si Jea.

Avie : "Nakita mo ba si Ejay?"
Jea : "Hindi ko siya nakita"
Avie : "Makakapunta kaya siya?"
Jea : "Pupunta iyon"

Nag aalala ako kay Ejay kasi pag hindi siya dumating paano ang regalo niya? Bakit biglang ngumiti si Jea habang kinakausap ko siya? Nagulat ako ng pagtalikod ko ay nakita ko si Ejay na nakaharap sa amin.

Avie : "Kanina ka pa diyan?"
Ejay : "Oo kanina lang. Hinahanap mo ba ako? Bakit may sasabihin ka ba?"
Avie : "Wala naman"

Ano ba itong ginagawa ko? Bakit sobrang lakas ng pagkabog ng puso ko? Nagkaroon ng group kantahan at sayawan sa room. May mga pa games din sobrang saya ko kasi madalas akong nananalo"

Kia : "Bakit sobra mong blooming?"
Elly : "Huwag ka ng magtanong pa"
Mia : "Andiyan kasi sina Ejay at Rio"
Avie : "Hindi naman sila ang reason"
Kia : "Kung hindi sila sino?"
Mia : "Denial ka talaga"

Ang moment na pinakahinihintay ko sa party ay ang exchanging gift. Sino kaya ang nakabunot sa pangalan ko? Ang nabunot pala ni Rio ay si Jea. Kaya pala nagtatanong siya sa akin noong nag snack kami. Tumayo ako para ibigay ang regalo kay Ejay paalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

Ejay : "Ako ang nakabunot sayo"
Avie : "Totoo ba ito Ejay?"
Ejay : "Mukha ba akong nagbibiro?"
Avie : "Hindi lang ako makapaniwala"
Ejay : "Maniwala ka sa destiny"

Ano kaya ang regalo ni Ejay sa akin? Excited na akong malaman kung ano ang nasa loob ng box. Naaalala ko ang sinabi sa akin ni Ejay na maniwala ako sa destiny. Ngayon lang ako naging masaya muli simula ng masaktan ako kay Ejay. Kung sino ang nakasakit sa akin ay siya rin pala ang makakapagbigay ng kasiyahan sa puso ko.

Rio : "Masaya ka ba?"
Avie : "Oo naman Rio"
Rio : "Dahil ba kay Ejay?"
Avie : "Hindi naman siya ang dahilan"
Rio : "Gift ko sayo"
Avie : "Totoo ba ito Rio?"
Rio : "Sana masaya ka"
Avie : "Sorry kasi wala akong gift"
Rio : "Okay lang atleast masaya ka"

Niyakap ako bigla ni Rio masaya ako dahil may kaibigan ako na nakakaunawa sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan na nadarama ng puso ko sana ganito na lang habang buhay. Kahit tapos na ang exchanging gift ay tuloy parin ang party sa room.

Kia : "Kinikilig kami"
Avie : "Bakit naman?"
Elly : "Kasi nabunot niyo ang pangalan ng isat isa. Minsan lang mangyari iyan"
Avie : "Nagkataon lang siguro"
Mia : "Destiny ang tawag diyan"

Hindi namin namamalayan na gumagabi na pala. Kaya naisipan na namin ang umuwi galing sa christmas party. Bago umuwi ay dumaan muna ako sa eco savior office para bigyan ng gift ang aming adviser na si Ms. Villa. Pauwi na ako ng biglang bumuhos ang isang napakalakas na ulan. Paano ako makakaalis nito? Gumagabi na wala na rin tao sa school.

Ejay : "Okay ka lang?"
Avie : "Anong ginagawa mo dito?"
Ejay : "Napadaan lang ako gusto mong sumabay palabas ng school?"
Avie : "Paano Ejay ang lakas ng ulan?"
Ejay : "May payong akong dala"
Avie : "Pwede ba akong sumabay?"
Ejay : "Halika na"

Naalala ko dati sobrang lakas ng ulan. Nakita ko si Ejay na walang dalang payong kaya pinayungan ko siya hanggang sa makalabas kami sa school. Ngayon nagbago na ang lahat ang naririnig ko na lang ang malakas na pagkabog ng aking puso. Dumaan muna kami sa room para kunin ang naiwan kong gamit. Pagkatapos ay tuluyan na kaming lumabas doon ay nakita ko si Rio na may kausap na babae.

Rio : "Ihahatid ko na kayo"
Avie : "Paano iyong kausap mo?"
Rio : "May itinanong lang siya"
Ejay : "Sigurado ka Rio"
Rio : "Oo naman Ejay"

Tiningnan ko ang babae nakatingin din siya sa amin. Sumakay na kami sa sasakyan iniisip ko kung bakit iba ang tingin niya sa akin. Gusto kong tanungin si Rio pero sabi niya nagtatanong lang ang babae sa kanya. Hinatid ako ni Rio hanggang sa nakauwi na ako sa bahay.

Avie : "Salamat sa inyo"
Rio : "Walang anuman"
Avie : "Mag ingat kayo"
Ejay : "See you Avie"

Binuksan ko na ang regalo ni Ejay at nagulat ako ng makitang cross stitch at teddy bear. Naalala ko ang bigay kong cross stitch noong valentines. Higit sa lahat ang teddy bear noong pumunta kami sa mall. Bakit pinapaalala ni Ejay sa akin ang lahat? Ano ang ibig sabihin nito?

Kapag Umibig Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon