Chapter 5

941 242 56
                                    

KAPAG UMIBIG ANG PUSO

EJAY'S POV

Masaya ako sa bagong yugto ng pag aaral ko. Graduate ako ng valedictorian ng elementary pa ako. Kaya dapat mas lalo ko pang pagsikapang mabuti sa high school. Hindi ko dapat sayangin ang perang pinagpapaaral sa akin ng magulang ko. Excited ako na pumasok sa school nalaman ko na ka klase ko pala si Nicko at Vince. Sila ang naging matalik kong kaibigan noong elementary.

Actually broken hearted ako kakahiwalay lang namin ng girlfriend ko. Nagtagal din ng 6 months ang relasyon naming dalawa. Pero kailangan ko agad na mag moved on para sa sarili ko.

Nicko : "Ang daming magaganda sa school. Wala ka bang natitipuan?"
Ejay : "Gusto ko munang mag focus sa pag-aaral ko sa ngayon"
Vince : "Paano kung may dumating na bagong pag-ibig? Handa ka ba?"
Ejay : "Maghihintay na lamang ako ng tamang panahon para diyan"

Pinagbutihan ko ang aking pag aaral. Kaya naman may nakapansin sa akin si Ms. Villa adviser ng eco savior organization. Gusto niya akong maging bahagi ng mga kabataan na tumutulong sa kalikasan. Kaya pumayag agad ako na maging treasurer ng organization.

Vince : "Ibang klase ka talaga Ejay. Treasurer ka na agad ng organization"
Ejay : "Kaya nga magpapasalamat ako kay Ms. Villa sa pagpili niya sa akin"
Nicko : "Kapag may audition na gustong maging members kunin mo kami ni Vince"
Ejay : "Sure! Kukunin ko talaga kayo"

Sa totoo lang mahiyain talaga ako. Marami ang bumabati sa akin sa tuwing dumadaan ako sa pathway. Ngumingiti na lang ako sa kanila may mga taong hindi ko napapansin. Dahil hindi ko alam ang sasabihin o gagawin ko. Sa dinami dami ng naging kakilala ko hindi ko na alam ang pangalan ang ng iba.

Maaga akong pumasok ng room nagulat ako ng may nakita akong box. Kaya binuksan ko ito may laman itong cookies. Araw araw akong nakakatanggap ng box pero habang tumatagal may kasama na itong letter.

Vince : "Sino kaya yang admirer mo na nagdadala sayo ng cookies araw araw?"
Ejay : "Hindi ko rin alam"
Nicko : "Pero aminin mo na nasasarapan ka sa cookies?"
Ejay : "Sa totoo lang nasasarapan ako sa cookies paborito ko kasi ang cookies"
Vince : "Hahanapin namin kung sino yang admirer mo Ejay"

Napakalakas ng ulan wala akong dalang payong. Wala ring akong ka sabay umuwi dahil absent ang mga kaibigan ko. Lumapit sa akin si Avie na may dalang payong. Inalok niya akong sumabay na lang sa kanya. Nahihiya ako kay Avie dahil ang bait niya sa akin kahit hindi kami classmate.

Gusto kong bumawi sa kabutihan na ginawa niya sa akin. Kaya naman ng nalaman ko na nag audition siya sa eco savior organization. Kinausap ko si Ms. Villa na gawing member si Avie. Kaya naman ako mismo ang lumapit sa kanya upang sabihin ang magandang balita.

Nicko : "May napapansin ako kay Avie. Bakit parati siyang nandiyan para sayo?"
Vince : "Parati siyang sumisilip sa room"
Nicko : "Hinatid ka niya nung umulan"
Vince : "Nag audition din siya sa eco savior"
Nicko : "Kahit saan tayo pumunta parati siyang andiyan"
Ejay : "Baka nagkataon lang"
Nicko : "Sa tingin ko may gusto siya sayo"
Vince : "May hinala ako na si Avie ang secret admirer mo"
Ejay : "Pwede niyo ba akong tulungan para malaman kong sino talaga ang nagpapadala sa akin ng mga cookies at letters"
Nicko : "Kami ng bahala Ejay malalaman din natin kung sino siya"

Sa wakas ay nagbunga rin ang aking pagsusumikap 3rd honor ako sa aming section. Lalo ko pang dapat na galingan para makapasok ako sa top 10. Pero hindi maalis sa isipan ko kung sino kaya ang admirer ko. Possible kaya na si Avie ang nagpapapadala ng mga cookies at letters sa akin.

Palihim kong pinagmamasdan ang bawat galaw ni Avie sa organization. Minsan ay dumadaan ako sa kanilang room nagbabakasakali na may makita akong pa tunay kung siya nga ang admirer ko. Kahit na ang mga kaibigan ko wala ring makuha na pa tunay. Kaya kailangan ko na sigurong tigilin ang pag iimbestiga ko kay Avie.

Nicko : "Magaling din iyang admirer mo Ejay. Palihim at maingat gumalaw"
Vince : "Basta ako naniniwala ako na si Avie"
Ejay : "Buong linggo na akong nag iimbestiga kay Avie pero wala akong nakuha na pa tunay na siya nga ang admirer ko"
Nicko : "Mahuhuli rin natin iyan Ejay"

Naglilinis kami ng office sa eco savior organization nakita ko kung gaano ka sipag si Avie. Natutuwa naman ako dahil hindi ako nagkamali sa pag recommend ko sa kanya kay Ms. Villa. Dumating bigla si Vince may gusto siyang sabihin sa akin.

Vince : "May dapat kang malaman Ejay"
Ejay : "Ano bang dapat kung malaman?"
Vince : "Gustong makipagkita ni Jea sa iyo. Yung bestfriend mo na naging ex girlfriend"
Ejay : "Okay lang sa akin. Kahit hindi tumagal ang relasyon namin ni Jea ay bestfriend ko pa rin siya hanggang ngayon"
Vince : "Lumipat na siya dito na school. Next week ay papasok na si Jea magkikita na kayo muli."

Kapag Umibig Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon