Chapter 39

410 32 0
                                    

KAPAG UMIBIG ANG PUSO

Kapag may mahal ka ngayon ang tamang panahon para maipakita mo ang iyong tunay na pagmamahal. Valentines week hinihintay ng lahat dahil sa love booth, blind date at ang organization mascarade ball. Naalala ko last year hindi maganda ang naging valentines ko dahil galit sa akin si Ejay. Mabuti na lang at magkaibigan na kami ngayon.

Jea : "Sa mascarade pumunta ka sa bahay doon na tayo magbihis Avie"
Nicko : "Pwede ba kaming sumama?"
Jea : "Sumama kayo kung gusto niyo"

Maaga akong pumasok sa school nagulat ako ng may bulaklak sa upuan ko. Nakita ko si Rio na papalapit sa akin. Ang sweet naman niya kasi binigyan pa niya ako ng bulaklak. Sana lahat ng lalaki katulad kay Rio gwapo na mabait pa.

Rio : "Nagustuhan mo ba?"
Avie : "Salamat sa bulaklak Rio"
Rio : "Hindi sa akin galing iyan"
Avie : "Kanino galing ito?"
Ejay : "Sa crush mo"

Ang lakas ng pagkabog ng puso ko. Hindi galing kay Rio ang bulaklak ibig sabihin si Ejay ang may bigay nito. Lumingon ako sa likod nakita ko si Ejay na nakangiti sa akin kasama ang mga kaibigan ko. Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Ejay : "Happy valentines day"
Kia : "Ang sweet ni Ejay"
Elly : "Binigyan din niya kami ng bulaklak pero mas espesyal sayo"
Avie : "Salamat sa bulaklak Ejay"
Ejay : "Excited ka na ba para sa mascarade ball?" Hindi kami makakasama sa bahay nila Jea"
Avie : "Bakit naman Ejay?"
Ejay : "May pupuntahan pa kami ng kuya ko pagkatapos ng klase"
Avie : "Sige see you sa event"

Pinahiram ako ni Jea ng maisusuot para sa valentines mascarade party namin. Tinulungan niya akong magmake up. Mabuti na lang at pinayagan ako na matatagalan sa pag uwi sa bahay. Pagkatapos namin ay dumeretso na kami sa event suot ang dami na nakamascara.

Jea : "Sobrang ganda mo"
Avie : "Ikaw din Jea"
Jea : "Maiinlove na sayo si Ejay"
Avie : "Seryoso ka ba?"
Jea : "Alam mo kaibigan ko kayo pareho kaya kung may nararamdaman ka pa kay Ejay sabihin mo na ngayon"

Bakit ko pa ba patatagalin ang lahat? Umiibig pa rin ang puso ko kay Ejay hanggang ngayon. Nasaktan ako pero walang nagbago sa nararamdaman ko. Nakita ko na si Ejay hindi ko mapigilan na titigan ang kanyang kagwapuhan.

Ejay : "You look so beautiful"
Vince : "Akala ko nga artista"
Rio : "Muntik na kitang hindi nakilala"
Avie : "Ano bang pinagsasabi nyo?"
Rio : "Totoo naman na maganda ka"
Jaypee : "Isa na lang ang kulang"
Nicko : "Kailangan mo ng escort"
Vince : "Mamili ka kung sino?"
Avie : "Hindi ko kailangan iyan"
Jea : "Its mean lonely ka"
Rio : "Pwede bang ako na lang?"
Avie : "Sige si Rio ang escort ko"

Nagsimula na ang program sa eco savior dahil mascarade hirap kaming makilala ang isat isa. Ang pinaka highlight ay ang valentines pair kung saan sasayawin ka ng escort mo. Kasayaw ko si Rio dahil siya ang escort ko.

Rio : "May tanong ako sayo"
Avie : "Ano iyon Rio"
Rio : "Mahal mo pa ba siya?"
Avie : "Sinong tinutukoy mo?"
Rio : "Ang dating crush mo"
Avie : "Hindi ko alam"
Rio : "Kung mahal mo siya panahon na para sabihin mo sa kanya"
Avie : "Paano kung masaktan ulit ako? Ayoko ng mangyari iyon ulit"
Rio : "Paano kung mahal ka din niya Avie? Ano ang gagawin mo"
Avie : "Impossible ang sinasabi mo"
Rio : "Bakit hindi mo tanungin?"
Avie : "Nahihiya ako"

Tinitigan ako ni Rio pagkatapos ay bigla siyang umalis. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Naiwan akong mag isa paalis na sana ako ng biglang may humawak sa kamay ko. Tiningnan ko kaagad at nagulat ako ng si Ejay ang nakita ko.

Ejay : "Pwede bang ako ang maging escort mo? Kahit ngayong gabi lang"
Avie : "Seryoso ka ba Ejay?"
Ejay : "Oo naman"
Avie : "May sasabihin ako sayo"
Ejay : "Ano iyon Avie?"
Avie : "Panahon na para malaman mo na mahal pa rin kita Ejay"
Ejay : "Sorry pero hindi ko kayang tumbasan ang pagmamahal na ipinakita mo sa akin"
Avie : "Alam ko na hindi mo ako kayang mahalin pero umaasa pa rin ang puso ko na mamahalin mo ako balang araw"
Ejay : "Hindi ako ang lalaking para sayo. Kaibigan lang ang pwede kong maibigay sayo"

Bakit hindi niya ako kayang mahalin ni Ejay? Sa pangalawang pagkakataon ay nasaktan na naman ni Ejay ang puso ko. Sana hindi ko na lang sinabi sa kanya. Hindi ko na tinapos ang party umalis na kaagad ako. Naiinis ako sa sarili ko kasi kahit ilang beses na akong nasasaktan kay Ejay ay patuloy ko pa rin siyang minamahal.

Rio : "Bakit nawala ka sa party? Alam mo bang nag aalala si Ejay sayo"
Avie : "Pwede ba Rio huwag mo na siyang banggitin ayaw ko na sa kanya"

Hindi ko pinansin si Ejay ng makita ko siya sa room. Hindi ako galit sa kanya umiiwas lang ako kasi ayoko na muling masaktan pa. Napansin na hindi rin ako kinakausap ni Ejay. Lumalayo na rin siya akin hindi ko talaga siya maintindihan.

Kia : "Galit ka kay Ejay?"
Elly : "Kasi friendzone kayo"
Avie : "Ayoko ng masaktan"
Mia : "Anong plano mo?"
Avie : "Iiwasan ko na si Ejay"

Kapag Umibig Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon