KAPAG UMIBIG ANG PUSO
Nalaman ko na ang katotohanan kaya pala tinatawag ako ng mga chismosa na malandi dahil ang buong akala nila nilalandi ko si Rio. Matagal na silang magkahiwalay kaya wala ng karapatan si Andrea kay Rio. Wala naman kaming relasyon ni Rio kaya wala siyang dapat na ikagalit sa akin.
Ejay : "Ano ba ang iniisip mo?"
Avie : "Hindi ko lang maintindihan kung bakit may mga taong mapanghusga?"
Ejay : "Huwag mo silang intindihin kahit hindi mo sabihin alam ko na sinabi na sa akin ni Jea ang lahat ng nangyari"
Avie : "Salamat sa advice Ejay"
Ejay : "Nandito lang ako Avie"Nalilito ako sa mga nangyayari pero mabuti na lang at nandiyan si Ejay. Parati niyang pinapalakas ang loob ko sa lahat ng bagay. May nalaman ako na impormasyon tungkol kay Andrea mula sa mga kaibigan ko.
Kia : "Naiinis talaga ako sa mga chismosang nagpapakalat ng mga fake news"
Elly : "Nalaman namin na magkaibigan ang mga chismosa at si Andrea"
Mia : "Sinabihan ka nila ng malandi kung tutuusin si Andrea ang malandi kasi hindi marunong makontento sa iisang lalaki"
Avie : "Nagawa pa niyang saktan si Rio na walang ibang ginawa kung di ang mahalin siya"
Elly : "Ang kapal talaga ng mukha"Nararamdaman ko na malungkot si Rio sa mga pangyayari. Kaya niyaya ko siyang kumain ng snack. Bumili kami sa paboritong niyang burger. Nakita ko na ngumingiti na si Rio. Sa hindi inaasahan ay nandoon din pala si Andrea at ang mga chismosa niya na kaibigan.
Andrea : "Ang sweet naman ninyo"
Lovely : "Malandi talaga si Avie"
Rio : "Pwede ba tumahimik kayo?"
Andrea : "Bakit naman kami tatahimik? Totoo naman ang sinasabi nila. Alam namin na may gusto ka kay Ejay hindi ka niya magawang mahalin kaya pumunta ka kay Rio"
Blanch : "Ginawa ka lang panakip butas Rio ang totoo ginagamit ka lang"
Avie : "Hindi totoo iyan! May gusto ako kay Ejay dati pero tanggap ko na hanggang kaibigan lang kami. Ikaw ba Andrea tanggap mo ba na hindi ka na mahal ni Rio?"
Rio : "Hindi ako ginamit ni Avie mabuti pa siya pinapahalagahan niya iyong mga tao sa paligid niya. Ikaw Andrea binigay na nga sayo ang lahat hindi ka pa marunong makontento"Umalis si Andrea kasama ang mga chismosang kaibigan niya. Akala nila siguro na uurungan ko sila. Alam kong magpapakalat na naman sila ng mga fake news. Kaya ako na ang gumawa ng paraan para matigil ang lahat ng ito. Pumunta ako sa principals office at ipinaguidance ko sila.
Vince : "Nabalitaan namin ang Avie ang mga pinaggagawa ng mga chismosang iyon sayo. Deserve nila sa guidance"
Nicko : "Job well done"
Jea : "Saan ka kumuha ng mga ebidensya Avie na nagpapakalat sila ng mga fake news?"
Avie : "Video at recording"
Jaypee : "Ang balita ko marami rin ang nagreklamo sa kanila"Sinusundan ko ang bawat galaw nila habang ang mga kaibigan ko ang taga video. Alam ko na may sasabihin sila sa akin na hindi maganda kaya palihim si Rio na nagrecord. Tinulungan din ako ni Ejay at Jea na makahanap ng mga taong inaapi at pinagsalitaan nila ng masasama.
Avie : "Sana magbago na sila"
Elly : "Kung hindi sila magbabago ay tuluyan na silang paaalisin sa school"
Mia : "Dapat lang iyan sa kanila"May meeting kami para sa eco savior tungkol ito sa darating na valentines. Maraming mga activities ang mangyayari at magkakaroon ang organization ng mascarade party. Excited ako para dito kaya inumpisahan naming gawin ang mga na assign sa amin na gawain.
Rio : "It looks fun"
Vince : "Wala kasi tayong christmas party kaya dito tayo bumawi sa valentines day"
Jaypee : "Ano kaya ang susuotin ko para sa mascarade ball?"
Nicko : "Maghanap na tayo"
Rio : "Sama kami sa inyo
Ejay : "Tayong lahat na para mas masaya. Okay lang ba ngayong weekend?"
Avie : "Sige kayo ng bahala"Maraming mga preparations ang naganap bago ang valentines week. Ang sarap talagang titigan ni Ejay hindi nakakasawa ang mga ngiti niya. Sana habang buhay na lang kaming ganito ang masaya lang. Pauwi na ako galing sa school ng makita ko ang mga chismosa lumapit sila sa akin.
Blanch : "Avie sorry na"
Lovely : "Hindi namin sinasadya"
Evelyn : "Gusto mo bang lumuhod kami sa harapan mo Avie"
Blanch : "Patawarin mo na kami"
Avie : "Sana'y magbago na kayo"
Lovely : "Ang totoo naiingit kami sa iyo kasi maraming tao ang nagmamahal sayo Avie"
Blanch : "Kung may nagawa man kami na mali pipilitin namin itong itama"
Avie : "Pinapatawad ko na kayo"Walang problema ang hindi nadadaan sa mabuting usapan. Naayos ko rin ang lahat pero bigla kong naalala si Andrea gusto kong maliwanagan siya sa lahat. Kaya naman nagpasama ako kay Rio para na rin makapag usap silang dalawa.
Andrea : "Anong ginagawa nyo dito?"
Avie : "Gusto ka sana naming kausapin"
Andrea : "Sorry Avie nadamay pa kita sa selos ko. Hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili ko"
Avie : "Okay lang iyon Andrea"
Andrea : "Sorry din Rio kung nasaktan kita. Pwede ba tayong maging magkaibigan ulit?"
Rio : "Oo naman sorry din Andrea"
BINABASA MO ANG
Kapag Umibig Ang Puso
RomanceAno ang kaya mong gawin kapag umibig ang puso? Kapag nagmahal ka mahirap talagang iwasan na masaktan lalo na kapag nagmahal ka lang ng totoo. Ganyan kasi tayong mga totoo kung magmahal handang magpakatanga, handang maghintay at kayang ibigay ang la...