KAPAG UMIBIG ANG PUSO
AVIE'S POV
Ang pinakamahirap na bahagi sa taong umiibig ay ang moving on. It takes time para mawala ang sakit na nararamdaman ng puso. Summer naman kailangan ko ng bakasyon para tuluyan ko ng makalimutan ang mga masasakit na nangyari sa akin. Tumutulong ako sa aking mga magulang sa pagbabantay ng tindahan at gawaing bahay para may pagkaabalahan ako.
Mama : "Bakit hindi ka magbakasyon sa mga pinsan natin sa Davao?"
Papa : "Gusto kasi ng mga pinsan mo na magbonding kayo habang wala pang pasukan"
Avie : "Sa susunod na taon na lang"
Mama : "Sige Avie kung iyan ang gusto mo sasabihin ko na lang sa mga pinsan mo"Inutusan ako ni mama na mamili ng mga ingredients sa grocery. Naglibot muna ako tinitingnan ang bawat presyo ng bibilhin ko. Nasa may cashier na ako ng grocery ng biglang lumakas ang kabog ng puso ko. Nakita ko si Ejay kasama ang mama niya. Kaya nagmamadali akong magbayad sa cashier. Umalis agad ako sa may grocery store pagkatapos kong mamili.
Kinabahan ako sa nangyari pagkadating ko sa bahay nagulat ako ng makita ko si Jea. Binisita niya ako matagal na rin kaming hindi nagkikita at nagkakausap. Niyaya niya ako kasi 18th birthday ng kapatid niya na pumunta ako sa kanila. Una kong naisip na baka pumunta rin si Ejay kasi bestfriend sila ni Jea.
Avie : "Nahihiya akong pumunta Jea"
Jea : "Bakit ka naman mahihiya invited ka naman? Huwag kang mag alala kinausap ko na ang mama mo pumayag siya"
Avie : "Sige pupunta na ako kailan ba iyan?"
Jea : "Beach party ang mangyayari kaya mag ready ka na sa susuotin mo. Susunduin na lang kita para sabay na tayong pumunta"Nakahanda na lahat ng dadalhin ko sa beach. Matagal na rin akong hindi nakakaligo sa dagat. Biglang pumasok sa isipan ko si Ejay paano kung invited din pala siya? Nakita ko sa labas ang kotse ni Jea kaya agad ko siyang sinalubong.
Papa : "Mag iingat kayo sa pupuntahan niyo"
Mama : "Avie! Huwag masyadong makulit"
Avie : "Opo babalik din po kami agad"
Jea : "Don't worry po ihahatid ko po siya"Malayo din ang byahe kaya ng dumating kami sa beach ay tanghali na. Simpleng birthday party ang naganap kasama ang pamilya at pinsan ni Jea. Kumain muna kami ng pananghalian pagkatapos ay naglaro ng volleyball. Masaya ako dahil sa wakas nakabalik ako sa dagat kay ganda pagmasdan ng paligid.
Ang saya ng party na enjoy ko lalo na sa mga games. Marami akong nakuha na premyo. Hinanap ko si Jea bigla siyang nawala. Ilang sandali lang ay bumalik si Jea pero nagulat ako kasi kasama niya si Ejay. Lumapit si Jea sa akin at nagpaliwanag.
Jea : "Sorry Avie hindi ko sinabi sayo kaagad na invited si Ejay"
Avie : "Okay lang alam ko naman na bestfriend mo rin si Ejay kaya invited siya"Umiiwas ako sa kanya ayoko ko na rin masaktan kaya ako na ang lalayo. Naliligo ang lahat habang nasa cottage ako ng beach kumakain dahil bigla akong nagutom. Kasama ko ang pinsan ni Jea na si Ruth hindi ko napansin na pumasok si Ejay sa cottage.
Ruth : "Avie may ipapakilala ako sayo"
Avie : "Kilala ko na siya bestfriend ni Jea"
Ruth : "Bakit ayaw mong tingnan? Sa tingin ko may crush ka sa kanya"
Avie : "May iba akong crush at hindi siya"
Ruth : "Kunwari may ibang crush pero nag totoo kinikilig na iyan"Napatingin ako kay Ejay habang naririnig ko ang malakas na pagkabog ng puso ko. Lumabas bigla si Ruth sa cottage kaya kami na lang dalawa ni Ejay ang nasa loob. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya binilisan ko na lamang ang pagkain para makalabas na ako. Pumasok bigla si Ruth at lumapit kay Ejay pagkatapos ay kinausap din niya ako.
Ruth : "Pwede bang samahan mo si Ejay na bumili ng isang case ng softdrinks naubusan na kasi tayo. Marunong naman mag motor si Ejay kaya huwag ka ng mag alala"
Kahit na ayaw ko wala akong magagawa kung di sundin ang utos ng pinsan ni Jea. Hindi ako makapaniwala na sasakay ako ng motor kasama si Ejay. Malayo ang tindahan sa beach kailangan kong ipakita sa kanya na naka move on na ako. Wala pa rin kaming pansinan hanggang sa nakabili na kami ng softdrinks. Pabalik na kami sa beach ng biglang huminto ang motor.
Avie : "Anong nangyari Ejay?"
Ejay : "Nawalan tayo ng gasolina"
Avie : "Anong gagawin natin?"
Ejay : "May cellphone ka bang dala?"
Avie : "Wala ikaw?"
Ejay : "Naiwan ko sa cottage. Aalis muna ako para makahingi tayo ng tulong"
Avie : "Iiwan mo ako?"
Ejay : "Bantayan mo motor at ang softdrinks"
Avie : "Sige basta bilisan mo"
Ejay : "Babalik ako maghintay ka lang"Ano ba itong nangyayari sa amin? Sa dinami dami ng tao bakit si Ejay pa ang na kasama ko? Paano kung hindi na siya bumalik? Ano na lang ang mangyayari sa akin? Natatakot ako pero wala akong magawa kung di ang hintayin ang kanyang pagbabalik.
BINABASA MO ANG
Kapag Umibig Ang Puso
RomansaAno ang kaya mong gawin kapag umibig ang puso? Kapag nagmahal ka mahirap talagang iwasan na masaktan lalo na kapag nagmahal ka lang ng totoo. Ganyan kasi tayong mga totoo kung magmahal handang magpakatanga, handang maghintay at kayang ibigay ang la...