Chapter 27

508 38 0
                                    

KAPAG UMIBIG ANG PUSO

Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Jea tungkol kay Ejay. Binalikan ko ang araw na nalaman ni Ejay ang totoo. Kaya niya kami iniiwasan dahil gusto niyang mapag isa at makapag isip. Kung ganoon kaya ako sinabihan ni Ejay ng mga masasakit na salita ay dahil sa wala siyang mapagbuntungan ng galit o sama ng loob sa kanyang papa. Naiintindihan ko na ngayon si Ejay kung bakit nagbago ang turing niya sa amin.

Kia : "May problema ka ba Avie?"
Avie : "Wala naman"
Elly : "Bakit ka tahimik?"
Avie : "May iniisip lang?"
Mia : "Sino si Rio or Ejay?"
Avie : "May nalaman kasi ako kay Ejay. May problema kasi siya sa papa niya kaya siguro na sabihan niya ako ng mga masasakit na salita"
Elly : "Pero wala paring karapatan si Ejay na saktan iyang puso mo Avie"
Kia : "Nag sorry na ba siya sayo?"
Avie : "Hindi pa"
Mia : "Kalimutan mo na si Ejay"
Kia : "Andiyan naman si Rio"

Marami ang pinagagawa sa amin na projects. Napag desisyunan ng lahat sa klase na magkaroon ng grouping by three. Sakto na ang  bilang ng mga kaibigan ko sa groupings. Nakita ko si Jea na ka grupo ang mga katabi niya.

Rio : "Group tayo Avie pero hanap pa tayo ng kasama sa project"
Ejay : "Rio? Complete na kayo?"
Rio : "Hindi pa! Dito ka na lang sa Ejay amin kasama natin si Avie sa groupings"

Hindi na ako nakapagsalita pa naisip ko ano namang masama kung magkagrupo kami ni Ejay sa isang project. Mabuti at matatalino ang mga kasama ko sa groupings madali lang ito para sa kanila. Nagkaroon kami ng meeting ni Rio at Ejay para sa projects.

Ejay : "Malapit na ang submissions gawa tayo sa bahay kung okay lang sa inyo?"
Rio : "Sure! Okay sa amin"
Avie : "Ako na lang bibili ng mga materials na gagamitin sa project natin"

Tiningnan ko si Ejay nakita ko na nakangiti siya. Ngayon ko lang ulit siya nakita na nakangiti mula noong nalaman niya na may gusto ako sa kanya. Masaya siya pero bakit kaya? Hindi ako nagpahalata na palihim kong tinitingnan si Ejay.

Rio : "Nakita kita kanina bakit mo tinititigan si Ejay? May gusto ka ba sa kanya?"
Avie : "Wala akong gusto sa kanya. Bakit ko naman tititigan si Ejay?"
Rio : "Nahahalata ko kasi na umiiwas ka sa kanya tapos iba yung titig mo kanina"
Avie : "Gutom lang iyan Rio kung ako sayo kumain ka na lang"

Namili ako ng mga materials na gagamitin sa project pagkatapos ay nauna na akong pumunta sa bahay nila Ejay. Sana nandoon na si Rio para naman may makausap ako. Hindi pa kasi kami okay ni Ejay hanggang ngayon. Nakarating na ako sa bahay nila nandoon pala ang mama ni Ejay.

Ejay : "Pasok ka Avie"
Avie : "Andito na ba si Rio?"
Ejay : "Wala pa"
Avie : "Okay lang ba sa mama mo?"
Ejay : "Oo naman. Halika!"
Avie : "Saan tayo pupunta?"
Ejay : "Avie? This is my mom Gina"
Gina : "Ikaw pala ang classmate ng anak ko. Sabayan mo na kami sa pagkain"
Ejay : "Huwag ka ng mahiya"
Avie : "Sige po"

Ang dami ng pagkain nila pero sila lang dalawa ang kumakain. Katabi ko si Ejay sa pagkain kasama pa ang mama niya. Ang tahimik nilang kumain nahihiya na ako sa kanila. Bakit ba ang tagal ni Rio dumating? Pagkatapos namin kumain ay nagkwentuhan muna kami ng mama ni Ejay.

Gina : "Kumusta naman si Ejay sa klase niyo? Hindi ba siya pasaway sa mga teachers?"
Avie : "Hindi naman po actually tahimik lang po siya sa klase"
Gina : "Mabuti naman"
Ejay : "I told you good boy ako"
Gina : "Sige! Keep it up"
Ejay : "Gagawa na kami ng project ni Avie mama para maaga kaming matapos"
Gina : "Sige ako ng magliligpit ng mga pinagkainan natin"
Avie : "Tulungan ko na po kayo"
Gina : "Ang bait mo naman"

Tinulungan ko muna ang mama ni Ejay sa pagligpit ng pinagkainan. Pagkatapos ay inumpisan na namin ni Ejay ang paggawa ng project. Nag focus kami sa aming ginagawa kaya naman mabilis lang namin itong na tapos. Ilang sandali lang ay dumating na rin si Rio na may dalang snacks.

Rio : "Sorry na late ako"
Avie : "Bakit ka late?"
Rio : "Nag training pa kasi kami sa basketball game na kasi namin next week"
Ejay : "Goodluck sana manalo ang batch natin. Kasi last year dikit ang laban"
Rio : "Manuod kayong dalawa"
Avie : "Sure basta libre snack"
Rio : "Sige! Basta pupunta ka"

Napansin ko na kinakausap na ako ni Ejay. Nakikipagtawanan na rin siya sa amin. Kaya ng matapos namin ang paggawa ng papers sa project ay umuwi na kami. Hindi na ako nakapag paalam sa mama ni Ejay kasi nagpapahinga sa kwarto niya. Bumabalik na ang Ejay na nakilala at minahal ko.

Avie : "Mauna na kami"
Rio : "Thanks! See you in school"
Ejay : "Welcome! Ingat kayo"
Avie : "Pakisabi na rin sa mama mo Ejay na thank you sa pakain niya kanina"
Ejay : "Sure!! I will tell her"

Kapag Umibig Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon