Chapter 14

701 83 0
                                    

KAPAG UMIBIG ANG PUSO

Nagbonding kami ng mga kaibigan ko after ng christmas party namin sa room. Binigyan ko ang bawat isa sa kanila ng regalo. Nagkaroon din kami ng exchanging gift.  Bago kami umuwi ay kumain muna kami sa restaurant.

Kia : "Christmas break na matagal ko na naman kayong hindi makikita"
Mia : "Avie! Handa ka na bang magpakilala at sabihin ang nararamdaman mo kay Ejay?"
Avie : "Kinakabahan ako pero kailangan ko itong gawin kasi ito ang tama"
Elly : "Basta balitaan mo kami sa mga nangyari para lagi kaming updated"

Bago ako matulog ay iniisip ko kung anong mga possibleng mangyari kapag nalaman na ni Ejay ang totoo? Maaga akong nagising excited ako sa organization christmas party. Dala ko ang regalo na ibibigay ko kay Ejay.

Vince : "Avie! Sigurado ka na talaga?"
Avie : "Sigurado na ako wala ng atrasan"
Vince : "Mabuti Avie"

Mas lalo gumagwapo si Ejay bagay sa kanya lahat ng sinusuot niya. Hindi na talaga ako makapaghintay na sabihin sa kanya ang totoo. Kaya naman lahat ng activities sa organization ay sinalihan ko. Natutuwa ako sa tuwing nakikita kong masaya si Ejay. Buong araw akong nag enjoy hanggang sa nagkaroon na ng exchanging gifts.

Avie : "Ang gift na ito ay para sa tinuring kong isa sa tunay kong kaibigan si Jea"
Jea : "Salamat Avie"

Ang nakabunot sa akin ay si Nicko sayang hindi si Ejay. Pero okay lang maibibigay ko na rin sa wakas ang regalo ko para sa kanya. Pagkatapos ng party ay agad akong umalis papunta sa restaurant ng mall.

Magkikita kasi kaming dalawa ni Ejay. Mahigit tatlong oras akong naghintay pero hindi pumunta si Ejay. Kaya nag desisyon ako na umalis na lamang ng biglang may tumawag sa likuran ko.

Jea : "Avie? Si Ejay ba hinahanap mo?"
Avie : "Paano mo nalaman?"
Jea : "Sinundan kita pagkatapos ng party. Tumawag din sa akin si Ejay na pumunta ako sa restaurant ng mall. Gusto niyang alamin ko kung sino ba talaga yung secret admirer niya"
Avie : "Jea magpapaliwanag ako sayo"
Jea : "Huwag ka ng magpaliwanag Avie. Matagal ko ng alam na may gusto ka kay Ejay. Babae din ako kaya nararamdaman kita"
Avie : "Jea! Pwede bang huwag mong sabihin kay Ejay na ako ang secret admirer niya. Gusto kong ako mismo ang magsabi sa kanya"
Jea : "Sige Avie hahayaan kita sa gusto mo pero sana huwag mo ng patagalin. Kung may pagkakataon ka sabihin mo na sa kanya ang totoo. I'm sure maiintindihan ka niya Avie"
Avie : "Salamat Jea"

Niyakap ko si Jea at pagkatapos ay kumain na lamang kaming dalawa sa mall. Umuwi akong malungkot dala ang pang regalo ko sana kay Ejay. Akala ko darating siya pero nagkamali pala ako. Umasa na naman ang puso ko.

Kahit ano paman ang mangyari ay sinalubong ko ang araw ng pasko at bagong taon ng masaya at positibo. Umaasa pa rin ang puso na masabi ko na kay Ejay ang tunay kong nararamdaman.

Kia : "Hello squad! I miss you all"
Elly : "Avie mag kwento ka naman kung anong nangyari sa inyo ni Ejay"
Avie : "Hindi siya sumipot sa akin"
Mia : "Ilang beses na niyang ginawa ito sayo"
Avie : "Alam na ni Jea ang totoo dahil sinundan niya ako at pinapunta din siya ni Ejay"
Elly : "Sinabi na ba ni Jea kay Ejay ang totoo?"
Avie : "Hindi! Nakiusap ako kay Jea pero gusto din niya na ako ang magsabi kay Ejay"
Mia : "Mabuti naman kung ganoon"

Sa wakas nakita ko na rin si Ejay. Pinansin niya ako ngumiti siya sa akin habang papalapit. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Bigla niya akong kinausap kinikilig ako sa nangyari pero hindi ko ito pinaramdam sa kanya.

Ejay : "May lakad ka ba mamaya?"
Avie : "Wala naman bakit?"
Ejay : "Can I invite you for a dinner? Sabihan mo na rin si Jea sa dinner mamaya"
Avie : "Sure Ejay! What time?"
Ejay : "After class Avie"
Avie : "Sige! See you"

Hindi ako makapaniwala niyaya niya akong sumama na mag dinner. Sinabihan ko agad si Jea para sabay na kaming pumunta. Natapos na ang klase pero hinintay ko muna si Jea cleaners kasi siya ng araw na iyon. Dumaan kami sa room ni Ejay pero nakaalis na sila kaya agad tinawagan ni Jea si Ejay para malaman ang lokasyon ng dinner.

Jea : "Kailangan na nating magmadali Avie. Kasi kanina pa sila naghihintay sa atin"
Avie : "Sino bang kasama ni Ejay?"
Jea : "Si Vince, Nicko at Jaypee"
Avie : "Kinakabahan ako Jea"
Jea : "Bakit ka naman kinakabahan? Basta huwag ka lang magpapahalata kay Ejay. Just go to the flow lang then have fun"
Avie : "Ano kayang naisip niya at bakit nag invite siya ng dinner?"
Jea : "Ganyan talaga si Ejay"

Nakarating na kami sa pagkakainan na sinabi ni Ejay. Nakita namin si Ejay at ang kanyang mga kaibigan na naghihintay. Kaya agad kaming naupo at nag order ng makakain. Kinikilig tuloy ako kaharap ko kasing kumain si Ejay. Tahimik ang lahat hanggang sa makarating ang order namin na pagkain.

Kapag Umibig Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon