Chapter 22

579 44 0
                                    

KAPAG UMIBIG ANG PUSO

Ang tagal kong naghintay na bumalik si Ejay pero hindi pa siya nakabalik. Nakita ko ang kotse ni Jea bigla siyang lumapit sa akin. Ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyari. Hindi ako mapakali hinihitay namin ang pagbalik ni Ejay. Nasaan na kaya siya? Ano na kayang nangyari sa kanya? Bakit ba ako nag aalala ng ganito kay Ejay?

Jea : "Halika mauna na tayo"
Avie : "Pero paano si Ejay?"
Jea : "Nandiyan naman si Carlo para maghintay sa kanya. Avie? Don't tell me na mahal mo pa rin si Ejay kaya ka nag aalala"
Avie : "Hindi! Bakit naman ako mag aalala sa kanya? Halika ka na mabuti pa mauna na tayong bumalik sa beach"

Naghintay ako sa cottage hanggang sa makabalik si Ejay. Napansin ko na bigla akong naging masaya ng makita ko siya. Gusto ko siyang kausapin pero para saan pa? Paano ako makakamove on kung hanggang ngayon ay kinikilig parin ako sa kanya?

Ejay : "Kanina ka pa dito?"
Avie : "Kakabalik ko lang din. Saan ka ba nagpunta? Nag aalala sila sayo"
Ejay : "Naghanap ng gasolinahan pero wala akong mahanap. Mabuti naman at maayos ka"
Avie : "Matagal akong naghintay hanggang sa dumating si Jea. Naisipan niya na mauna na kami dito sa beach. Sorry kung hindi ka na namin hinintay pa na makabalik"

Bakit ko kinausap si Ejay? Dapat ay umiwas ako sa kanya. Hindi ko dapat siya kausapin kasi nasaktan niya ang puso ko. Dumating bigla si Jea agad namang lumabas ng cottage si Ejay. Lumapit sa akin si Jea at tiningnan niya ako.

Jea : "Sasabay tayo ni uncle para maihatid ka namin sa inyo Avie"
Avie : "Ikaw bahala Jea"
Jea : "Halika maligo na tayo"

Ang saya ko talaga parang ayoko ng umuwi. Kumain kami ng hapunan habang may nagkakantahan. Pagkatapos ay sumakay na kami ni Jea ihahatid kami ng uncle niya. Nagulat ako ng kasama namin si Ejay sa sasakyan. Sa sobrang pagod ay nakatulog ako. Unang inihatid si Ejay sa kanilang bahay.

Ejay : "Mauna na ako sa inyo"
Jea : "Thanks for coming Ejay"
Ejay : "Salamat din sa pag invite Jea"
Jea : "Wala ka bang sasabihin kay Avie?"
Ejay : "Ingat ka Avie"

Bakit ako kinikilig sa sinabi niya? Wala akong nasabi habang tinititigan ko si Ejay. Nakarating na ako sa bahay at umuwi na rin si Jea sa kanila. Pinagpatuloy ko ang sinimulan ko na tuluyan ng kalimutan si Ejay. Alam kong mahirap pero gagawin ko ito para sa sarili ko.

Kapag Umibig Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon