Nagising si Zarren sa isang di pamilyar na kwarto na hubo't hubad at tanging kumot lang ang bumabalot sa kanyang katawan.
Sobrang sakit ng kanyang ulo at wala syang matandaan sa mga nangyari. Ang tanging natatandaan nya lang ay ang pag kamatay ng kanyang mga magulang. Nasangkot ang mga ito sa isang aksidente, sobrang sakit ng kanyang nararamdaman ng gabing yun at nais nyang makalimot. Kaya nilunod nya ang kanyang sarili sa alak.
At ang sumunod ay di nya na matandaan.
Kahit masakit ang kanyang ulo at katawan pinilit nyang bumangon. Isa isa nyang pinulot ang kanyang mga damit na nag kalat sa sahig, at nang maidako nya ang kanyang paningin sa bed sheet ng kama. Parang gumuho ang mundo nya ng makita ang bahid ng dugo sa higaan na naroroon.
Siguro nga naisuko nya ang kanyang sarili sa isang lalaking di nya kilala, att iniwan nalang sya basta basta.
Naramdaman nya nalang ang kanyang mga luha na kusang nahuhulog sa kanyang mga mata.
Naisip nyang sya na ata ang pinaka malas na tao nung mga panahong yun, sabay nawala ang mga mahal nya sa buhay. At wala na syang ibang kilala na pwede nyang malapitan. Hindi nya alam kung papano sya mabubuhay, lalo na't di pa sya pwedeng mag trabaho dahil sa napaka mura nyang edad. She's only 16years old, at mukhang di nya na maipag papatuloy ang kanyang pag aaral dahil wala ng tutustos sa pag aaral nya.
Kahit nanghihina ang katawan at ang kanyang kalooban, sinubukan nyang bumangon para umuwi.
---
AFTER THREE WEEKS
"Hija, pasensya kana ha? Pero uuwi na kasi ang anak ko galing sa abroad. Alam mo namang bahay nya itong pinapaupahan ko sayo. Ayaw kitang paalisin pero wala akong magagawa Hija. Pasensya kana." Saad ni Aling Lorna ang landlady ng kanyang inuupahan.
Alam ko naman na di nya ginusto kasi kahit papano, pinatira nya ko rito ng libre sa loob ng halos isang buwan. At binibigyan nya rin ako ng makakain ko sa araw-araw, kaya masasabi kong mabait ito.
"Naiintindihan ko po Aling Lorna, maraming salamat po sa supporta nyo sakin ha?" hayaan nyo po balang araw makakabawi po ako sa inyo.
Ngumiti lamang ito pero bakas parin sa mukha nito ang awa.
"Naku. kung pwede lang kitang ampunin kaso nag hihirap rin kami ehh." malungkot nitong pahayag.
"Ayos lang po, mamamasukan nalang po muna ako bilang kasambahay. Mag iipon ng pera para makauwi ako kanila Lolo sa probinsya." sagot nito sa ginang.
"Ahh mas maigi na yun Hija, kesa mamalagi ka rito na wala ni isang kakilala. Mahirap ang buhay dito kung wala kang trabaho, osya di na ko mag tatagal ha? Kailangan ko pang sunduin yung apo ko ehh." Paalam nito.
"Sige po, mag ingat po kayo." sagot nya naman.
Ng makaalis ang ginang, naramdaman nyang para syang nasusuka kaya nag madali syang punta sa banyo.
Baka may nakain akong di maganda. sa isip-isip nya.
Maya maya pa ay may muli nanamang kumatok sa pintuan, kaya nag madali syang buksan ito.
Nasilayan niya ang isang may edad na babae na sa tingin nya ay kaedad lang ng kanyang yumaong ina. At sa pustura nito ay mahahalata mong mayaman.
"Good morning po, sino po sila?" magalang nyang bati.
Ngumiti ito bago sumagot.
"Ikaw ba ang anak ni Zaida?" tanong nito.
"Ako nga po, p-pero wala na po si Mama." malungkot nitong sagot.
"Alam ko Hija, kaya ako pumunta rito. Huli ko ng nabalitaan, sorry kung ngayon lang ako nakadalaw." saad nito tsaka sya niyakap ng mahigpit.
Labis syang nag tataka dahil di nya naman kilala ang babae.
"P-pwede ko po bang malaman kung sino kayo?" tanong nya rito matapos syang yakapin.
"Sorry, ako nga pala si Daisy Barbosa your mom is very special to me. Kaya labis akong nalungkot ng mabalitaan kong wala na sya." pahayag nito.
Nakaramdam ng pag kahilo ang dalaga at tila nag didilim ang kanyang paningin.
Nagising na lamang sya na tila nasa isang hospital.
"I'm glad your awake." nakangiting sabi ng babaeng kausap nya kanina.
"Bat po ako nandito?" tanong nya rito.
"Bigla ka kasing nahimatay kanina, kaya isinugod ka namin dito sa hospital..." sagot naman ng babae. "and ang sabi ng doctor... your pregnant."
Napatutop sya sa kanyang bibig ng marinig yun.
"H-Hindi pwede..." wala sa sariling usal niya.
"Mas mabuti pang sabihin mo nalang sa boyfriend mo. Para mapag desisyonan nyo ang dapat gawin." saad nito.
"H-Hindi ko po alam kung s-sino ang ama ng dinadala ko..." umiiyak na sagot nito.
Nakaramdam naman ng awa ang babae sa kanya. Sobra sobra ang pinag dadaanan nito.
"Panong hindi mo alam Hija?" di napigilan nitong tanong.
"Matapos mailibing nina Mama at Papa, at para makalimot sa sakit kahit panandalian. Nilunod ko ang sarili ko sa alak, n-nagising nalang ako na nasa isang hotel." kwento nito sa matanda.
"Naku Hija, hindi sagot ang alak sa problema..." saad nito.
"A-Alam ko po, pero di ko na po kasi kinaya ang sakit na nararamdaman ko..." malungkot nitong sagot.
Niyakap nalamang sya ng babae, maya maya ay inilayo nya ang kanyang sarili mula dito.
"Ma'am Daisy, nakikiusap po ako sa inyo. Baka po pwede nyo kong kunin bilang kasambahay... wala na po akong ibang malalapitan Ma'am." umiiyak na sabi nito.
Hinawakan ng babae ang dalawang kamay ni Zarren at ngumiti.
"Huwag kang mag alala Hija, ako ang bahala sayo."
BINABASA MO ANG
Sweetest Mistake (GXG Completed)
RomanceSi Zarren ay isang single mom na, naninilbihan sa pamilyang Barbosa. Mababait ang mag asawa dahil tinanggap sya sa tahanan nila kahit na alam nilang nag dadalang tao ito. Pero nag bago ang lahat ng umuwi galing sa america ang nag iisa nilang anak...