Zarren's POV:
After ng last subject namin agad akong nag tungo sa parking lot, ayokong mahuli lalo na't ayaw nun na pinag aantay sya. Baka madagdagan nanaman pagiging bad trip nun sakin.
Laking pasasalamat ko dahil wala pa sya sa roon, kaya sumandal muna ako roon para antayin si Madam Tayla.
Maya maya lang ay nakita ko itong papalapit na sa kinaroroonan ko. Agad ako pumunta sa pinto ng back seat para pag buksan ito.
Pero dinedma nya ko bagkos ay umupo sya sa front seat.
Naku! May topak pa rin ata to.
Nag madali na kong pumunta sa driver seat at binuhay ang makina ng kotse. Papaandarin ko na sana ng mapansin kong mukhang hirap ito sa pag kakabit ng seatbelt nya, panay pa rin kasi ang hila nya rito.
"Argh! Can you help me with this?!" inis na saad nito.
Agad akong tumalima at inilapit ang aking sarili sa kanya, sinubukan kong hilain ito pero ayaw. Di ko rin alam kung bakit, napansin kong nakatingin sya sakin. Pero di ko nalang rin pinansin baka pag sungitan nanaman ako.
"Ma'am Tayla--" di ko natuloy ang aking sasabihin ng bigla nya akong hilain papalapit sa kanya. Buti nalang dahil di ako masyadong napasubsob sa kanya dahil agad akong nakahawak sa sandalan ng upuan.
Pero biglang tumayo ang balahibo ko ng maramdaman ang mainit na hininga sa leeg ko, mas lalo pa ako nitong hinila at isiniksik ang ulo nito sa leeg ko. Naramdaman ko ang malambot na labi nito sa aking leeg na nag bibigay ng kakaibang init sa katawan ko.
Ramdam kong lumalalim ang aking hininga, aalis na sana ako pero hawak pa rin nito ang braso ko. Naramdaman ko pa ang mumunting halik nito sa leeg ko.
"Hmmmm..." di ko napigilang ungol.
Shit! Shit! Shit! Ano bang ginagawa mo Ma'am Tayla?!
Mabilis akong naitulak nito ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Agad nitong kinuha ang kanyang phone at sinagot ito.
"Y-yes?" sagot nito.
Huminga ako ng malalim at pasimpleng inayos ang aking sarili.
Shit! Nakakahiya!! Bat di ko napigilan ang ungol na yun. Bwesit!
"Sige. I'll be there." sagot nito saka ibinaba ang tawag.
"Let's go home." utos nito at di man lang ako tinignan.
"I-Ipapaayos ko nalang po kay Kuya Bogart yung s-seatbelt mamaya Ma'am."
"Of course. That's your job." sagot nito at itinuon ang sarili sa kanyang mamahaling cellphone.
Wow! galing umarte na parang walang nangyari ahh. Sana all!
Sinunod ko ang utos nito at pinaandar na ang sasakyan.
Nakarating kami ng bahay ng walang imikan o tinginan, di nya rin inantay na pag buksan ko sya ng pinto kusa na itong bumaba at nag patiuna sa loob.
Matapos kong maipark ang kotse sa garahe nila ay agad akong nag tungo sa loob ng bahay. Excited na akong makita si Baby Tayron, nakita ko itong nag lalaro sa kasama si Ma'am Daisy.
"Good evening Ma'am Daisy." bati ko dito.
"Good evening hija, so how's school?" tanong nito ng nakangiti.
"Ayos lang po Ma'am, sya nga po pala ibabalik ko lang po sa inyo ito." saad ko sabay abot ng makakaya envelope na nag lalaman ng pera.
Kumunot ang noo nito at tinignan ako matapos makita ang laman ng sobre.
"Akala ko ba nag enroll ka? Anong pinambayad mo sa school kung di mo ito ginamit?" tanong nito sakin.
"Ahh ehh... nag apply po kasi ako ng full time scholar." sagot ko dito ng naka yuko.
"Ohh Hija, napa hanga mo ko dun ahh. Alam kong mahirap makapasok as scholar sa school na yun, pero nagawa mo pa rin." nakangiti nitong tugon.
Ang buong akala ko ay sesermonan ako nito bagkus ay pinuri pa ko.
"Mom, I'll go ahead." bigla ay singit ni Ma'am Tayla mula sa aking likuran.
Ng lingunin ko ito, halos mapanganga ako dahil sa suot nitong black sleeveless na pinarisan ng maong ripped pants at black rubber shoes. Simple lang ito pero ang hot nya pa ring tignan.
"Di ba muna kayo mag didinner bago umalis?" tanong ni Ma'am Daisy.
"Doon nalang Mom, hinihintay na raw kasi kami ni Sai."
Kami??
"Ahh okay sige. Wag kayo masyadong mag papagabi ni Zarren ahh." saad ni Ma'am Daisy.
"P-po? Kasama ba ko?" tanong ko sa kanila.
"Of course wala akong ibang driver unless nalang kung gusto mong ako mismo ang mag drive?" sagot ni Ma'am Tayla ng nakangisi.
"Samahan mo na sya Zarren samin nalang muna matutulog si Tayron." nakangiting tugon ni Ma'am Daisy.
Nabasa nya marahil ang rason ng pag aalala ko.
"Sige po, mag bibihis lang po ako." sagot ko sa kanila tsaka nag madali ng umakyat sa kwarto.
Nag suot lang ako ng black pants at tshirt na pinatungan ko ng denim jacket, nag suklay, nag lagay ng kunting polbo at magic lipstick.
Nakasalubong nanaman ang kilay ni Ma'am Tayla ng maubutan ko ito sa sala.
Kasalanan nya rin naman di nya sinabi saking may lakad sya.
Lumapit muna ako sa anak ko, para mag paalam. Bahala ng magalit si Ma'am Tayla.
"Baby love, alis muna si Mama ha? Love you so much Baby..." saad ko dito at hinalikan ito sa noo.
"Ngat po Mimi, I love you..." nakangiti nitong sagot, niyakap ako sa leeg at hinalikan sa pisnge.
Tumayo na ko dahil nakita kong tumayo na si Ma'am Tayla at nagpatiuna sa labas.
--
"Ma'am saan po tayo?" tanong ko dito ng makapasok sa sasakyan.
Nasa frontseat uli ito nakaupo, himala at di nya na talaga kina career ang pag dadriver ko.
"Daanan muna natin si Sai sa bahay nila." sagot nito na habang abala sa kanyang phone.
"Okay po." sagot ko.
Pinaandar ko na ang kotse at tinungo ang daan papunta sa bahay nina Ma'am Sai.
Naabutan namin itong nakatayo sa labas ng bahay nila. Agad itong pumasok sa loob ng sasakyan matapos kong itigil sa harap nya mismo.
Nag beso agad sya kay Ma'am Tayla. Ang hot nya sa suot nya ngayon, lumilitaw ang kasexyhan nitong taglay. Panigurado may jowa na tong si Ma'am Sai.
BINABASA MO ANG
Sweetest Mistake (GXG Completed)
RomantizmSi Zarren ay isang single mom na, naninilbihan sa pamilyang Barbosa. Mababait ang mag asawa dahil tinanggap sya sa tahanan nila kahit na alam nilang nag dadalang tao ito. Pero nag bago ang lahat ng umuwi galing sa america ang nag iisa nilang anak...