Sixteen

8.3K 300 6
                                    

Tayla's POV:

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo, para na itong mabibiak. Hinilot ko ang aking sentido upang maibsan ang sakit.

Maya maya lang ay may kumatok mula sa pinto.

"Good morning Ma'am." bati sakin ni Zarren pero di nakatingin ng diretsyo sakin.

Di ako nakasagot agad dahil napaka fresh ng awra nito at parang mas lalo pa syang gumanda.

Inaamin ko unang kita ko palang sa kanya, na appreciate ko na ang beauty nya pero not in a way na mas maganda pa sya sakin. Kasi mas maganda pa rin ako kahit saang angulo.

Natuwa pa nga ako sa kanya kasi para syang natulala ng makita ako, titig na titig lang sya sakin. Well di ko talaga sya masisisi, maganda ako eh.

Pero nagulat ako ng may batang lumapit sakin at binigyan ako ng flower at sinabing welcome. Nawala ang atensyon ko kay Zarren nung time na yun at naituon ko sa batang lalaki. Dahil sa sobrang cute nito, binuhat ko sya.

I don't know pero parang ang gaan ng loob ko sa bata. But what shocked me most, eh nung nalaman kong si Zarren ang mother ni Baby Boy.

The following days napansin kong parang anak na at apo ang turing nila sa mag ina and it bothers me. Syempre kasi nag iisang anak ako, at pano kapag mag kaanak ako someday. May kaagaw na ang magiging anak ko sa pag mamahal ng lolo't lola nya.

Alam ko namang kaibigan ni Mom ang namayapang Ina ni Zarren, pero kailangan bang ganun talaga ang trato nila kay Zarren? Ano bang ginawa ng babaeng to sa parents ko?!

Kaya nga nung nasolo ko ito agad ko syang kinompronta, para naman maging aware sya that I don't like her.

Okay at first I like her to be my friend but it suddenly changes. Dahil sa mga nakikita at napapansin ko.

And what makes me hate her most eh masyado syang pasikat. Sa isang iglap lang naging popular sya agad sa school dahil sa letcheng pag lalaro nya ng basketball. At dahil dun naging close pa ata nya ang pinsan kong si Brea. So I made a move, pinaalam ko lang naman sa lahat lalo na sa pinsan ko that she's just a maid.

Pero nakaramdam lang ako lalo ng inis ng di man lang naapektuhan yung pinsan ko. Only if I could tell her the reasons why I hate Zarren, kaso I can't were not that close.

"Ahhmm Ma'am?" tawag ulit sakin ni Zarren kaya bumalik ako sa realidad.

"Yes?" sagot ko.

"Ilapag ko nalang po dito sa bedside table nyo ang food at gamot." saad nito.

"Okay. By the way what happened last night?" tanong ko dito.

"A-Ahhmm wala po, n-nalasing lang kayo. T-tapos niyaya ko na kayong umuwi. Yun lang po." sagot nito na halos mag kanda utal utal.

Pero di ako satisfied sa naging sagot nito, parang there's something off the way she explained.

Gosh! Di kaya may ginawa akong kalokohan?

May mga biglang nag flashback sa isip ko pasulpot sulpot lang but one thing is clear, I remembered kissing her.... lips.

Wala sa sariling tinignan ko sya, pero nakayuko lang ito.

Tsk! Damn you self! Kaya pala di sya makatingin ng maayos. Fudge! Just act like you don't remember anything Tayla.

"Oh-hkay. Just wait for me downstairs." utos ko dito.

Agad naman itong lumabas ng aking silid.

Pumikit ako ng mariin at kinagat ang aking lower lip.

What have you done Tayla?! You messed up again everytime your drunk!

Nag madali na akong kumilos at nag ayos ng aking sarili. Baka kasi ma late pa kami sa klase ng dahil sakin.

Nakita ko itong nakikipag usap sa anak nyang si Tayron sa garden kasama si Mom, di ko na nahagilap pa si Dad marahil ay maagang pumasok sa trabaho.

"Good morning anak, your totally wasted last night. Buti nalang at nandyan si Zarren para asikasuhin ka at bihisan." saad ni Mom tsaka ako kinindatan.

"Good morning Mom." sagot ko dito saka ko sinenyasan sa itigil na ang kakapang asar sakin.

Ngingiti-ngiti lang ito.

Mom is such a teaser, it all started ng makita nya akong amazed na amazed sa pakikipag laro ni Zarren kay Dad. Simula nun palihim nya kong tinutukso kay Zarren. Di ko minsan maintindihan si Mom, parang gusto akong ipamigay kay Zarren ehh. Nakalimutan nya atang babae ang anak nya at kung makapag bugaw sakin sa babae pa.

Tinignan ko si Zarren, bahagya itong nakayuko pero pansin kong parang namumula ang pisnge nito.

"S-san nyo po gustong umupo Ma'am?" tanong nito sakin.

"Sa frontseat na." sagot ko at akmang bubuksan ko sana ang pinto ng mahawakan ko ang kamay nya.

Pag bubuksan nya marahil ako ng pinto kaya nag kasabay kami.

Agad kong nabawi ang aking kamay parang may naramdaman kasi akong kuryente ng mag dikit ang mga balat namin.

"S-Sorry po." saad nito.

"It's okay, ako nalang bahalang mag bukas." sagot ko dito at palihim syang tinignan.

Nahuli ko syang nakatingin sakin pero agad ring nag bawi ng tingin.

Naiilang marahil sya dahil sa nangyari kagabi.

Nagpatiuna na akong pumasok sa loob ng sasakyan. Nakita kong sumunod rin sya at pinaandar na ang kotse.

Habang nag mamaneho sya palihim ko syang tinitignan at pinapakiramdaman.

Ewan ko pero biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko, ngayong malapit sya sakin.

"Tsk!" wala sa sariling sambit ko at ibinaling na ang tingin sa labas.

"Bakit po Ma'am?" pagkaraay tanong nito.

"Huh? W-wala. Just don't mind me." sagot ko dito.

Pagkatapos nun ay di na kami nag kibuan pa, hanggang sa makaabot kami sa school. Di na ko nag paalam pa at diretsyo nang umalis.

Yung kabog kasi ng dibdib ko di pa rin nag babago.

Epekto siguro nung nangyari kagabi, nag kunwari kasi akong di ko maalala.

Sweetest Mistake (GXG Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon