Thirty Eight

7.3K 278 41
                                    

Dedicated to:
thelastheroine
Thank you so much sa info
🙈🙈🙈

Zarren's POV:

"Tayla!!!" sigaw ko at agad na napa bangon.

Gosh! Panaginip lang pala.

Nakita ko si Tayla sa panaginip ko lumalayo sya ng lumalayo hanggang sa di ko na sya makita.

Nag pasya akong pumunta sa kusina para kumuha ng tubig, nag taka ako dahil nakapatay na ang ilaw.

Teka, anong oras na ba?

Tinignan ko ang oras sa wallclock naroroon. Mag aalas dyes na pala ng gabi, mukhang napa haba ata ang tulog ko.

Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig, pagkatapos ay umakyat na. Bago dumiretsyo sa kwarto sinilip ko muna si Tayla sa silid nito, pero wala ito roon.

Saan kaya sya nag punta? Hindi kaya kasama nya nanaman si Mitch?

Nakaramdam ako ng kirot dahil sa iisiping yun.

Dapat pag katiwalaan mo si Tayla, Zarren. Wag kang mag iisip ng negative about her. saway ko sa aking sarili.

Nagpakawala ako ng isang malalim ng buntong hininga at nilisan ang kwarto nito.

Muli akong pumasok sa loob ng silid, at sinubukan kong matulog ulit. Pero di na ko dinadalaw ng antok.

Nag aalala rin ako kung nasan na sya, malalim na rin kasi ang gabi. Sana naman wag syang masyadong mag lasing kung sakali mang mag iinuman sila.

--

Tayla's POV:

After naming mag dinner pumunta muna kami sa garden ni Mitch para mapag usapan yung bagay na talagang kailangan ko sa kanya, pero sa mga nangyari samin ni Zarren. Parang ayaw ko ng ituloy but there's a part of me na nag sasabing kailangan ko tong gawin.

"So kailan mo ba planong mag bigay sakin ng DNA Samples?" Tanong nito sakin.

"Ibibigay ko na ngayon, just wait for me here. Okay?" Sagot ko dito.

"Okay, I'll just sit here." Tugon nito.

Pumasok muna ako sa bahay para kumuha ng ilang hibla ng buhok mula kay Dad at Tayron.

Dahan dahan akong pumasok sa room nina Dad, nakita kong mahimbing na silang natutulog ni Mom at magkayakap.

Kinuha ko ang maliit na sealed plastic bag. At maingat na bumunot ng hibla ng buhok ni Dad gamit ang puller na dala dala ko, kinabahan pa ko kasi akala ko magigising sya. Pero kinamot lang nito ang kanyang ulo. Siniguro ko muna na pati ang root ng buhok ay nakuha ko, ng di na kumilos si Dad muli akong kumuha ng isa pa. At inilagay ito sa loob ng sealed plastic bag na may nakalagay na pangalan ni Dad.

Ng mapagtagumpayan ko ay agad na akong lumabas sa room nila, sinunod kong puntahan ay ang room nina Zarren.

Mukhang nakatulog ata ang Mimi ko. Di man lang nag abalang mag kumot.

Kinuha ko ang kumot na nasa paanan ni Tayron at iniayos sa kanilang dalawa.

Sumunod akong kumuha ng kay Tayron at inilagay rin ito sa separated sealed plastic bag na may nakasulat na name ni Tayron.

Gusto ko sanang gisingin si Zarren para kumain muna pero di ko nalang ginawa,baka kasi mag tanong sya kung saan ako pupunta. Magigising rin naman siguro ito maya maya para kumain.

Hinalikan ko muna sa noo ang dalawa, and whispered.

"I LOVE YOU BOTH."

Nag lakad na ako pabalik sa garden at lumapit sa kinaroroonan ni Mitch.

Sweetest Mistake (GXG Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon