Zarren's POV:
Hindi ko alam kung nakatulog ba ko o hindi, pano naman kasi ang lapit lapit ni Ma'am Tayla sakin. Tapos yung malambot na bagay sa likuran ko talagang nakaka ano... ahhm amazed.
Sana all biniyayaan.
Hindi ko lang rin alam kung nararamdaman ba nya ang lakas ng tibok ng puso ko.
Ano naman kaya ang nakain ng babaeng to kagabi tinawag nya rin akong Mimi tapos bigla bigla nalang syang pumasok sa kwarto at tumabi sakin.
Pero yung totoo lihim akong kinikilig sa mga pinag gagawa nya sakin.
Napabuntong hininga nalang ako, tinignan ko ang alarm clock na nasa itaas ng side table. Mag aalas syete na ng umaga dapat 9am nasa bahay na kami ni Ma'am Brenda.
Marahan kong tinapik ang braso ni Ma'am Tayla na hanggang ngayon ay nakapulupot pa rin sakin.
"Ahhm Ma'am Tayla?" Tawag ko dito.
"Hmmm..." ungol nito.
"Gising na po."
"5minutes more..." anas nito.
"Baka po malate na tayo."
"Can we just stay here, wag na tayo pumunta." Sambit nito.
Hala! Mukhang tinatamad ata to ah.
"Ahh sige po, ako nalang po pupunta." Saad ko.
Di ito sumagot pero naramdaman kong niyakap pa ako nito ng mahigpit.
"Subukan mong umalis ng wala ako, di mo na makikita si Tayron." Bulong nito habang nag susumiksik sa leeg ko.
Grabe yun talaga ipinantakot.
Dahan dahan kong tinanggal ang braso nito.
"Mimi, ano ba? 10minutes nalang." Pag mamaktol nito.
Pakiramdam ko nag init ang mukha ko dahil muli nanaman akong tinawag nitong Mimi.
Hinayaan ko nalang sya sa gusto nyang 10minutes daw.
Nakita kong inabot ng kamay nya ang maliit na kamay ni Tayron tsaka ito hinawakan.
Napangiti ako dahil sa gestures nyang yun.
Muli akong nagising dahil sa mahinang yugyog sakin ni Tayron, di ko namalayang nakaidlip rin pala ako.
"Mimi..." masayang tawag sakin ni Tayron.
"Good morning baby love..." ganti ko naman dito.
"Good morning Mimi." Bati sakin ng isang napaka gandang babae. Na nakaupo sa paanan ko.
"M-morning..." sagot ko at nag iwas ng tingin.
Pag di pa ko umiwas baka matulala ako sa kagandahan nito.
"Tita Mommy bakit Mimi tawag mo kay Mimi?" Tanong ng bata.
"Hmmm ayaw mo ba?" Tanong ni Ma'am Tayla dito.
"Gusto po." Nakangiting sagot nito.
"Aba very good si Baby Tayron di madamot." Saad nito saka hinalikan sa pisnge ang bata.
Kinarga na ni Ma'am Tayla si Tayron at muli akong tinignan.
"Get up na mimi, masyado kang nag enjoy sa 10minutes." She said then winks.
Pinamulahan naman ako ng mukha di ko kasi namalayan na nakatulog uli ako ehh.
Nauna na silang lumabas ng room, ako naman ay naiwan at inayos muna ang higaan bago nag tungo sa banyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/235951903-288-k841769.jpg)
BINABASA MO ANG
Sweetest Mistake (GXG Completed)
RomanceSi Zarren ay isang single mom na, naninilbihan sa pamilyang Barbosa. Mababait ang mag asawa dahil tinanggap sya sa tahanan nila kahit na alam nilang nag dadalang tao ito. Pero nag bago ang lahat ng umuwi galing sa america ang nag iisa nilang anak...