Thirty One

8.2K 300 25
                                    

Tayla's POV:

Nasa condo kami ngayon ni Mitch. Bali anim kaming babae na nag iinuman silang lima ay nag kakatuwaan sa loob at nag lalaro ng kung anu anong maisip nilang laruin.

Ako naman ay nasa may veranda tinitignan ang ibat ibang kulay na kumikislap sa mga nag tataasang gusali.

"Hey! Ayaw mo bang sumali sa loob?" Tanong ni Sai ng makalapit sa kinaroroonan ko.

"Mamaya sasali ako, gusto ko lang kasing mag muni-muni kahit saglit." Sagot ko.

"Ano na bang plano mo?" Tanong nito sakin.

"About what?" Balik tanong ko.

"Duh! About DNA. Itutuloy mo ba?"

Actually nawala talaga sa isip ko yun.

"Ahhmm of course." Tanging naisagot ko.

"Gawin na natin as fast as we could, lalo mag a out of town si Mitch next week." Napaisip tuloy ako there's a part of me na gustong ipa DNA si Tayron at Dad pero may part rin na natatakot ako.

"Okay sige update kita kapag nakakuhana ko ng hair samples nilang dalawa." Sagot ko.

"Okay... by the way Tayl, 3years ago nasabi mo sakin after getting all wasted and drunk may babae kang kasama sa hotel pag gising mo diba?" Bigla ay tanong nito sakin.

Hindi ko alam kung bakit nya naungkat ang bagay na to.

"Uhhmm yeah, why?" I seriously look at her.

"Did you remembered her face?"

"Actually hindi, I didn't bother since sobrang sakit na ng nararamdaman ko nun. Nag papanic na ko if whats happening to me." Sagot ko.

"Don't you have any plans na hanapin yung taong yun?" Tanong nito.

"Hey! Why are you bringing up the past?" Di ko na natiis na di tanungin ngayon nya lang kasi naungkat ang nangyari sakin noon.

"Nothing, just wondering. Na baka pag nahanap mo si girl ehh pwede kang ma attract sa kanya. Nag aalala lang kasi ako sayo wala ka paring nagugustuhan until now, I don't  even know if what's you sexual preference. Kung lalakiba ang bet mo or babae."

Natawa naman ako sa mga pinag sasabi ni Sai.

"Bat ba masyado kang nag aalala I'm still young para problemahin yan no." Natatawa kong sagot.

"Yun na nga ehh your still young why don't you enjoy yourself habang bata ka pa. Jusko! Andaming nag kakandarapa sayo dyan andami mong choices girl mapa babae man o lalaki, wala ka talagang nagugustuhan?" Dagdag pa nito.

"Alam mo mas malala ka pa kay Mom, si Mom tinutukso ako kay... nevermind. Tapos ikaw naman gusto mo ng mamili ako? Di naman kasi basta basta pinipili yan no, kusang darating yan. I'm just waiting for the right one."

Which is I think nahanap ko na, but doesn't like me back.

"Hey! You two! Bat nag sosolo kayo dito ha?" Sita samin ni Mitch na sa tingin ko ay parang tinatamaan na ng alak.

"Nag papahangin lang kami couz
" sagot ni Sai.

"Ohh ganun ba?" Sagot nito at ibinaling ang atensyon sakin.

"You! Alam mo kung naging lalaki ka... gwapo ka ehh." Saad nito at lumapit sa akin, halos wala ng pagitan ang mga katawan namin sa sobrang pag lapit nito.

"Geez! Can't you see babae ako." Inis na sagot ko.

"Oo ngayon pero noon..." di nito tinapos ang kanyang sasabihin bigla nalang itong humagikgik na parang kinikilig na ewan.

Creepy!!

"Let's go home Sai." Aya ko kay Sai at inilayo sakin si Mitch.

"No! Dito kayo matutulog, walang uuwi." Harang nya sa kanyang katawan na animoy pinipigilan talaga kaming umalis.

"Oo nga Tayl, malalim na rin ang gabi. Tinatamad na kong bumyahe." Sabat naman ni Sai.

I let out a deep sighed.

"Okay fine, on one condition gusto ko ikaw lang katabi ko Sai. I trust you more than your her." Sabi ko sabay turo kay Mitch.

"Why? Are you scared? I won't  bite." Mapang akit na sabi nito.

Geez! Di ko alam kung pano naging doctor ang babaeng to, lakas ng trip sa buhay.

Sa kabilang room kami natulog ni Sai, mahimbing na ang tulog nito naparami kasi ang inom nito unlike me kunti lang ang ininom ko baka makagawa nanaman ako ng pag sisisihan ko sa huli.

May isang tao kasing ayaw akong patulugin, pilit na nag susumiksik sa isip ko kahit ayaw ko ng isipin.

Darn it! Namimiss ko sya. I want to see her face, I want to feel her warmth.

Ang Oa mo naman heart para namang antagal naming di nag kita ah, ilang oras lang naman ang nakalipas mula ng makita ko ang babaeng yun.

Kinuha ko ang isang unan at niyakap.

Gosh! Hindi na ako to.

I-imagine daw ba na si Zarren yung unan. Pero ng dahil rin sa iisipin kong yun agad akong nakatulog ng di ko namamalayan.

--

Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa kakayugyog sakin ni Sai, 7am na pala ng umaga and we need to go home.

Nag pasundo nalang kami sa driver nila dahil di kami maihahatod ni Mitch tulog mantika kasi at mukhang may hang over pa.

Nakauwi ako ng bahay around 7:30am, naabutan ko sina Mom and Dad na nag kakape sa sala habang nag haharutan. Parang mga teenager lang.

"Good morning Mom, Dad." Bati ko sa dalawa sabay beso.

"Good morning anak, may hang over ba?" Biro ni Dad.

"Wala po, di naman ako masyadong uminom." Sagot ko.

"Ahmm. Good morning Ma'am Tayla." Bati ng may ari ng boses na nag papabilis sa tibok ng puso ko.

Nag tama ang mga mata namin ng tignan ko sya, pakiramdam ko kaming dalawa lang ang tao sa mundong ginagawalan ko.

"What do you want anak, coffee, milk, or zarren."

"Si zarren nalang po--" wala sa sariling sambit ko pero agad ko rin namang narealize ang sinabi ko.

"Daad!!" Maktol ko dito.

Nagtawanan lang si Mom and Dad samantalang si Zarren at halatang nag pipigil ng tawa.

Jusmiyo! Pati ba naman si Dad.

Napikon ako kaya nag madali akong umakyat para pumunta sa aking silid. Para na rin makapag ayos.

Sweetest Mistake (GXG Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon