Tayla's POV:
"Oh my gosh Tayla, papano nangyari to?" Di makapaniwalang tanong ni Sai.
Nasa loob kami ng kotse ngayon, habang nakaparada hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko dahil sa nalaman ko.
"I.. I don't know. Isa lang ang alam ko, minaniobra ng pinsan mo ang result." Tugon ko na may halong pag titimpi.
"Gosh I have no idea bakit nagawa ng pinsan ko ang bagay na yan, ganun ba kalalim ang galit nya sayo para ilihim nya yung totoo?" Saad pa nito.
"Hindi ko alam Sai, that's why I really need to talk to her."
"Antayin nalang natin syang makabalik, for now isipin mo muna kung pano mo sasabihin kay Zarren na ikaw ang... sorry, actually di ko alam kung anong itatawag sayo girl. mother Or father?" saad ni Cyrill.
"Hindi ko alam kung papano ko sya haharapin lalo na sa mga nangyari samin ngayon. Pinaratangan ko pa syang kabet ni Dad." Sagot ko habang patuloy na hinihilot ang sentido ko
"Kaya nga no, pero diba mahal mo yung tao edi dapat gawin mo lahat to win her back lalo pa ngayon na may Tayron na kayo." Parang kinikilig na tugon ni Sai.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.
Maya maya pa ay narinig kong tumunog ang aking phone, isang unregistered number ang ngayon ay tumatawag. Sinagot ko na rin ito dahil baka importante.
"Hello?" Sagot ko.
"Hello Ma'am, is this Ms. Tayla Barbosa?" Tanong ng nasa kabilang linya.
"Yes, speaking."
"Ms. Tayla this is the manager of Dylan's Hotel, may good news po ako sa inyo."
"Ano yun?"
"The good news is na recover na namin yung cctv footage sa nasabi nyong petsa."
"Talaga? That's great pwede ko na bang makita?"
"Yeah sure Ma'am, pumunta lang po kayo dito anytime."
"On duty ba ngayon yung Receptionist na nakausap ko before?"
"Yes Ma'am, bakit po?"
"I have some questions lang naman na baka masagutan nya."
"Okay Ma'am we'll be waiting for you."
"Okay." Tipid kong sagot at inend ang call.
"Sino yung tumawag?" Usisa ni Sai.
"Yung manager ng hotel na pinuntahan ko 3years ago." Sagot ko.
"Talaga? Pero bat kailangan mo pang puntahan yun di pa ba sapat yung result ng DNA?" Tanong nito.
"Kailangan ko yun, incase na ayaw maniwala ni Zarren. Atleast my mga maipapakita akong katibayan." Tugon ko at binuhay ang makina ng kotse.
"Hey san pa ba tayo pupunta?"
"Sa Dylan's Hotel." Sagot ko.
Zarren's POV:
Palabas ako ng bahay ngayon para bumili ng mga gagamitin sa pag lalaba ng biglang...
"Hi..." bungad sakin ni Brea.
"Ayy putek!" Sambit ko dahil sa sobrang pag kagulat.
"Masyado kang magugulatin Ren." natatawang saad nito.
"Ehh pano ba naman kasi bigla bigla kang sumusulpot dyan, eh diba may pasok ka pa?" Sermon ko dito.
"Masyado kasi akong inaantok sa klase kaya naisip kong umabsent for the whole day." Nakangiti pang sagot nito.
BINABASA MO ANG
Sweetest Mistake (GXG Completed)
RomanceSi Zarren ay isang single mom na, naninilbihan sa pamilyang Barbosa. Mababait ang mag asawa dahil tinanggap sya sa tahanan nila kahit na alam nilang nag dadalang tao ito. Pero nag bago ang lahat ng umuwi galing sa america ang nag iisa nilang anak...