Zarren's POV:
Nasa isang clinic laboratory kami na pag aari raw ng isa sa mga kaibigan ni Ma'am Daisy. Hinihintay namin na matapos kunan ng DNA sample si Sir Randy, samantalang tahimik lang kaming nakaupo ni Tayron kasama ni Ma'am Daisy.
Maya maya pa ay lumabas na si Sir Randy at sinabing si Tayron na raw ang susunod.
Pumasok kami sa loob at umupo, kinuha ng isang nurse si Baby Tayron at pinaupo sa baby chair. Ako naman ay tinanong ng isang nurse about sa mga personal information ni Tayron.
Maya maya pa ay muli nilang ibinalik sakin si Tayron.
"Mommy, yung result po ng DNA. Makukuha nyo po after 3 to 5 days, paki antay nalang po. Salamat." Instruction nung nurse na kumausap sakin.
Matapos makunan ng DNA sample sina Tayron at Sir Randy, nag pasya na kaming unuwi.
Habang nakasakay sa sasakyan, napaka tahimik naming tatlo. At ang tanging maririnig lang ay ang nursery rhymes na pinapanood ni Tayron.
Ng maihatid kami ni Sir Randy sa bahay nauna na itong umuwi si Ma'am Daisy naman ay piniling mag paiwan.
"I'm sorry kung hindi ko sinabi sayo." Bigla ay sambit ni Ma'am Daisy.
"Ayoko kasi sanang pangunahan ang Mama mo, ni hindi ko alam kung gusto nya bang ipaalam pa sayo na nag karon sya ng relasyon sa kapwa nya babae. I treated you as my own daughter hindi dahil sa kamukhang kamukha mo ang Mama mo, kahit man lang sayo makabawi ako sa pag mamahal na hindi ko naiparamdam sa kanya dahil sa takot ko sa Lolo ni Tayla." Pahayag nito. "And I'm hoping na sana mag negative yung result ng DNA kasi magiging masakit para sakin tanggapin kung sakaling mag positive yun." Dugtong pa nito.
"Ma'am Daisy, hindi po ako nag sinungaling sa inyo. Totoo po lahat ng sinabi ko sa inyo noon na hindi ko kilala ang ama ng dinadala ko nung panahong yun." Paliwanag ko dito.
"I wanted to believe in you Ren pero masakit lang kasi para sakin yung nakita kong DNA test result nung asawa ko at ni Tayron."
"Hindi po kita masisisi Ma'am." Tanging nasabi ko.
Tayla's POV:
Nung gabing umuwi ako sa bahay nakita ng sarili kong mga mata kung paano hinampas ni Lolo ang kanyang baston sa braso ni Dad.
Nakaramdam ako ng awa at pagka konsensya dahil sa sinapit ni Dad, at mas lalo lang sumama ang loob ko sa aking sarili ng marinig ang mga katagang sinabi ni Dad matapos syang hampasin ni Lolo sa pangalawang beses.
"Wala lang yung sakit ng palo ng Lolo mo kumpara sa sakit na nandito sa dibdib ko... namimiss ko na kayo."
Nakaramdam ako ng pagsisisi dahil sa nangyari kay Dad, parang gusto kong ibalik yung nakaraan at baguhin ang naging desisyon ko dahil sa awa ko para rito.
Parang totoo kasi lahat ng sinasabi ni Dad na hinding hindi nya kami magagawang lokohin.
I need to talk to Mitch about this matter, hindi kaya nag kamali lang sya?!
Sinubukan kong tawagan si Mitch pero cannot be reach, I also tried to call Sai buti nalang dahil sumagot ito.
"Sai do you know kung nasan si Mitch? Di ko kasi sya macontact." Saad ko sa kabilang linya.
"I told you before mag a out of town raw sya diba, di ko nga lang alam kung saan. Bakit ba?"
"May kailangan akong i clarify sa kanya about sa DNA results."
"Puntahan nalang kaya natin sa clinic nito and ask her nurse kung kelan sya babalik."
"Sige nasan ka ba ngayon?" Tanong ko dito.
"Nasa library lang pero patapos na rin ako, sa parking lot nalang tayo mag kita."
"Okay." Sagot ko at inend na ang call.
Mabilis naming tinahak ang daan papunta sa clinic ni Mitch, halos marinig ko na ang lakas ng kabog ng puso ko.
Ewan ko pero biglang lumakas ang tibok nito, kinakabahan ako ng sobra.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa clinic nito.
Nagpatiunang pumasok sa loob si Sai at tinanong ang nurse.
"Hi, Is my cousin Mitch here?" Tabing nito dito.
"Out of town po sya ngayon Ma'am eh." Sagot ng nurse.
"Alam mo ba kung kelan sya babalik?" Tanong ko dito.
"After 1week pa po..." sagot nito. "Bakit po Ma'am?" Tanong nito.
"Okay since were here narin naman itatanong ko na, possible ba na mag kamali yung test result ng dna?" Tanong ko dito.
"Hmm actually po malabong magkamali dun sa pinatest nyo kasi tatlong beses na pong inulit ni Doc Mitch ang pag run ng test sa DNA samples pero same parin po ang results." Pag papaliwanag nito.
Wow! Ang sipag nya naman 3x nya ng inukit ehh.
"Every test ba may print out ng result?" Singit ni Sai.
"Opo meron po." The nurse answered.
"Pwede ba naming makita?" Tanong ko dito.
"Baka po mapagalitan ako ni Doc Mitch kapag nalaman nyang nakialam ako sa mga gamit nya." Kinakabahang tugon nito.
"Don't worry sagot kita, I'm her cousin by the way." Pagyayabang ni Sai para lang mapapayag ang nurse na kaharap namin.
"Ahh sige po pero basta po ahh sagot nyo ko." Paniniguto ng nurse.
"Oo wag kang mag alala takot sakin si Mitch." Saad pa ni Sai.
Binuksan ng nurse ang opisina ni Mitch. Binuksan nito ang drawer sa mesa nito at hinanap yung results ng DNA.
"Barbosa po iyon tama?" Tanong pa nito.
"Yes." Tipid kong sagot.
"Ahh ito po, paki check nalang po kung tama po ba." Saad nito at ibinigay sa akin ang envelope na nag lalaman ng mga results. "Maiwan ko po muna kayo, ang sakit kasi ng tiyan ko..." nahihiyang paalam nito.
Naiwan kaming dalawa ni Sai sa loob ng opisina ni Mitch.
Tatlong piraso ng papel ang nakuha ko mula sa loob ng envelope, ang unang papel na tinignan ko ay ang same result na may kopya ako pero ang pangalawa ang labis kong pinag taka...
RANDY T. BARBOSA
Average % DNA Shared:
25%
may note pang nakalagay sa baba,
possible grandfatherNagmadali kong tinignan ang pinaka huling pahina parehas lang ito sa kopyang hawak ko, pero nung tinignan ko ang pangalan.
Napamura ako sa loob loob ko, pangalan ko ang nasa print out.
Nawalan ako ng lakas at napaupo sa sahig.
"Hey what happened?!" Nag aalalang tanong ni Sai.
Hindi ako sumagot nakatingin lang ako sa kawalan, parang mawawala ako sa tamang wisyo dahil sa natuklasan ko.
Nakita kong kinuha ni Sai ang mga papel sa kamay ko at isa isa itong binasa.
Pero agad ring napatutop sa kanyang bibig.
"Oh my gosh Tayla!!!" Sambit nito.
"Let's go!" Saad ko ng makaipon ng lakas at dinala ang lahat ng nilalaman ng envelope.
S o r r y
for the long wait
Medyo nag ka LQ lang
🤣🙈
Pero okay na, so ayoon.T H A N K
Y O U
S O M U C H
G U Y S 😊
BINABASA MO ANG
Sweetest Mistake (GXG Completed)
RomanceSi Zarren ay isang single mom na, naninilbihan sa pamilyang Barbosa. Mababait ang mag asawa dahil tinanggap sya sa tahanan nila kahit na alam nilang nag dadalang tao ito. Pero nag bago ang lahat ng umuwi galing sa america ang nag iisa nilang anak...