Zarren's POV:
Okay naman ang mood kanina ni Ma'am Tayla pero ewan ko bat biglang di nya na ko pinansin. Di kaya nagalit sya kasi mas inintindi ko si Brea, ehh pano pa ba naman ako lalapit kung andami ng nakapalibot sa kanya. Sinubukan ko namang lumapit kaso napag sungitan nya lang ako.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa iisiping yun.
Bigla akong nakaramdam ng insecurities dahil sa babaeng gumagamot sa sugat ni Ma'am Tayla, kagaya nya rin kasi ito. Matangkad, maputi, sexy. Yun nga lang mas maganda talaga si Ma'am Tayla.
Iniwas ko nalang ang aking tingin ng magtagpo ang mga mata namin.
"Oy! Lalim ata ng iniisip mo ahh." Bigla ay sulpot ni Brea.
"Hindi no." Sagot ko dito.
"Suus!Sawa ka na bang maging ikaw?" Bigla ay tanong nito na ikinakunot ng noo ko.
"Hmmm... minsan?" Wala sa sariling sagot ko.
"Kung maging TAYO naman kaya para maiba." She said smirking at parang nag pipigil ng tawa.
"Sira! Ang korni mo." Natatawa kong tugon dito.
"Guys! Mag sisimula na raw ang laro..." sigaw ng isa naming kasamahan.
Nag ipon na uli ang lahat sa court, buti nalang kahit tirik ang araw di namin ramdam. Dahil sa mga nag lalakihang puno sa paligid na nag bibigay ng sariwang hangin at nag tatakip ng init mula sa araw.
Nag simula na ang laro pero parang wala akong ganang mag laro ngayon, pano ba naman kasi yung nag babantay sakin napaka seryoso ng mukha. Parang anlaki ng atrasong nagawa ko sa kanya.
Ipinasa ko ang bola sa kasama ko.
"Why? Can't handle me?" hamon nito sakin.
Ngumuso lang ako dito at napasimangot.
"Tayla!" tawag sa kanya ng babaeng kausap nya kanina.
"I told you stop doing that!" saad nito sakin.
Mukhang di nya ata napansin ang pag tawag ng babae sa kanya.
Ipinasa na ng babae sa kanya ang bola, pero wala talaga ang atensyon ni Ma'am Tayla dito.
Wala na kong ibang magagawa kesa matamaan si Ma'am Tayla, mabilis kong tinapik ang bola. At nakuha naman ng kasamahan ko.
"Hey! Your cheating." akusa sakin nito.
"Hindi po, di nyo po kasi napansin ang bola kaya tinapik ko nalang kesa matamaan ka." sagot ko.
"It's okay Tayl, focus ka nalang." singit ng babae tsaka kinindatan si Ma'am Tayla.
Nakita ko ang pamumula ni Ma'am Tayla.
Wow! kinilig na sya sa kindat ng babaeng yun?
"Tsk!" wala sa sariling turan ko at tumakbo na para kunin ang bola.
"PASA!!!" malakas na sigaw ko.
"Hey! Relax nang gigigil ka ahh." sambit ni Brea.
Ipinasa sakin ang bola at buong inis kong ibinato ang bola sa ring. Wala sa ayos ang pag bitaw ko ng bola kaya alam kong di rin ito papasok, pero hinayaan ko nalang.
Nagulat ako ng makatikim ako ng isang malakas na palo sa pwet. Tinignan ko ang may gawa nun, si Brea.
"Masyadong mainit yang ulo mo." saad nito ng nakangiti.
"Wag kayong mag landian dito, laro." sabad ni Ma'am Tayla habang tumatakbo palayo.
Napangiti nalang ako, unang beses ko kasing ma distract sa laro.
Bandang huli nanalo rin ang Team nina Ma'am Tayla.
Nag tawag na sina Couch Brenda for lunch break, gusto ko sanang lapitan si Ma'am Tayla pero laging naka dikit sa kanya yung magandang linta.
Kahit naiinis hinayaan ko nalang sya at sumama nalang kanila Brea.
Panay ang nakaw tingin ko sa kinaroroonan nina Ma'am Tayla di ko man lang sya nahuhuling nakatingin sa gawi ko.
Well baka nag eenjoy sya kasama yung magandang linta na yun.
Itinuon ko na lamang ang pansin ko kanila Brea at Maya. Itong si Maya naman lakas maka tukso samin ni Brea.
"Tigilan mo na nga yan Maya, sobrang ganda nyan di ako papatulan nyan." sagot ko.
"What if ligawan kita?" bigla ay tanong ni Brea na ikinaubo ko.
"Ayeeeeei..." tili naman ni Maya sabay hampas sakin ng malakas.
Muntik pa kong masubsob kay Brea buti nalang dahil naalalayan ako nito sa bewang.
Napatingala pa ko at late ko ng marealize na ang lapit pala ng mukha nito sakin.
Naagaw ng aking atensyon ang tunog ng isang bagay na bumagsak at nabiak, nakita ko si Ma'am Tayla na nakatayo at ang sama ng mga titig na ipinupukol nito sa amin.
Agad akong humiwalay at lumayo kay Brea.
Nakita kong mabilis itong nag lakad papalayo.
Ewan ko pero may kung ano sa loob ko na inuutusan akong habulin ito.
Mabilis ko itong hinabol nakita kong papunta na ito sa parking lot, kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko.
Bago pa ito makalapit sa pinto ng kotse ay mabilis kong naiharang ang aking sarili.
"S-saan ka po pupunta?" tanong ko dito.
"Wala kang pakialam, get out of my way." galit na utos nito.
"S-sasama po ako." sagot ko.
Di ko alam kung saan ako nakakuha ng kakapalan ng mukha. Isa lang ang alam ko ayokong ganito sya makitungo sakin.
"Ayoko, kaya umalis ka dyan." giit nito.
"Ma'am Tayla bakit kaba nagagalit? May nagawa ba ko?" lakas loob kong tanong.
"Wala. And please lang wag kang makulit." naiinis na sambit nito.
"Isama nyo nalang po ako, ayokong maiwan dito na wala kayo."
Ngumisi ito.
"Talaga? Mukhang hindi naman yun ang nakikita ko ehh. Diba nag eenjoy ka kasama si Brea?" sarkastikong turan nito.
"Nag eenjoy ka rin naman pong kasama yung isang babae dun diba?" sagot ko pero halos di makatingin sa kanya.
"How sure you are na nag eenjoy ako? Nasayo lang ang atensyon ko so pano mo nasabing nag eenjoy ako kung nakikita kitang nakikipag landian sa pinsan ko?" galit na tugon nito.
"Ni hindi mo nga sinunod yung sinabi ko sayo diba na sabay tayong mag lunch." dugtong pa nito.
"Eh pano ba naman kasi ako lalapit sayo kong laging nakakapit sayo yung babaeng kasama mo? Gusto nyo po bang umeksena ako dun, at pumagitna sa inyong dalawa?" naiinis na rin na sagot ko.
"Oh! Bat di mo ginawa? Pakialam ko ba dun sa babaeng yun, na halos hindi ko nga matandaan ang pangalan." ganti rin nito.
"Teka nga! Dahil ba dun kaya kayo nagagalit ng ganyan?"
"Are you stupid or manhid ka lang? Can't you see sayo lang ako may pakialam." saad pa nito.
"H-huh? B-bakit sakin lang?" wala sa sariling tanong ko.
Ayaw kasing mag sync in sa utak ko lahat ng sinasabi nya.
"Stupid, because I love you Zarren! Naiinis ako na may umaaligid sayong iba lalo na yung pinsan ko na may gusto rin sayo."
"Y-ou love me?" di makapaniwalang tanong ko.
"Isang ulit pa Zarren, hahalikan na kita." Banta nito sakin.
Na agad namang nag patahimik sakin.
BINABASA MO ANG
Sweetest Mistake (GXG Completed)
RomanceSi Zarren ay isang single mom na, naninilbihan sa pamilyang Barbosa. Mababait ang mag asawa dahil tinanggap sya sa tahanan nila kahit na alam nilang nag dadalang tao ito. Pero nag bago ang lahat ng umuwi galing sa america ang nag iisa nilang anak...