Zarren's POV:
"Hi couz." bati nito kay Ma'am Tayla ng makalapit sila sa kinaroroonan namin.
"Hi couz, by the way this is Cyrill my bestfriend." pag papakilala nya sa kasama nya.
Ibinaling ko na lamang sa cellphone ko ang atensyon ko at kunwari ay di nakikinig.
"Actually kilala ko na sya, sya yung nag bigay ng water at towel kay Zarren kanina." sagot naman ni Brea.
"Well that's my way of saying congratulations." narinig ko pang saad ni Ma'am Sai.
"Hi Ren..." baling sakin ni Ma'am Sai "tabi tayo ha?" saad pa nito sabay kapit sa braso ko.
Parang wala lang naman sakin ang ginawa ni Ma'am Sai pero ewan ko sa mag pinsan na to ang sama ng tingin nila sakin.
Baka naman nag sanib pwersa na sila sa pag iisip sakin ng masama.
"S-sige Ma'am Sai, kayo po bahala." sagot ko dito.
"So the two of you are close?" narinig kong tanong ni Ma'am Tayla.
"Hmmm... not so, pero papunta na rin dun." sagot naman ni Brea.
"Do you know who is she?" si Ma'am Tayla.
Nasesense kung may gusto nanaman itong palabasin.
"What do you mean?" tanong ni Brea.
"Ahmmm Zarren..." tawag ni Ma'am Tayla sakin.
Ewan ko pero kahit na alam kong may masamang hatid sakin ang pag tawag nya sa pangalan ko, masarap pa rin pakinggan lalo na kapag galing sa kanya.
"Yes Ma'am Tayla?" sagot ko dito at tumayo.
"Ma'am?" tanong ni Brea na nakakunot ang kilay.
I want myself to be kept in privacy pero mukhang dahil kay Ma'am Tayla ay di ko magagawa iyon.
Hindi dahil sa kinakahiya ko ang aking trabaho o ang pag kakaron ko ng anak. Gusto ko lang sana na hindi ito pag pulutan ng issue sa pag aaral ko dito ng tahimik.
"Ahhm n-akalimutan kong sabihin. Katulong ako sa bahay nina Ma'am Tayla." seryosong sagot ko ng di nakatingin kay Brea.
"Tayla!" saway naman ni Ma'am Sai sa kaibigan.
"What? I'm just stating the obvious, at mas mabuti ng sa kanya mismo ng galing diba?" she said smirking.
Nakaramdam ako ng lungkot sa sarili ko hindi dahil sa nalaman ng iba na katulong ako, kundi dahil sa iisiping kayang kaya akong ipahiya ni Ma'am Tayla kahit kelan nya gusto.
"It's okay, it doesn't matter. We can still be friends right Zarren?"
Napaangat ang aking ulo dahil sa sinabi ni Brea, akala ko dahil sa mag pinsan sila ni Ma'am Tayla ay pwedeng maging mag kaparehas sila. Pero hindi, pakiramdam ko ay biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi nya.
"Ahhmm k-kayo po bahala." sagot ko dito at di ko na naiwasan pang sumingaw ang ngiti na gusto kong itago.
"Samahan mo ko sa counter." bigla ay singit ni Ma'am Tayla at kinaladkad ako papunta sa counter.
Tumayo lamang ako sa gilid ng counter katabi nya at inantay syang matapos mag order. Habang sinasabi nya lahat ng kanyang gustong i order di ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya.
Ang ganda talaga ni Ma'am Tayla, nakakaingit ang beauty nya.
"H-Hey!" untag nito sakin.
I immediately shake my head ng ma realize kong wala ako sa katinuan.
"A-ano po yun?" tanong ko rito.
"Stupid, ang sabi ko anong gusto mo?" sagot nito.
"Ikaw." sagot ko
Napakurap kurap naman sya tsaka nakita kong namula ng bahagya ang mukha nya.
"Tsk! Ano nga?" naiinis na sagot nito saka umiwas ng tingin.
"Ikaw nga po bahala." sagot ko uli.
Paulit ulit naman tong si Ma'am Tayla ehh.
Wala rin syang choice kundi sya na rin nag order ng para sakin, nauna na sya sa table dala dala ang isang tray. Kinuha ko naman ang pangalawang tray na may mga lamang drinks.
Pero bago ako umalis may sinabi pa yung kahera sakin.
"Ma'am wag ka kasing panay pick up line, namula tuloy si Ma'am." saad nito na may himig ng panunukso.
"Ngee di naman po yung pickup line." sagot ko.
Tsaka iniwan nalang rin yung kahera.
Di kaya naisip rin ni Ma'am yun kaya namula sya bigla? Tss. Malabo alam kong puro negativity lang ang iniisip sakin nun.
"Oh anong sabi sayo ng kahera? Nakahuli ka nanaman ng chix ano?" saad ni Ma'am Sai.
"Ma'am Sai talaga, ginagawa mo kong ano nyan ehh." nakanguso kong sagot.
"Ehh bat ka nga kinausap nung girl sa cashier?" pangungulit rin ni Maya.
"Sinabi nya lang naman sakin na-na wag raw akong mag pick up line--" di ko natapos ang aking sasabihin ng biglang nabilaukan si Ma'am Tayla.
Maagap ko itong binigyan ng maiinom, at agad rin naman nitong tinanggap.
"Dahan dahan naman kasi, gutom lang te?" pang aasar dito ni Ma'am Sai.
Nakatanggap naman ako ng death glare mula kay Ma'am Tayla.
Luh?! Ano nanaman ba ginawa ko dito?
Matapos naming kumain na may halong kunting kwentuhan ay dumiretso na kami sa kanya kanya naming subjects.
BINABASA MO ANG
Sweetest Mistake (GXG Completed)
RomanceSi Zarren ay isang single mom na, naninilbihan sa pamilyang Barbosa. Mababait ang mag asawa dahil tinanggap sya sa tahanan nila kahit na alam nilang nag dadalang tao ito. Pero nag bago ang lahat ng umuwi galing sa america ang nag iisa nilang anak...