Fourty Four

6.6K 238 16
                                    

Zarren's POV:

Mahigit dalawang oras na kaming nag lilibot para lang makahanap ng kwarto na pwede naming upahan ng anak ko, pero wala pa rin kaming mahanap.

Alam kong pagod na rin ang anak ko kaya kahit na masakit na ang katawan ko dahil sa dalawang bag na dala dala ko, ininda ko na. Binuhat ko na si Baby Tayron.

"Mimi baba mo na ko." Saad nito.

"Bakit baby? Ayaw mong kinakarga ka ni Mimi?" Tanong ko dito.

"Pagod kana po ee." Sagot nito.

"Suus! Hindi yan... alam mo namang ikaw ang lakas ko ehh." Tugon ko dito at hinalikan ito sa pisnge na ikinatuwa naman nito.

Biglang pumasok sa isip ko ang dati naming inuupahang bahay, sana lang ay nandun pa rin sina Aling Lorna.

Nag taxi nalang kami ng anak ko papunta sa dati naming tinitirhan. Habang nasa loob ng sasakyan tinitignan ko ang kapaligiran, wala itong masyadong pinag bago pero may mga iilang establishments na naidagdag.

Ng makarating kami roon, naabutan ko si Aling Lorna na nag wawalis sa labas ng bahay nila. Kaya agad kong pinatabi ang sasakyan, saka agad na bumaba at kinuha ang mga gamit ko.

"Hi Aling Lorna." bati ko dito habang karga karga ko pa rin si Tayron.

Di ito sumagot, pero mataman ako nitong tinitigan.

"Ren Ren??" tanong nito.

"Ako nga po, kumusta na po kayo?" tugon ko dito.

"Hala! Hindi kita nakilala agad Ren ang laki ng pinag bago mo, gumanda ka lalo at pumuti." saad nito. "Ay teka sino naman tong batang dala mo?" tanong nito ng mapansin si Tayron.

"Anak ko po Aling Lorna, si Tayron." sagot ko.

"Ang bilis naman ng panahon, parang kelan lang tapos may anak kana."

"Oo nga po ehh, pero wala tayong magagawa ganyan talaga ang buhay."

"Bat ka nga pala napasyal dito?" maya maya ay tanong nito.

"Nag hahanap po kasi kami ng pwede naming upahan." sagot ko.

"Ay tamang tama bakante iyong isang kwarto na nasa dulo." saad nito.

Natuwa ako dahil sa aking narinig, na awa na kasi ako dito sa anak ko pakiramdam ko gusto nya ng magpahinga. Napagod rin siguro sa kakahanap namin ng mauupahan tapos ang init pa ng sikat ng araw.

Nag patiuna sa pag lalakad si Aling Lorna para ituro samin ang bakanteng kwarto, nakasunod lang kami ni Tayron dito. Maya maya ay tumigil ito sa tapat ng pinto sa may bandang dulo.

"Tignan mo nalang Ren kung magugustuhan mo ba..." saad ng ginang.

"Sige po." tugon ko.

Binuksan ito ni Aling Lorna, nag patiunang pumasok pag katapos ay binuksan ang ilaw.

Nakita ko ang kabuoan ng silid, maliit lang ito. May maliit na banyo, mumunting kusina at isang kwarto. Kunting linis lang ang kailangan nito at magiging okay rin ito, maganda naman kasi ang pag kakapintura ng silid.

"Aling Lorna, okay na po kami sa silid na to. Mag kano po ba ang monthly nito?" tanong ko sa ginang.

"Ibibigay ko nalang sayo yan ng tatlong libo buwan-buwan Ren, at di na kita sisingilin ng deposito total matagal na kitang kakilala." saad ng ginang.

Malaki ang pasasalamat ko dahil di na ito huminge pa ng deposit, kahit papano ma titipid ko pa ang pera na tanging meron ako.

Kakailanganin ko rin kasing bumili ng iilang mga gamit na kakailanganin namin dito ni Tayron.

Sweetest Mistake (GXG Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon