Zarren's POV:
Nakatuon ang atensyon ko sa daan, pabalik na kasi kami sa mansyon ng mga Barbosa. Samantalang yung kasama ko naman ay kanina pa tahimik.
Sa bagaya wala namang bago dun, palagi namang tahimik to lalo na kapag ako ang kasama.
"Why did you let her hurt you?" bigla ay tanong nito sakin.
"Hehe di ko po kasi inakala na sasampalin nya ko." sagot ko well infact totoo naman.
"Edi sana ginantihan mo. Stupid!" saad nito.
"Mas lalaki lang po ang gulo kapag pinatulan ko sya ng pisikalan." sagot ko dito.
"Masyado ka kasing pa impress, edi sana kung hinayaan mo ko ako pa mismo sasampal sa kanya kapag ginawa nya sakin yun." bwelta nito.
Kita mo to ako na nga nag magandang loob, pag iisipan pa ko ng masama.
"Hindi naman po ako papayag na pag buhatan kayo ng kamay ng ibang tao." sagot ko nalang.
Nag taka ako dahil nanahimik na ito at di sumagot, kaya tinignan ko ito sa salamin.
Nakita kong nakatingin ito sa labas ng bintana habang pinaglalaruan nito ang kanyang kanang tenga.
Nag kibit balikat nalang ako at muling itinuon ang atensyon sa kalsada.
---
Nang makarating kami sa kanilang mansyon, pinagbuksan ko ito ng pinto.
"Paki hatid nalang ng mga pinamili ko sa room." utos nito.
"Sige po Ma'am." sagot ko.
Ng makuha ko na lahat ng pinamili nito sa loob ng compartment, agad akong pumunta sa kwarto nito.
Kumatok muna ako.
"Come in." saad ni Ma'am Tayla mula sa loob.
Grabe di man lang ako pinag buksan ng pinto.
Ipinihit ko ang pinto, nakita ko itong prenteng nakaupo sa kanyang couch.
"Ito na po lahat ng pinamili nyo Ma'am, saan ko po ilalagay?" tanong ko dito.
"Just put it there." turo nito sa kanyang kama.
Inilagay ko doon ang lahat ng paper bag.
"And by the way kunin mo yung red and black paper bag, it's for you." saad nito.
"Naku wag na po Ma'am." sabi ko dito.
"And why?" nakataas ang kilay na tanong nito.
"I'm just doing my job, di na po kailangan ng suhol." nakangiti kong sagot.
"Stupid! Hindi yan suhol, kasama yan sa prize mo." sagot nito.
Yung prize siguro na tinutukoy nya ay ang patungkol sa dare ni Sir Randy.
"Di na po kailangan, okay na yung mga school supplies na binili nyo po sakin." sagot ko uli dito.
"Get it or I'll throw it?!" pag babanta nito.
Jusko naman! Napaka mainitin talaga ng ng ulo nito, good luck nalang sa magiging jowa nito.
"Hehe Oo na po, kukunin ko na." sagot ko na alanganin ang ngiti.
"Tawagin nyo nalang po ako kapag may iba pa kayong kailangan." saad ko dito.
Di ito sumagot, kaya agad na kong lumabas at dumiretso sa kwarto.
Inilapag ko nalamang sa ibabaw ng side table ang dalawang paper bag na binigay ni Ma'am Tayla, mamaya ko nalang bubuksan.Naligo muna ako tsaka nagbihis, Bumaba na ko para hanapin ang anak ko. Miss ko na kasi ang baby love ko.
Naabutan ko sa kusina si Ate Mindy na nag hihiwa ng gulay.
"Ate Mindy, nakita mo ba si Tayron?" tanong ko dito.
"Kinuha sya sakin ni Ma'am Daisy kanina ehh, baka nasa garden?" saad nito.
Agad akong lumabas para hanapin sina Ma'am Daisy, pero mag isa lang ito sa hardin at abala sa pag pitas ng mga bulaklak.
Nakaramdam ako ng kaba dahil di nito kasama ang anak ko. Lumapit ako dito...
"Ma'am Daisy? Si Tayron po nakita nyo po ba?" tanong ko dito.
"Kinuha sya ni Tayla sakin ehh, baka nasa loob na. Bakit Hija?" tanong nito.
"Kanina ko pa po kasi sya hinahanap... namimiss ko na kasi sya ehh." sagot ko dito.
"Masyado kang nerbyosa bata ka, puntahan mo sa loob, or sa kwarto nya." nakangiti nitong sagot.
"O-Opo..." napangiti nalang din ako sa sinabi nito.
Tama si Ma'am Daisy, wala naman talaga ako dapat na ipag aalala dahil mahigpit ang security dito sa village lalong lalo na dito sa mansyon.
Nilibot ko ang buong bahay pero hindi ko sila mahagilap. Ang kwarto nalang ni Ma'am Tayla ang hindi ko napupuntahan.
Kumatok ako sa pinto, at agad rin naman itong bumukas.
Mag sasalita pa sana ako pero agad na sumenyas si Ma'am Tayla na wag raw ako maingay.
Nilakihan nito ang pag kakabukas ng pinto, upang ako ay makapasok. Nakita ko ang aking anak na mahimbing na natutulog sa kama ni Ma'am Tayla.
"Sorry di kita nasabihan, ayoko rin kasing iwan sya dito ng mag isa baka mahulog." mahina nitong pahayag.
"O-Okay lang po... dadalhin ko nalang sya sa kwarto namin." sagot ko.
"Can he just stay here for awhile, hahatid ko nalang sya kapag nagising na sya. Baka kasi maistorbo ang tulog nya." saad nito habang hinahawakan ang kanyang kanang tenga.
Ilang beses ko na itong nakikita sa kanya, mannerism nya na siguro.
"Ahh sige po, kayo po bahala." sagot dito.
Lumapit muna ako sa kama nito, at hinalikan sa noo ang aking anak.
"I love you baby love..." bulong ko dito. Saka sya muling hinalikan sa pisnge.
Kapag si Ma'am Tayla ang kaharap ko parang automatic na na kailangan ko maging formal sa kanya at mag paka poker face minsan. Ayoko na kasi na mag isip pa ito ng kung anu-ano. Mahirap na baka ako pa lalo ang mapasama.
Pero minsan talaga magulo sya gaya nalang ngayon, nakakapag taka na kinuha nya ito. Samantalang nung mga nakaraang araw di nya pinapansin ang anak ko.
Sana naman wag masyadong mapalapit ang bata sa kanya, lalo na di ko maintindihan ang mood swings nito. Baka masaktan lang ang anak ko kapag isang araw di nanaman sya pinansin nito.
BINABASA MO ANG
Sweetest Mistake (GXG Completed)
RomanceSi Zarren ay isang single mom na, naninilbihan sa pamilyang Barbosa. Mababait ang mag asawa dahil tinanggap sya sa tahanan nila kahit na alam nilang nag dadalang tao ito. Pero nag bago ang lahat ng umuwi galing sa america ang nag iisa nilang anak...