Nineteen

8.3K 308 17
                                    

Tayla's POV:

Nagkukunwari lang akong tulog para maiwan kaming dalawa ni Zarren sa kotse, nung sinubukan nya kong gisingin agad kong hinawakan ang wrist nya. At tinignan sya sa mata, I want to say sorry dahil sa ginawa ko.

Pero biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko at umatras ang dila ko, ng makita syang sobrang lapit sakin. Kung kelan namang mag sosorry ako nag si atrasan naman lahat ng lakas ko sa.

Wala akong nagawa kundi ang bitawan sya, nauna na akong lumabas ng kotse. At nag patiuna na sa loob ng bahay.

Naabutan ko sina Mom at Brea kasama si Tayron. Parang tuwang tuwa si Brea habang kinakarga si Tayron.

Alam nya na bang may anak si Zarren? And yet she still likes her??

"Zarren ang cute ng baby mo." bigla ay sambit ni Brea habang nakatingin sa aking likuran.

Bigla akong nakaramdam ng pangamba sa di ko malamang dahilan.

"Oo pogi talaga yang baby love ko." sagot naman ni Zarren.

"Close na kayong dalawa?" singit naman ni Mom.

"Opo Ma'am, magkaklase kami at magkasama sa team." si Zarren na ang mismong sumagot.

"Ohh anak, upo ka muna rito." saad naman ni Mom ng mapansin akong nakatayo lang.

Ibat ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon, inis at lungkot that's what I feel right now. Pero bakit? Why do I have to feel this way?

"M-mag bibihis muna ako Mom." sagot ko dito at di na sila tinignan pa.

Nagmadali akong pumasok sa kwarto at naiinis na binalibag ang bag ko.

Narinig kong tumunog ang phone ko, agad ko itong kinuha sa loob ng bag.

It's Sai Calling...

I touch the accept button at itinapat sa tenga ko.

"Yes?" sagot ko.

"Tayl labas tayo..." saad ng nasa kabilang linya.

Pansin kong panay ang yaya nito sakin makipag inuman. Di ko man lang natanong kung may pinag dadaanan ba to, I'll ask her kapag nag kita kami.

"Sure..." sagot ko dito.

"Pwede bang ikaw lang?" maya maya ay tanong nito.

Mas maigi na rin siguro na kami lang ni Sai, may mga gusto rin akong itanong kay Sai in private. At baka nahihiya ring mag open up si Sai kapag nandyan si Zarren.

Nag palit uli ako ng damit, at nag ayos.

Biglang kumabog ang dibdib ko ng makasalubong ko si Zarren sa pag labas ko sa kwarto.

"May lakad ka po Ma'am?" tanong nito sakin.

"Ahhm Oo, pero susunduin ako ni Sai." sagot ko dito.

"Ahh okay Ma'am, sige po mag bibihis lang po ako." saad nito.

Aalis na sana sya pero pinigilan ko ito.

Bahala na!

Ramdam kong mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Shit! Bat ba lage akong nag kakaganito sa harap ni Zarren.

"A-ano po yun Ma'am?" tanong nito.

"I... I want to say sorry about earlier." saad ko dito habang titig na titig sa mga mata nya.

Pakiramdam ko biglang nag slow motion ang pag galaw ng mga labi ni Zarren. Wala sa sariling napalunok ako habang nakatitig sa mga labi nito.

"O-okay lang po." sagot nito at nginitian ako ng matamis.

Shit! Bigla akong nanlambot sa ngiti nyang yun.

Kaya bago pa ko bumigay ay agad ko na syang binitawan at nag madaling bumaba.

Damn it! What was that?!

---

@The Bar

"May problema ka ba?" tanong ko dito habang nag iinuman.

"Okay, since you are my bestfriend. Sasabihin ko sayo but please don't judge me." seryoso nitong sabi.

"I'll listen." sagot ko dito.

"This past few days I think nag kakaron ako ng confusion about my sexuality." nakayuko nitong saad.

"What do you mean?"

"I don't know but I think I'm starting to like this g-girl." saad nito.

"Kilala ko ba yang tinutukoy mo?" tanong ko dito pero deep inside nakakaramdam ako ng kaba.

"Ahhmm y-yes." sagot nito.

Agad kong kinuha ang isang bote ng beer at ininom.

"Is it Z-Zarren?" tanong ko dito.

Tumango lang ito, lihim kong naikuyom ang sarili kong kamao.

Shit! Bat ba andaming nagkakagusto sa kanya?!

"Pano mo naman nasabing gusto mo sya?" tanong ko dito.

"Well kinikilig ako kapag nakikita ko sya, nginingitian nya ko ganun. Or nag papalpitate ako. But don't grt me wrong di ko lang kasi matanggap sa sarili ko na nagka crush ako sa isang babae. You know me, I like boys." sagot nito.

Alam kong papalit palit ng lalaki yong si Sai, kapag wala raw syang maramdamang spark sa isang lalaki. Nakikipag break sya dito agad, ganun sya kabilis mag palot ng lalaki. Pero bilib lang ako dito sa kaibigan ko kasi kahit na andami nyang lalaki sa buhay di sya nakikipag sex.

"Ahh... sus! Crush lang naman pala masyado kang nag papaka stress dyan." sabi ko dito at patuloy na ininom yung beer in can na hawak ko.

"Unti unti ko kasi syang kinakaadikan Tayl, sya nga pala nag sorry kana ba sa kanya?" bigla ay tanong nito.

"Yup." maikli kong sagot. "Can I ask you something?" dugtong ko.

"Sure ano ba yun?"

"May nabasa kasi ako sa isang libro and I wonder if it's true," pag uumpisa ko which is wala naman talaga akong nabasang libro gusto ko lang mag base sa nararamdaman ko.
"Whenever the person is near, biglang lumalakas ang kabog ng dibdib mo. Para kang nawawalan ng lakas kapag ngumiti yung taong yun. And kapag may kasama syang iba nakakaramdam ka ng galit, inis, bigat sa dibdib."

"Sigurado kang sa libro mo nabasa? It's more like your referring to your emotional feelings." she said smirking.

"Sira, sa libro nga lang." paninindigan ko.

"Okay, sabi mo ehh. So ano ang problema mo dun?" nakangisi nutong tanong.

"Ano sa tingin mo yung nararamdaman nyang yun?" tanong ko dito na ikinatawa nya naman.

"Okay yung huli mong sinabi kaya ka nag kakaganun or nakakaramdam ng galit o inis maybe because your jealous. And yung nararamdaman mo naman everytime his near, maybe your starting to fall in love with him. Now tell me who's the lucky guy?" tanong nito ng may pang aasar.

"Sira! Hindi nga ako yun..." namumula na ang mukha ko pakiramdam ko kasi ay nahuli nya ko pero nag papakusot pa rin ako.

I can't tell her na si Zarren rin ang tinutukoy ko.

Sweetest Mistake (GXG Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon