Si Zarren ay isang single mom na, naninilbihan sa pamilyang Barbosa.
Mababait ang mag asawa dahil tinanggap sya sa tahanan nila kahit na alam nilang nag dadalang tao ito.
Pero nag bago ang lahat ng umuwi galing sa america ang nag iisa nilang anak...
Kakatapos lang namin maligo ni Tayron naka tapis lang ako habang nauna ko namang binibihisan si Tayron. Habang nakatalikod sa may pinto pakiramdam ko ay may parang nakatingin samin ng anak ko, nilingon ko ito at nakita ko si Ma'am Tayla na nakatayo sa gilid ng pinto.
"Ano po yun Ma'am?" tanong ko dito.
Umiwas ito ng tingin, tsaka tumikhim muna bago sumagot.
"A-are you coming or iiwan nakita?" seryosong tanong nito pero di nakatingin sakin.
Ganun nalang ata ang pag ka disgusto nito sakin.
"Saan po?" tanong ko di ko kasi ma gets ang sinasabi nya.
"Bukas na ang klase, don't you have any plan para bumili ng mga gamit mo?" balik tanong nito.
"Ahhmm. Sige po mag bibihis lang muna ako, tsaka iiwan ko lang si Tayron kay Ate Mindy." sagot ko ng nakangiti.
"Tsk! Faster, ayoko ng pinag aantay." saad nito. "Akin na ang bata ako na mag bibigay kay Mindy, I'll gave you 5 minutes para makapag ayos or else iiwan kita." dugtong pa nito.
Sungit talaga.
"Ako nalang po." sagot ko dito.
Tinaasan ako ng kilay nito.
"Don't worry di ko sya sasaktan kung yan ang iniisip mo." saad nito.
"Tayron come here." malambing na tawag nito sa anak ko.
Excited na lumapit ang bata dito at mabilis na hinawakan ang hintuturo nito na bahagya atang ikinagulat ni Ma'am Tayla.
Agad itong kinarga ni Ma'am Tayla at lumabas na ng kwarto. Ewan ko ba pero parang may kung anong kumislot sa puso ko ng makita silang dalawa ng anak ko na mag kasama.
Wala pang 5minutes ay agad na akong bumaba, ayokong pag initan nanaman ako ng amo ko.
Nag suot lang ako ng isang black printed t-shirt at denim shorts na pinaresan ko ng white shoes.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nakita ko itong nakaupo sa sofa habang nag babasa ng magazine.
"Okay na po." agaw ko sa atensyon nito.
Ibinaba nito ang binabasa nyang libro at mataman akong tinitigan. Maya maya ay tinaasan ako ng kilay.
"Bagal." mahinang bulong nito na narinig ko pa rin naman.
Nagpatiuna ako sa pinto at pinag buksan sya, tinignan lang ako nito saka iniabot sakin ang susi ng sasakyan. Agad ko rin naman itong kinuha, baka maibato pa sakin kapag di ko agad kinuha.
Napapa isip tuloy ako minsan kung di ba sya marunong mag drive or sadyang tinatamad lang.
Nasa kalagitnaan kami ng byahe papunta sa SN Mall ng biglang mag salita si Ma'am Tayla.