Zarren's POV:
Maaga akong nagising para makapag prepare ng breakfast, mukhang hindi ako makakapasok ngayon dahil walang mag aasikaso sa anak ko. Dalawang araw na kasing wala si Ma'am Daisy nag out of town kasama ni Sir Randy para sa isang business trip.
Pero okay na rin na hindi ako makakapasok ngayon para makasama ko naman ang anak ko sa kaarawan ko.
Nagising ako sa malalim na pag iisip, ng biglang may yumakap mula sa likuran ko.
Wala namang ibang gagawa sakin nun kundi si Tayla lang, ang babaeng araw araw na nag papakilig sakin.
Ako na ata ang pinaka maswerteng babae sa buong mundo, ang exage pero yun ang nararamdaman ko. Araw araw nya kasing pinaparamdam sakin na special at mahalaga ako.
"Good morning Mimi..." bati nito mula sa aking likuran tsaka ako hinalikan sa pisnge.
"Good morning love, oyy baka makita tayo ni Ate Mindy ha?" paalala ko dito.
"Edi kausapin natin na, i sekreto nya muna." pilyang tugon nito. "teka nga di kaba papasok?" bigla ay tanong nito, napansin nya siguro na hindi pa ko nakakapag ayos.
"Hindi, walang mag babantay kay baby Tayron ee... masyadong abala si Ate mindy sa gawaing bahay." sagot ko.
"Ahh ganun ba? edi hindi na rin ako papasok." saad nito.
"Hooy wag! Mag mumukha naman akong B.I sayo nyan." saway ko dito.
"Gusto ko kasing mag picnic sa labas kasama kayo ni Baby Tayron."
"Picnic? Sa dinami dami ng araw ngayon talaga?" nag tataka kong tanong.
"Eh malamang wala sina Mom and Dad, tyak mag tataka yun kapag niyaya ko kayo tapos nandito sila. Mas gugustuhin lang nilang sumama, edi di ko kayo masosolo." nakanguso nitong sabi.
"Oo na po, mag hahanda nalang ako ng dadalhin natin."
"Okay I'll help you." sambit nito.
"Ang tanong marunong kaba?" tukso ko naman dito.
"Wow ha? Makapag underestimate ka naman, syempre kahit papano may alam rin ako no." sagot nito.
"Oo na." tatawa tawa kong tugon.
Ewan ko lang kong matatapos ba namin tong ginagawa namin eh puro kulitan lang naman halos ang ginagawa namin.
"Matatapos talaga tayo sa pinag gagagawa natin." sambit ko.
"Ikaw kasi ee..." sisi nito sakin. "Sige na nga puntahan ko muna si Baby Tayron baka sakaling gising na."
"Sige love, tatapusin ko na rin to." sagot ko.
Habang umaakyat sya sa hagdan di ko maiwasang wag syang tignan.
Napanganga pa ko ng lumingon sya and give me a smile with matching wink.
Npangiti ako ng malapad dahil sa ginawa nito.
Shit! ang ganda talaga ng Mahal ko.
--
Pasado alas otse trenta ng matapos kaming mag prepare ng mga dadalhin at makapag bihis. Ng masigurong ayos na ang lahat nag pasya na kaming umalis. Wala talaga akong ideya kung saan kami dadalhin ni Tayla.
Ang mahalaga ay kasama ko silang dalawa ngayon, ang dalawang taong mahal na mahal ko.
"Mimi, san tayo punta?" tanong ni Tayron na nakaupo sa lap ko.
"Sa lugar na mag eenjoy ka baby..." si Tayla na ang sumagot.
"Talaga po?" excited na tanong ni Tayron.
![](https://img.wattpad.com/cover/235951903-288-k841769.jpg)
BINABASA MO ANG
Sweetest Mistake (GXG Completed)
RomansaSi Zarren ay isang single mom na, naninilbihan sa pamilyang Barbosa. Mababait ang mag asawa dahil tinanggap sya sa tahanan nila kahit na alam nilang nag dadalang tao ito. Pero nag bago ang lahat ng umuwi galing sa america ang nag iisa nilang anak...