Seventeen

8.6K 315 10
                                    

Tayla's POV:

Nakaupo ako sa isang bench ngayon habang inaantay si Sai, pero may nahagip ang mga mata ko at sa di ko malamang dahilan bigla akong nakaramdam ng inis.

Mukhang ang saya nya ngayon ahh kasama ang pinsan ko. Himala dahil di sya tinatarayan nito, mag kaklase kami nung highschool at kilalang kilala sya bilang spoiled brat na mataray. Pero siguro nga people change, marami na ring nag bago after ng tatlong taon kung pamamalagi sa ibang bansa dahil sa operasyon ko.

I don't like what I see.

Agad akong tumayo at lumapit sa kinaroroonan nila.

"Hi couz, can I borrow Zarren for a while?" bati ko sa pinsan ko.

Habang masaya silang kumakain, kasama ang dalawa pa ata nilang kaibigan.

"Ahhm sure but she's still--" di naipagpatuloy ni Brea ang kanyang sasabihin ng sumingit si Zarren.

"Okay lang Bree..." saad nito kay Brea at ngumiti. At ibinalik sakin ang atensyon nya. "ano po yun Ma'am?" tanong pa nito sakin, poker face lang sya.

Shit! Ano ba kasi ipinunta mo dito Tayla?

"Ahhmm... Can you buy me some food outside?" sagot ko. Wala na kong ibang maisip eh.

"Hey Tayla, don't you think wrong timing ka? As you can see kumakain pa sya?" reklamo ni Brea.

"Okay lang, busog na rin naman ako. Ano po ba bibilhin ko?" tanong nito sakin.

"Any burger at Navy Burger, sorry nag ki crave kasi ako." saad ko dito sabay abot ng pera.

Kinuha naman nito agad.

"Yun lang po ba?" tanong uli nito.

"Yep." tipid kong sagot pero sa totoo lang kinakain ako ng konsensya ko.

"Salamat sa libre Maya, pasensya na kayo kailangan ko munang umalis." paalam nito sa mga kasamahan.

Nag patiuna na itong umalis.

"Now tell me what was that for?" naka crossed arms na tanong ng mataray kong pinsan.

"Nothing, gusto ko lang talaga kumain ng burger." sagot ko.

"What a lame excuse you got, like hello pwede ka mag pa deliver Tayla. Alam mo naman siguro yung food panda, or grab food diba?"

"Okay you got me, hayaan mo nalang ako sa gusto ko. Bat ba masyado kang bothered dyan?" sagot ko dito.

"Because I care about her." mabilis na sagot nito.

"You care about her? Why do you like her?" nakangisi kong tanong dito.

"Yes, I like her. Kaya please lang wag mo naman sya utos utosan ng kung anu ano lang kung di naman importante, not because she's your maid pwede mo ng gawin sa kanya yun." sermon nito.

"Okay you like her as a friend pero di ako mapipigilan nun kung ano man ang gusto kong gawin sa kanya." naiinis kong sagot.

"No! Your wrong, I like her as a person. Hindi sya mahirap magustuhan dahil mabuting tao sya." sagot nito.

Di ko alam pero parang nanlambot ako sa narinig ko. I swear I don't like this feeling.

"Huh? So you're saying that your gay?" nakangisi ko pa ring tanong.

"If liking her would make me gay, then be it." sagot nito.

I smirked after hearing that.

"Maling tao ang minahal mo couz, much better pag isipan mo munang maigi yan. Gotta go. Bye." saad ko dito tsaka nag madaling lumabas ng canteen.

Hindi ko alam kung saan nang gagaling tong bigat na nararamdaman ko ngayon. All I know is I don't like what I heard, pero bakit? Eh ano naman kung gusto nya yung single mom namin na maid? Pakialam ko ba.

---

Bumalik ako sa bench kung saan ako nakaupo kanina, naabutan ko si Sai na nakaupo roon habang may kausap na lalaki.

Lumapit ako sa pwesto nila, pero agad rin namang umalis yung guy.

"Hoy babae san kaba galing?" tanong nito.

"Nag CR lang." wala sa mood na sagot ko.

"Oh bat ganyan boses mo? Bat parang badtrip ka dyan?" muli ay tanong nito.

"Just don't mind me." walang gana kong sagot.

"Okay di kita pipilitin, di kaba gutom?" tanong uli nito.

"Hindi, ikaw baka gutom ka?" balik tanong ko.

"Oo gutom ako Tayl, tara kain tayo." aya nito sakin.

Sasagot pa sana ako pero nakita kong papalapit sa kinaroroonan namin si Zarren, biglang nag init ang ulo ko dahil naalala ko nanaman yung sinabi ng pinsan ko.

"Ma'am ito na po." saad nito sabay abot sa paperbag na dala nya.

Marahas ko itong kinuha at ibinigay kay Sai.

"Ito pa po ang sukli nyo." saad nito pero sa inis ko ay tinabig ko ang kamay nito na may hawak na pera.

Nakita ko kung paano nilipad ng hangin ang pera. Nakatayo pa rin ito sa harap ko, iniangat ko ang aking tingin pero yung inis ko parang biglang nawala ng makita ko ang mga mata nitong parang naiiyak na.

"M-mauna na po ako." saad nito at mabilis na umalis.

"Tayl! Ano bang ginagawa mo? Alam kong badtrip ka pero bat kailangan mong gawin sa kanya yun?" sermon ni Sai.

Napabuntong hininga nalang ako.

Shit! Sumobra ata ako, di ko alam kung papano ko sya pakikisamahan mamaya.

"Sorry nadala lang ako ng inis ko." sagot ko.

"Hindi ka sakin dapat mag sorry kay Zarren."

Sweetest Mistake (GXG Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon