Tayla's POV:
Pagkarating namin ng bahay agad akong umakyat sa kwarto para maligo, gusto kong irelax ang isipan ko. Nag babad muna ako sa bath tub ng ilang minuto bago naisipang umahon. Matapos kong mag banlaw ibinalot ko na sa aking katawan ang towel at nag hanap ng maisusuot.
Maya maya lang ay may kumatok sa pinto.
"Ma'am Tayla?" boses iyon ni Zarren na nag mumula sa labas ng kwarto.
Binuksan ko ang pinto at sinalubong ito.
"Yes?" tanong ko dito.
Napansin kong nag iwas ito ng tingin.
"K-kanina pa po kayo pinapatawag ni Ma'am Daisy." saad nito pero di pa rin makatingin sakin.
Nakita ko pang mariin nitong kinagat ang kanyang lower lip.
Mabilis ko syang hinila papasok sa kwarto, isinara ang pinto at isinandal sya roon.
"Ahhmmm. B-baka hinahanap na po ako sa baba." saad nito pero ng akmang aalis sya sa kinasasandalan nya.
Agad kong iniharang ang braso ko sa mag kabilang side nito.
"I have something to tell you..." mahina kong sambit.
At inilapit ang mukha ko sa tenga nya.
"If you don't want me to drag you like this, better avoid bitting your lower lip kapag ako ang kaharap mo." bulong ko dito.
Naramdaman kong nanigas sya sa kinatatayuan nya, muli kong hinawakan ang chin nito at masuyo hinalikan ang kanyang mga labi.
Hindi na ata ako mag sasawang halikan ng paulit ulit ang mga labi nito.
Pero saglit lang iyon dahil agad nyang iniiwas ang kanyang mga labi.
"S-sorry Ma'am." sambit nito at nag pakawala ng buntong hininga.
"Why? Ayaw mo bang hinahalikan kita?" tanong ko rito.
"Bat ba natin ginagawa to in the first place?" balik tanong nya.
"Dahil gusto ko." sagot ko.
"Ayon dahil gusto mo lang, pero di nyo po ba naiisip yung mararamdaman ko?" malungkot na tanong nito.
"I-I'm sorry kung di mo nagustuhan." tugon ko.
"Ma'am hindi ito tungkol sa nagustuhan ko ba o hindi. I can't do this kasi may feelings akong pinapangalagaan. What if ma fall ako sainyo ng di ko sinasadya, masusuklian mo ba? I'm sure hindi. So please stop doing this to me Ma'am." seryoso nitong litanya at agad na lumabas ng kwarto.
Naiwan akong tulala dahil sa sinabi nito.
What does she mean by that?
Pero may punto sya, masyado akong nag padala sa mga nararamdaman ko. Masyado akong nag paka selfish, di ko naisip kung gusto nya ba or ano.
Zarren's POV:
Hindi sa hindi ko gusto Ma'am Tayla, habang tumatagal kasi hinahanap hanap ko na yung mga halik mo.
Hinahanap hanap ko ang presensya mo, ayokong ma fall sayo Ma'am Tayla kasi alam ko namang di mo masusuklian kung sakali mang may maramdaman na ko para sayo.
Nag sisimula ng umasa ang puso ko.
Gosh! Ang tanga mo Zarren.
Muli akong bumaba para sabihing kakatapos lang ni Ma'am Tayla maligo.
Naabutan ko sina Ma'am Daisy at Sir Randy na may kausap na isang magandang babae na mukhang kasama rin si Ma'am Sai.
"Ahhmm Ren she's my cousin Mitch, and Couz she's Zarren." pag papakilala samin ni Ma'am Sai.
"Nice meeting you Ma'am Mitch." bati ko dito.
"Stop calling me Ma'am, jist Mitch." nakangiti nitong tugon.
"Haaaay naku hija, pag pasensyahan mo na si Zarren. Masyadong mahiyain yan ee." sabat ni Ma'am Daisy.
"Ren, Saan na nga pala si Tayla?" tanong ni Sir Randy.
"Kakatapos nya lang pong maligo, pababa na rin po siguro yun." tanging naisagot ko.
Di nag tagal ay bumaba na rin ito, ako na ang unang nag iwas ng tingin.
"Wow! You've become gorgeous akala ko magiging handsome ka." bungad sa kanya ng babaeng nag ngangalang Mitch.
Nag taka ako dahil sa sinabi nito, sa kanya.
Bakas naman ang pag kagulat sa mga reaction nina Ma'am Sai at ng mag asawa.
Nakita ko ring nag pipigil ng inis si Ma'am Tayla.
"Ahhm couz matagal ng di pinag uusapan yun." sita ni Ma'am Sai sa pinsan nito.
"Infairness you turned yourself into a beautiful swan, akala ko mananatili ka nalang manang habang buhay." banat rin ni Ma'am Tayla dito.
"Kayong mga bata kayo, di pa rin kayo nag babago. Parang aso't pusa pa rin kayo hanggang ngayon." saway sa kanila ni Ma'am Daisy.
Ahh mag kababata pala silang tatlo.
Kumuha ako ng meryenda at maiinom sa kusina, pag katapos ay inilapag ito sa mesa na nasa harap nila.
Naunang kumuha ng juice yung nag ngangalang Mitch.
Napalingon kaming lahat sa kanya ng bigla tumili.
"Ohhh shit!" sambit nito.
Natapunan pala ng juice ang suot nitong dress.
"I'm so sorry." sambit nito. "Tayla can i borrow some shirt?" Malambing na tanong nito kay Ma'am Tayla.
Pansin kong malaglit kong makatitig yung nag ngangalang Mitch kay Ma'am Tayla.
"Sure... ikaw nalang bahalang mamili." Seryosong sagot nito.
Ewan ko pero parang may iba akong na sesense sa babaeng yun.
Ilang minuto pa ang nakalipas pero di pa rin sila nakakabalik.
"Ren paki check nga yung dalawa sa taas, mamaya nag sasabunutan nanaman yun ehh." Natatawang sambit ni Ma'am Daisy.
"Sige po." Sagot ko dito.
Buti nalang dahil may rason ako para puntahan sila, iba kasi ang kutob ko.
Di na ko nag abala pang kumatok, bahala na kung magalit man si Ma'am Tayla sakin.
Ipinihit ko ang pinto, pero parang gusto ko nalang ulit lumabas dahil sa naabutan ko.
Nakita ng dalawang mata ko ang babaeng si Mitch na tanging underwear at bra lang ang suot habang nakapatong kay Ma'am Tayla.
Dali dali kong isinara ang pinto, hindi ko alam kung san nanggaling ang mga luhang kusang lumalabas sa mga mata ko. Pumasok ako sa loob ng kwarto namin ng anak ko at pumasok sa banyo, para walang sino man ang makarinig ng iyak ko.
BINABASA MO ANG
Sweetest Mistake (GXG Completed)
RomansaSi Zarren ay isang single mom na, naninilbihan sa pamilyang Barbosa. Mababait ang mag asawa dahil tinanggap sya sa tahanan nila kahit na alam nilang nag dadalang tao ito. Pero nag bago ang lahat ng umuwi galing sa america ang nag iisa nilang anak...