Fifty Eight

8K 277 22
                                    

Zarren's POV:


Nagpasya akong umalis at nagpakalayo-layo na kasama ang aking anak na si Tayron, simula kasi nung inamin ni Tayla sa pamilya nito na sya ang biological father or yun nga ba kaya ang tawag dun. Nakaramdam na ako ng sobrang takot na baka bigla nilang kunin sakin ang anak kong si Tayron, kaya mas maigi ng ilayo ko ito sa kanila. Napag pasyahan kong isama ang anak ko  dito sa General Santos City, napag alaman ko rin kasi na buhay pa ang aking Lola ang Ina ng aking ina. Naninirahan kasama ang pinsan kong si Je na sya mismong kumontak sakin sa pamamagitan ng messenger. Nung una ay hindi ako naniwala baka kasi scam lang at gustong manloko ng tao pero ng mag pakita ito ng mga lumang litrato ng aking Ina saka ako naniwala. Malaking tulong rin pala ang social media sa mga ganitong klaseng bagay.

"Ayos ka lang baby?" tanong ko sa aking anak na mukhang matamlay.

"Tired na po ako Mimi." sagot nito.

"Wait nalang natin si Tita Je huh?" sagot ko dito.

Kasalukuyan kasi kami nasa airport at hinihintay ang pagdating ng aking pinsan na si Je, ito kasi ang nag presentang sumundo samin dahil baka maligaw raw kami since hindi naman talaga kami familiar sa lugar. 

Maya-maya pa ay tila may naririnig akong tumatawag sakin.

"Zarren!" muli ay tawag nito hinanap ko ang pinanggagalingan ng boses saka ko nakita nag morenang babae na panay ang kaway sa gawi namin.

Kung mag babase ako sa profile picture nya sa facebook ang ini-expect ko talaga ay maputi sya, well sabagay uso na talaga ang filter ngayon. Pero kahit na morena ang pinsan ko di maipag kakailang maganda to at sexy.

"Nagkita rin tayo sa wakas." sambit pa nito ng makalapit sabay yakap sakin ng mahigpit.

"Oo nga ee." sagot ko dito at gumanti ng yakap.

"Sya nga pala Je, ang anak ko si Tayron." pakilala ko sa anak ko na kasalukuyang nakahawak sa kamay ko.

Umupo ito para pumantay sa bata.

"Hi Tayron, mukhang maputla ka ahh. Di kaya nanibago to sa eroplano." saad nito.

"Mukha nga, unang beses kasi naming makasakay eh."

"Ohsya tara na. Para makapahuway sad mo." bigla ay saad nito.

"Huh?" di ko kasi maintindihan ang huling sinabi nito.

"Tara na sabi ko para makapag pahinga na kayo, pasensya na nakalimutan ko." nahihiyang sambit nito.

"Okay lang, matututunan ko rin yan pag nag tagal." 


Sumakay kami na kami ng taxi ng sa gayon ay maging komportable na si Tayron na kanina ko pa napapansing matamlay.

"Lapit na tayo baby ha?" pag aalo ko dito at marahang hinimas ang kanyang buhok.

"Dito na ba kayo maninirahan?" tanong ng aking pinsan.

"Hmm hindi ko pa alam sa ngayon eh, kung sakali tutulungan mo ba akong makahanap ng trabaho?" 

"Oo naman, sa ganda mong yan kahit undergrad ka marami kang makukuhang trabaho. Yun nga lang yung rate dito ay mas mababa kesa sa manila."

Tumango nalang ako bilang sagot medyo nakakaramdam rin kasi ang ng kirot sa ulo ko, marahil nga ay nanibago ako sa eroplano. Bigla rin akong napaisip mukhang mamomroblema rin ako kung sino ang mag babantay sa anak ko kapag nag simula na kong mag trabaho.

Itinuon ko ang aking paningin sa daan, hindi ito kagaya ng manila na sobrang traffic at napakaraming sasakyan. Sa kalayuan ay may matatanaw kang bulkan at mga bukid na parang maiingganyo kang puntahan.


Di nag tagal ay tumigil na ang aming sinasakyan at kusa namang bumaba si Je, ibig sabihin lang nun ay narating na namin ang lugar kung saan naroroon ang aking Lola. Tinulungan ako ni Je na bitbitin ang mga bag na dala ko, papano kasi ay nakatulog na si Tayron sa mga braso ko.

Sinundan ko lamang si Je kung saan sya dadaan, maya maya pa ay pumasok ito sa isang pinto at isa isang ipinasok ang mga bag ko.

"Halika pasok." aya nito sakin.

Agad ko naman itong sinunod, napansin ko rin na may iilang mga kabataan na nag sisimula ng mag si umpukan sa may tindahan na malapit sa pintong pinasukan ni Je. Marahil ay kanila Je ang tindahang iyon.

"Hala no, gwapa kaayo sya yot."

Sambit ng isang binatilyo na may lipstick pa sa mga labi, awtomatiko namang nangunot ang noo ko dahil di ko talaga maintindihan ang pinag sasabi nito.

"Ang sabi nya, napaka ganda mo raw." paliwanag ni Je na ngayon ay hinihintay akong makapasok.

"Ay tagalog diay sya yot. (Ay tagalog sya bakla.)" sambit na nung isang babae na babakla bakla rin ang kilos.

"Hi Ate your so beautiful." sambit pa ng isa.

Napapangiti ako dahil sa paraan ng pag saasalita nila and the way they act, aminin ko man sa hindi. Nakakatuwa talaga ang mga bakla.

"Buang, di mana amerikana. Tagalog sya yot, tagalog. (Baliw, di yan amerikana tagalog sya bakla, tagalog.)

"Pag pasensyahan mo na Zarren ganyan talaga sila." natatawang sabat ni Je at inaya na akong pumasok sa loob.

Pag pasok namin sa loob ng bahay, naabutan ko ang isang matanda babae na nag tatahi gamit ang makina.

"La, andito na po ang Apo nyo." tawag ni Je dito.

Agad na itinigil ni Lola ang kanyang ginagawa at dahan dahang umalis mula sa pag kakaupo sa harap ng kanyang makina. 

Inihiga ko muna si Tayron sa sofa na naroroon at lumapit dito para mag mano.

"Pong sa wakas nakita rin kita, ang tagal ko ng nag aantay na dalhin ka rito ng Mama mo."  sambit ni Lola saka ako niyakap ng mahigpit.

Ang sarap lang sa pakiramdam na makayakap mo muli ang mga miyembro ng pamilya mo.

"Oo nga po La, buti nalang po dahil na kontak ako nitong si Je." 

"Sayang lang di ko man lang naihatid ang Mama mo sa huli nitong hantungan." malungkot na saad ni Lola.

"Sigurado po akong naiintindihan ka ni Mama Lola." 

Nakita ko ang mga luha nito na unti unting umaagos mula sa mga mata nya.

Niyakap ko ito para maibsan ang lungkot at sakit na nadarama.

Kumalas ito mula sa pag kakayakap at tinitigan ng maigi si Tayron na mahimbing na natutulog.

"Kaninong anak iyan?" tanong pa nito.

"Anak ko po La." nakangiti kong sagot.

"Di mo ko niloloko?" tanong nito at tinignan ako ng maigi.

"Hindi po, totoo po ang sinasabi ko." nakangiti kong tugon.

"Abay kabata bata mo pa may anak kana wala ka pa nga atang 16 eh." 

Narinig ko ang pag pipigil ng tawa ng Je dahil sa sinabi ng aming Lola.

"Lola, maliit lang yang pinsan ko pero matanda na yan." sagot nito na hanggang ngayon ay para paring natatawa, kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Ahh ganun ba? Pasensya kana apo akala ko kasi ee bata ka pa."

"Ayos lang po Lola, hindi kayo nag iisa."

Sweetest Mistake (GXG Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon