Simula

192 11 2
                                    

Chloe Zane's Point of view

"Ma, kailangan ko gawin yun." Saad ko dito na ikinalugmok nang mukha niya.

"Ma naman, wag ka nang magtampo." Paglalambing ko dito. Kailangan ko na kasi magtrabaho sa edad kong ito. Pagsasabayin ko na lang ang pagtatrabaho at pag-aaral, kaya ko naman iyon.

"Anak, bata ka pa. Hindi mo nga dapat nararanasan yung mga nararanasan mo dito." Paliwanag sa akin ni Mama. 17 naman na ako at wala naman sigurong masama sa pangangatulong diba? Di naman ako magpoprostitute, mangangatulong lang ako.

"Ma, sayang kasi yung oportunidad, malaking bahay yun Ma ibig sabihin mas malaking sahod, mag aaral pa din naman po ako tsaka sabi po nang kaibigan ko mabait daw po amo nila." Pangungumbinsi ko.

Ang tanong ay: Mabait nga ba talaga yung amo nila? Hindi ko kasi alam kung anong mangyayari sa akin nang wala si Mama sa tabi ko. First time ko kasi mag ganito, may kinikita pa naman si Mama pero kailangan ko gawin ito dahil gusto ko din makatulong sa kanya.

"Ma, promise kapag sinaktan nila ako uuwi na ako agad dito." Pangungulit ko sa kanya.

"Saan ba iyan anak?" Tanong ni Mama. Saan pa ba Ma? Edi sa lugar kung nasaan lahat nang oportunidad.

"Sa Maynila Ma." Sagot ko dito na ikinakunot nang noo niya.

"Ang layo naman niyan anak." Saad nito dahilan para mapakamot ako sa ulo.

"Mas okay yun Ma kasi sa Maynila, Manila rate dito sa atin Provincial rate. Mas malaki sahod doon triple nang sahod dito." Paliwanag ko dito. Mukang kumbinsido na siya.

"E, wala tayong pera ngayon anak paano ka makakapunta doon?" Tanong ni Mama. Ang sabi sa akin nang kaibigan ko sumabay daw ako sa kaniya. Pag kasakay namin nang barko susunduin na daw kami nung driver. Sagot pa daw nila ang pamasahe.

"Ma, sagot po nila yung pamasahe tsaka po susunduin din nila kami pag baba sa barko" wika ko rito, nagulat naman ako nang yakapin ako nito nang napakahigpit.

"Mami-miss kita anak." Bulong nito sa akin.

"Ma, habang wala ako alagaan mo sarili mo ha?"

"Papayagan kita nak, pero sa isang kondisyon. " nabaling naman ang tingin ko kay Mama nang sabihin niya iyon.

"Ano ho yun Ma?" Tanong ko rito.

"Kapag magpapadala ka magtira ka Para sa sarili mo, hindi pwedeng ipapadala mo lahat tsaka ipangako mo sa akin na mag-aaral kang mabuti doon." Saad niya.

"Opo Ma, mag-aaral po ako nang mabuti. Sa pagkaka-alam ko po Ma pag-aaralin po kami nung amo namin."

"Edi mabuti, kailan pala ang alis mo nak?" Tanong nito, bakas sa boses niya ang pagkalungkot ngunit pinilit ko ang sarili ko na huwag maapektuhan nito.

"B-buk-kas p-po" nagbuhol buhol na ang dila ko dahil sa mga luhang gusto nang lumabas mula sa mga mata ko.

"Bukas agad?" Tanong niyang muli habang namumugto na ang mga mata nito.

"Opo Ma." Saad ko habang nakayuko. Ayokong ipakita na sobra akong nalulungkot.

"Sige na anak mag-impake kana." Utos sa akin ni Mama kaya agad akong pumunta sa kwarto para kuhanin ang mga damit ko.

Mahirap man malayo kay Mama pero kailangan, wala na kasi siyang iba pang maasahan dahil kaming dalawa na lang ang mag-kasama.

Si Kuya kasi may asawa na at may dalawa nang anak kaya napili niyang bumukod na lang.

Si Papa naman, hindi na namin alam kung nasaang lupalop nang mundo yun. Basta ang alam namin mas pinili niya yung kirida niya.

Dalawa na nga lang kami ni Mama iiwanan ko pa siya dito. Para sa amin naman iyon pero sobrang nakakakonsensya.

 Fall In Love at First Kiss (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon