Kabanata 3

97 4 0
                                    

'Center of attention'

Chloe Zane's Point of view

Umakyat na ako sa kwarto ni Sir Tyler matapos ko magbihis.

Pagbukas ko nang pinto niya ay nakita kong tulog na ito, tinanggal ko ang libro na hawak niya at kinumutan ito dahil nakatodo ang aircon niya.

Umupo ako sa sofa habang hawak ang phone ko, tinitigan ko ito habang natutulog.

Tama kaya yung hinala ko kaninang umaga na hahalikan niya ako? Naku! Assumera nanaman ako.

"Ang pogi mo talaga Sir Tyler." Saad ko na ikinagulat ko, d-di naman siya pogi no! Pogi pala pero onti lang.

Humiga naman ako sa sofa niya at doon ay nagpahinga hanggang sa nagtuloy tuloy na ito at wala na akong maramdaman pa.

***

Nagising naman ako dahil sa iyak at hindi ko malaman kung kanino galing ito.

Nang maimulat ko ang mga mata ko ay nadatnan ko ang nakapikit at umiiyak na si Sir Tyler.

"No, don't! Wag mong gawin yan please." Saad niya habang tulog, mukang masama ang panaginip nito.

Hinimas himas ko ang likod nito hanggang sa magising ito sa reyalidad.

Pagmulat nang mga mata niya ay agad akong niyakap nito at doon na siya patuloy na umiyak.

"Sir... ayos lang po ba kayo?" Tanong ko dito habang hinihimas himas ang likuran niya.

"A-ayos lang a-ko." Utal utal niyang sagot. Bumaba ako saglit para kumuha nang tubig at agad ko naman itong iniabot sa kanya.

"Sir, ano po ba napanaginipan niyo?" Tanong ko dito, bigla naman niyang hinawakan ang noo niya kasabay nang pagkunot nito.

"Hindi ko na maalala." Aniya.

Inihiga ko naman siyang muli sa higaan niya at kinamot kamot ko ang tainga niya para sumarap ang tulog nito.

Pumuwesto naman ako sa sofa at nagcellphone muna, ichecheck ko lang sana ang messenger ko.

{Messenger}

From Ken:
Di nagpaparamdam ah... :(

To Ken:
Sorry busy sa school and work!

Bakit online pa ito? 3:54 AM na ah.

From Ken:
August 6 na ah...

To Ken:
Di ako nakakalimot.

Pumunta muna ako sa facebook at nagpalit nang profile, nagpicture kasi ako kanina nang whole body nung nasuot ko na ang open chested back less yellow dress na iyon at hawak hawak ko pa ang bag ko.

Baka kasi I-add ako nung mga school mates ko na parang ngayon lang nakakita na magandang newbie.

From Ken:
Eh bakit gising ka pa?

To Ken:
Nagising lang po.

To Ken:
Eh, bakit ikaw gising pa?

 Fall In Love at First Kiss (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon