'Pag-kikita'
Chloe Zane's Point of View
Nagising ako dahil sa yugyog ni Mama sa akin, agad ko namang minulat ang mga mata ko.
"Ano ba anak? Anong oras na! Tutuloy ka ba o hindi?" Tanong nito. Agad naman akong tumayo at hinarap ito.
"Tutuloy po Ma!" Masigla kong sagot at saka tumayo at dumiretso sa banyo.
Agad akong naligo at patuloy na inaasikaso ang sarili nang bigla akong nakarinig nang isang pamilyar na boses.
Andito na si Ken.
Agad akong nagbihis at nag ayos nang muka at agad ding lumabas.
Sa paglabas ko nang kwarto ay nakasalubong ko naman si Ken na may dalang ngiti sa muka.
"Bakit parang ang saya mo?" Tanong ko dito, mukang masaya siya na aalis na ko.
"Anong masaya ka diyan? Di ka pa ba nasanay sa muka nang kaibigan mo! Lagi nakangiti." Saad ni Mama dahilan para matawa ako.
"Espren mamimiss kita." Out of the blue niyang saad. Napairap naman ako dito para mapigilan ang kilig na nararamdaman ko.
"O, ang sungit ah.. matanggal yang mata mo!" Pagbibiro niya kaya hindi ko ito sinasadyang mahampas.
"Nanakit pa!" Dagdag pa nito na labis kong ikinatawa.
"Tara na! Kumain na tayo." Pag aya ko dito.
Mabilis naman itong tumango, at ngumiti. Kapag usapang pagkain talaga active na active itong taong ito.
"Makikikain!" Sigaw nang isa ko pang kaibigan, si Jona.
"Umupo ka na!" Utos ko dito habang tumatawa. Ang kukulit nila.
Matapos kumain ay isinakay na ni Ken ang mga gamit ko sa kotse niya habang si Jona naman ay kinuha ang mga gamit niya sa bahay nila at siya na mismo ang nagsakay nito sa kotse ni Ken.
"Ma, aalis na po ako." Masinsinang paalam ko dito.
"Magiingat ka anak, mahal na mahal kita." Saad nito na ikinalugmok nang muka ko.
"Mahal na mahal din kita Ma." Tugon ko dito at saka ito niyakap nang mahigpit.
Bago umalis ay hinalikan ko si Mama sa noo at pisngi at saka tuluyang sumakay sa kotse ni Ken. Nasa front seat ako dahil gusto daw niya ako katabi.
"Ingatan mo ang anak ko Ken!" Bilin dito ni Mama.
"Opo Tita." Maikling tugon nito.
Sumakay na si Ken sa sasakyan niya at binuhay na ang makina senyas na papaandarin na niya ang kotse.
Sa sobrang bored sa byahe, kinuha ko ang cellphone ni Ken at pinatugtog ang kantang paboritong paborito namin.
(Magbalik By: Callalily)
Wala na ang dating pagtingin
Sawa na ba sa aking lambing?
Ginawa ko naman ang lahat
Bakit biglang parang nagkulang?Sinabayan ko ito dahil nadala ako nang kantang ito.
Di na alam ang gagawin
Upang ika'y bumalik sa kin
Wala namang dahilan
Bakit bigla na lang nang iwan?Napapahampas na rin ako sa harap nang upuan ko dahil sa kanta.
Tulad nang ilog na hindi tumitigil sa pag agos pag ibig di matatapos
Tulad nang mundo na hindi tumitigil
Sa pag ikot pag ibig di matatapos.Nang matapos ang kanta ay sakto naman kaming nakarating sa terminal.
BINABASA MO ANG
Fall In Love at First Kiss (On Going)
Roman d'amourIt all started when they accidentally kissed each other. Dun na nagsimula nang mahalin nang isang Tyler Wagne Velasquez ang isang Chloe Zane Ramirez. Minahal nila ang isa't isa kahit ang dami pang naging tutol sa kanila, at isa na doon ang pamilya...