Kabanata 7

88 3 0
                                    

'Existing Ken Christian'

Ken Christian's Point of View

Habang ka chat ko si Chloe kagabi ay nasa barko na ako noon. Gusto ko siya I-surprise dahil ika 6th year friendsary namin ito. Mas matagal pa kami kaysa sa ibang mag jowa.

Nag enroll ako sa BEU through online kaya ang sabi pumasok na daw ako. Doon ko talaga gusto mag enroll because of Chloe.

Matagal na akong may gusto kay Chloe kaso natatakot ako na baka hindi niya ako gusto. Tsaka kung usapang friendship kasi ang tagal na naming magkaibigan diba?

Minsan na nga lang kami magchat kasi busy siya minsan lang siya mag online. Mukang pinagbubutihan niya ang pagaaral at ang pagtatrabaho.

Nang makarating ako dito sa Manila ay dumiretso agad ako sa isang flower shop at bumili nang isang bouquet nang tulips dahil ayun ang favorite flower niya. Bumili din ako nang malaking stitch na stuff toy kasi favorite din niya iyon.

Kasama na din sa gift ko yung binigay kong phone sa kaniya, matagal tagal na niyang gusto bumili noon kaya binilan ko na siya ngayon.

Nag drive na ako papunta sa school at dumiretso ako sa lobby para hanapin muna ang section ko. BAM 1.

Naupo muna ako sa lobby at doon inantay si Chloe. For sure naman dadaan dito yun bago siya makapasok sa room niya.

Chloe Zane's Point of View

Maaga ako nagising at maaga ding nag ayos nang sarili, paglabas ko nang kwarto ay nakita ko naman si sir Tyler na pababa sa hagdan kaya mabilis akong lumakad palabas at pumara agad nang taxi.

Bihis na siya. Bakit ang aga niya?

Mabilis naman akong nakarating sa BEU. Lumakad ako papasok nang matanaw ko sa lobby ang isang napaka pamilyar na muka.

"Ken?!" Sigaw ko dito at saka ako tumakbo at niyakap ko ito.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya

"I study here." Maikli nitong sagot.

"Y-you study here?" Tanong kong muli. Binigyan naman ako nito nang masiglang tango at saka inabot sa akin ang isang bouquet nang tulips at ang stitch na stuff toy. Ang laki!.

"Happy 6th anniversary." Bati nito sa akin.

"Happy 6th anniversary." Balik na bati ko dito.

"Anong section mo?" Tanong ko dito.

"BAM1" maikli nitong sagot na ikinagulat ko.

"Tara na sabay na tayo magkaklase pala tayo e." Aya ko dito.

Nang makarating sa room ay doon na kami umupo sa dati kong upuan at itanabi ko siya sa kaliwa ko dahil sa kanan ang upuan ni Sir Tyler.

"So kamusta ang pagtatra---"

"Shhhhh!!! Hindi nila alam na katulong ako okay? Dahil kapag nalaman nila pagpipiyestahan ako dito. " bulong ko dito. Marahan naman itong tumango.

Nagulat naman ako nang may umupong padabog sa tabi ko. Its Sir Tyler at mukang anytime anywhere handa siyang manuntok.

"Yung katabi ko ayan ang alaga ko." Bulong kong muli kay Ken.

"I  don't really care kaso nakakaselos." Pabiro nitong tugon.

Maya maya pa ay dumating na din ang adviser namin at tila ba meron itong gusto sabihin.

"I want to meet your new classmate. Iho can you step in front? " tanong nito agad naman tumayo si Ken at pumunta sa harap.

 Fall In Love at First Kiss (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon