'Surprise!'
Tyler's Point of View
Bukas ay Js na at nagpapanggap ako na hindi pa magaling dahil isusurprise ko sana si Chloe. Patago akong um-order ng gown na gusto niya. Its a Gold and nude color balloon gown para sa Js namin. Of course ako ang date niya!
I buy a nee tuxedo na parehas nang kulay nang gown niya sa neck tie ko.
Bukas nang umaga uutusan ko siya na kunin sa mall ang gown na binili ko para sa kaniya pero syempre hindi ko sasabihin na para sa kaniya 'yun. Sasabihin ko dadaanan 'yun nang one of my friends ko tapos gagawa ako nang paraan para mainggit siya nang sobra.
And then if okay na lahat. I will tell to her na we will attend Js!
Chloe Zane's Point of View
Bukas Js na at sigurado ako na hindi na ako makakapunta, hindi pa kasi magaling si Tyler at ayoko naman na iba maka partner ko diba? Gusto ko si Tyler lang ang maging date ko sa spesyal na gabi na 'yun.
Naiintindihan ko naman siya kaso di ko maiwasan hindi mang hinayang. Js 'yun e! Last chance ko na sana para I-enjoy ang gabi na 'yun sayang naman!
"Baby... mukang malalim ang iniisip mo!" Puna sa akin ni Tyler.
"W-wala 'to." Sagot ko dito.
"Siguro tungkol nanaman sa Js 'yan! Nag usap na tayo diba?"
"Hindi nga Tyler! Wala ngang ibig sabihin yun!"
"E bakit ganiyan hilatsa nang muka mo? Parang napipilitan ka lang na alagaan ako. Pumunta ka sa Js kung gusto mo!"
"Ayoko nga diba? Ayoko nga na iwan ka!"
"Ayaw mo pero yung isip mo andun pa din sa Js na 'yun? Gaano ba ka importante sayo 'yun ha?! Mas importante pa ba 'yun kaysa sakin?"
Hibang na siya!
"Alam mo Tyler nababaliw ka na. Kung ano ano iniisip mo!"
"Sabihin mo lang kasi kapag ayaw mo akong samahan dito Chloe. Hindi pa naman ako lumpo e. Kaya ko pa."
"Alam mo hanga ako sayo. Ikaw na tinutulungan ikaw pa galit!"
"Wag mo kasi masyadong ipahalata sa akin na naiinis ka Chloe. Naiinis ka kasi di ka makapunta sa Js na 'yun! Naiinis ka kasi andito ka nag babantay sa'kin. Tama ba?"
"Mali Tyler! Maling mali."
"Kung puro ganito tayo Chloe, better to go there! Diba 'yun naman ang gusto mo? Makapunta sa Js na 'yun kahit wala ako sa tabi mo!"
"Ano bang sinasabi mo Tyler? Hindi mo ba talaga ako maintindihan?" This time ay naiyak na ako sa sobrang sama nang loob ko.
"Hindi Chloe!" Sigaw nito sa akin.
Napaupo na lang ako sa sofa niya dahil parang nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa sama nang loob.
"Bakit ganiyan ka Tyler? Bakit di mo ko maintindihan!"
"So ano? Nakikita mo na yung mali ko?"
"Oo Tyler. Nakikita ko na!" Napagdesisyunan ko na lumabas sa kwarto nito at tumakbo sa kwarto namin ni Jona.
Nagkulong ako doon at agad namang kumawala ang mga luha na kanina pa gustong pumatak palabas nang mga mata ko. Bakit gano'n ka Tyler? What did I've done?
Hindi ko alam pero sobrang naapektuhan ako sa mga sinasabi niya. Oo importante sa akin ang Js pero mas importante siya. My dream is to dance wearing a beautiful gown and I want to complete that dream by dancing with him! I want to dance with him wearing a beautiful gown and dancing with the beat of a perfect song.
BINABASA MO ANG
Fall In Love at First Kiss (On Going)
RomanceIt all started when they accidentally kissed each other. Dun na nagsimula nang mahalin nang isang Tyler Wagne Velasquez ang isang Chloe Zane Ramirez. Minahal nila ang isa't isa kahit ang dami pang naging tutol sa kanila, at isa na doon ang pamilya...