Kabanata 8

77 2 0
                                    

'I can't help it!'

Chloe Zane's Point of View

Its almost 2 weeks nang magsimula kong iwasan si Sir Tyler pero kahit na ganoon ay ginagawa ko pa din ang trabaho ko na nakalaan sa kaniya dahil pinapasahod pa din nila ako. Nung isang araw nga lang ay nakapagpadala na ako kay Mama nang pera.

Hindi ko pa nga din makalimutan lahat e. Yung sinabi niya sa akin nung gabing lasing siya tapos yung halik niya. Ang sakit pa din.

Wala kaming pasok ngayon dahil sa Seminar nang mga teachers. Rest day namin sa loob nang 4 days.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, nabobored na ako kaya agad akong lumabas sa salas at nagsimulang maglinis.

"Chloe can we ta--"

"---- Sir mukang wala naman po tayong dapat pag usapan." Pagpuputol ko dito at lumakad papunta sa kusina.

"Ano yun Girl?" Tanong sa akin ni Jona.

"Akala ko ba gusto mo siya?!" Sigaw nito agad kong tinakpan ang bibig niya at tinignan ito nang masama.

"Hindi nga pwede! Hindi niya ako gusto, hindi kami bagay." Giit ko dito.

Naikuwento ko na pala kay Jona na gusto ko si Tyler, at mukang nagkamali ako doon.

Flashback...

"Jona I think I like him." Pag amin ko dito dahil hindi ko na kayang sarilinin pa ang saloobin ko, baka sumabog na ang puso ko. Tsaka si Jona kasi ang maraming alam when its all about LOVE.

"Girl, in love you don't think, you feel." Saad nito. See? Siya ang maraming alam dito.

"I do love him." Paglilinaw ko dito kita naman sa muka niya ang labis na saya dahil sa mga narinig niya.

"Why don't you tell to him?" Tanong nito. Tinignan ko naman ito nang masama at marahas na umiling.

"No Jona, alam mo naman na hindi pwede tsaka hindi ako gusto no'n" giit ko dito.

Lumakad na ako pabalik sa kwarto ni Sir at tinuloy na ang paglilinis ko.

End of flashback..

Umakyat ako sa kwarto ni Sir at pilit siyang binabalewala kahit ang nasa loob ko ay gusto nang yumakap sa kaniya.

"Sir snack po." Saad ko dito sabay lapag nang pagkain sa study table nito.

"Sorry." Bulong ko dito. Bahagyang tumulo ang mga luha ko pero kaagad ko naman itong pinunasan.

"May sinasabi ka ba Chloe?" Tanong nito. Marahan akong umiling at lumakad na lalabas nang kwarto nito.

Tumakbo ako papasok sa kwarto ko at doon na bumuhos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Bakit ganito ang nararamdaman ko kay Sir Tyler? Gusto ko siya pero di ko magawang umamin. I like Sir Tyler so much pero hindi ko magawang sabihin sa kaniya. Pinapangunahan ako nang takot!

Ni hindi ko nga siya maintindihan! He kissed me and then suddenly I kissed him back, it was an accident but we made it as a sunday kiss. When he got drunk he said that he likes me and I'm hurting him tapos sa apoligizing letter niya he said that forget everything that just happened.

Kung hindi naman kasi nangyari na nahalikan ko siya hindi naman sana ako mahuhulog sa kaniya!.

Pa-fall kasi!

Naiiyak ako sa tuwing naalala ko yung mga unang linggo ko dito na halos siya na ang mag-asikaso sa akin, anong ibig sabihin no'n?

I'm not the perfect girl for him, he's rich, handsome, smart, and kind. He is the perfect guy that every girls wanted tapos ako? Simple lang, walang ka arte arte sa katawan kaya imposibleng magustuhan pa ako noon.

 Fall In Love at First Kiss (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon