'A happy bonding with my boy friend'
Chloe Zane's Point of View
At this day napagdesisyunan ko na dito matulog sa kwarto nang Tyler ko kasi wala namang makakaalam.
Si Manang Linda kasi nagpaalam na magle-leave nang tatlong araw dahil uuwi daw siyang Pangasinan kasi may sakit daw ang apo niya. Binigyan din siya nang pera pang pagamot nang apo niya ni Tyler, ang bait nang jowa ko no?
Umagang umaga pero andito pa din ako sa kwarto ni Tyler at dapat ganitong oras ay naglilinis na ako.
"Tyler magbibihis na ako." Tumayo ako at bumaba Para pagbihis nang uniporme ko pangkatulong na tatlong araw ko nang hindi nasusuot dahil ayaw ni Tyler.
Umakyat akong muli sa kwarto niya na ganito na ang suot ko. "Bakit suot mo yan? Pwede namang maglinis nang hindi ka nakaganiyan." inis na singhal nito sa akin.
Niyakap ko naman ito ay hinalikan sa ilong. "Diba sabi ko sayo no special treatment, tsaka kasama sa trabaho ko ito! Ang magmukang katulong sa bahay na ito dahil katulong naman talaga ako." Pagpapaalala ko dito.
Hindi pa rin ito pumayag at pilit niyang pinapahubad sa akin ang damit ko. "No! Bahala ka wala kang midnight snack. " pagkasabi ko noon ay bumilog ang mga mata nito at tinignan ako nang nakataas ang kilay.
"Okay fine! Maglinis ka muna and then after all you works tsaka ka na umakyat dito." Saad nito sa akin na ikinatuwa ko.
Hinalikan ko muna ito bago ako tuluyang bumaba at magsimulang maglinis. "Chloe pasuyo naman ako nang basura pakilabas kasi hahawak ako nang pagkain e." Pakiusap sa akin ni Jona. Sumunod naman ako agad dito at inilabas ang basura sa labas nang gate nila Tyler.
Pumasok ako agad at nilock ang gate.
Naglinis ako nang sala at nang veranda nagulat naman ako nang halikan ni Tyler ang batok ko.
"Tyler makit-----"
"------walang makakakita, si Jona lang ang nandito. " pagpuputol niya sa sinabi ko.
Tinuloy niya lang ang paghalik sa batok ko. May bigla akong naisip at nasabi dito nang di ko sinasadya.
"Tyler, katawan lang ba habol mo sa akin?" Walang ano ano kong tanong.
" no baby, hindi." Tugon nito. Nakahinga naman ako nang maluwag sa sagot nito.
Bigla naman itong napaakyat sa kwarto niya na tila ba nagtatampo ito sa akin.
Agad ko naman itong sinundan at kinausap nang maayos, ano ba kasi pumasok sa utak ko para masabi iyon!
"Tyler..." tawag ko dito pero di ito humaharap sa akin.
"Tyler!" Muli kong tawag pero katulad nang nauna ay nakatulala lang ito sa may bintana niya.
"Tyler." This time ay humarap na ito at kita sa mga mata niya na umiiyak na ito.
"Chloe gano'n lang ba ang tingin mo sa akin?" Tanong nito habang pinupunasan ang luha niya.
"No... Tyler, hindi gano'n yun. I'm sorry. I'm really sorry. Hindi gano'n ang ibig kong sabihin." Paghingi ko nang tawad dito.
Umiwas naman ito nang tingin na tila ba ay hindi pa ako nito napapatawad. "Look, I'm sorry baby.. di ko sinasadya, may tiwala naman ako sayo. I trust you because I love you so much." Nang sabihin ko iyon ay agad akong niyakap ni Tyler at ikinulong sa bisig niya.
"Can we go to the mall? Sumama ka na para makabawi ka." Aya nito sa akin.
Sasama ba ako? O hindi?
BINABASA MO ANG
Fall In Love at First Kiss (On Going)
RomanceIt all started when they accidentally kissed each other. Dun na nagsimula nang mahalin nang isang Tyler Wagne Velasquez ang isang Chloe Zane Ramirez. Minahal nila ang isa't isa kahit ang dami pang naging tutol sa kanila, at isa na doon ang pamilya...