'Having fun!!'
Chloe Zane's Point of View
Nang makauwi kami ni Tyler ay hindi pa din mawala sa isip ko ang magagandang nangyari kagabi.
Ang saya namin, parang ayoko na tuloy umuwi! Nakakamiss kasi sobra nang mga kaibigan ko. Tapos close pa sila ni Tyler edi mas masaya diba?
"Huy anak! Kinakausap kita nakangiti ka lang d'yan." Sigaw sa akin ni Mama. Sa tainga yun! Ang sakit ah!
"A-ano po ba yun Ma?"
"Kanina pa kita tinatanong kung kamusta yung lakad niyo!" Ayan, nakasigaw na naman siya.
"Ayos lang po Ma, ang saya nga po e."
"Bakit anak nakilala na ba ni Tyler 'yang mga kaibigan mo?" Tanong ni Mama.
"Opo Tita nakilala ko na po." Nakakagulat naman ito si Tyler, bigla biglang sumasagot.
"Kamusta naman anak?"
Natawa naman ako nang ngumiti nang malaki si Tyler. Dahil ba 'yon sa tinawag siyang anak ni Mama?
"Masaya tita, kung pwede nga lang po dito na ako mag I-stay."
Ako din Tyler e, kung pwede lang dito na ako mag I-stay.
Napabalikwas naman ako nang maramdaman ko ang paghaltak sa akin ni Tyler. "Huy..." tawag ko dito.
"I want to have fun with your friends again." Bulong sa akin nito.
"E, bakit mo pa binubulong? Edi tara! Paalam tayo kayla Mama." Aya ko dito.
"Ligo muna tayo tsaka maya maya na parang kaka dating lang natin e."
"Sige. Ligo lang ako saglit tapos makipag kwentuhan muna tayo kayla Mama, maaga pa naman." Sagot ko dito.
"Oo tama, para naman hindi masyadong halata na galang gala ka." Pang aasar nito.
Ako? Galang gala? Baka siya yun! Siya kaya unang nag-aya!
"Wow! For all I know, ikaw ang unang nag-aya." Sagot ko dito.
"Nah.. kung hindi mo sana sila pinakilala edi sana di ako mag-aaya sa pag gala."
At ako pa talaga ang may kasalanan? Ano Tyler nag sisimula ka na naman?
"So kasalanan ko pa?" Hindi ko naman talaga intensyon magalit. Nag-iinarte lang para lambingin niya.
"Hala! Hindi ah, that's not my point." Nagsimula na siyang mang lambing.
Dug, dug, dug, dug
Bakit ganun? Mag-iisang buwan naman na kami pero di pa din kayang mawala nang kilig sa akin?
Ang bilis nang tibok nang puso ko at parang umakyat lahat nang dugo ko sa muka ko, ramdam ko din ang pag-init nang pisngi ko.
"Alam mo tara na! Maligo ka na sa kwarto ni Ken at ako, maliligo na din ako sa kwarto ni Mama."
Pinagdala ko siya nang maraming damit kasi alam ko na maarte siya sa pananamit. Kalalaking tao akala mo naman fashionista!
"Okay fine pero... kiss mo muna ako!" Pangungulit nito.
"Tss! Style mo bulok!" Bahagya ko namang nahampas ang pisngi nito.
"Isang kiss lang e."
"Tse! Naka iskor ka na nga kagabi."
"Anong iskor anak?" Ooppss! Si Mama!
"Ah.. eh.. I-iskor ma? A-anong iskor y-yun Ma?" Sh*t nauutal na'ko parang nag buhol buhol bigla ang dila ko.
"Yung pinag-uusapan niyo. Iskor, anong iskor yun anak?"
BINABASA MO ANG
Fall In Love at First Kiss (On Going)
RomanceIt all started when they accidentally kissed each other. Dun na nagsimula nang mahalin nang isang Tyler Wagne Velasquez ang isang Chloe Zane Ramirez. Minahal nila ang isa't isa kahit ang dami pang naging tutol sa kanila, at isa na doon ang pamilya...