'Planning'
Chloe Zane's Point of View
Halos malaglag ang panga ko kagabi! Hindi ako makapaniwala sa mga pinag-gagawa ni Tyler sa'kin. Syempre nasaktan ako sa mga sinabi niya nung mga nakaraang araw pero agad din'g nawala. Mahal ko siya e.
"Chloe tawag ka ni Sir Tyler" saad sa akin ni Jona. Tinanguan ko lang ito at lumabas na ako nang kwarto namin ni Jona at dumiretso ako sa silid ni Tyler este Sir?
"Ano pong kailangan niyo Sir Tyler?" Tanong ko dito nang may tono nang pang-aasar.
"Anong sinasabi mo diyan baby?"
"Baby? Tss!" Inirapan ko ito dahilan para haltakin niya ako papalapit sa kaniya.
"What? Is there something wrong? Kung ayaw mo nang baby what do you want? My innocent probinsiyana girl friend?"
Sa totoo lang wala naman talaga akong dapat kainisan sa kaniya. Nag-iinarte lang! Jowa ako e. Kailangan mag-inarte.
"Umm... sabihin mo na lang yung sinabi mo sa'kin kagabi." Pag-iinarte ko dito.
"Alin do'n? Ang dami no'n e. Tsaka ang cheesy ko no'n"
Iniwasan ko siya nang tingin at umupo sa sofa. Yung medyo malayo sa kaniya. Nag-iinarte lang!
"Yung paulit ulit mo kong pipiliin?" Saad ko dito.
"Ayoko nga! Ayoko." Pagtanggi nito.
Umakto akong tatayo na sa sofa at pinihit ko na ang door knob.
"Alam mo Chloe. Kung mamatay man ako at babalik ako sa panahon na 'to paulit ulit kitang pipiliin na makasama sa buhay ko." Napahinto ako sa sinabi nito. Unti unti akong lumingon dito at nag simulang makinig sa mga sinasabi nito.
"I love you... mahal kita kahit sino ka man, mahal kita kahit madaming hadlang.. at mamahalin kita nang paulit ulit kahit pa nagsasawa ka na. Every fairy tale has an ending and I must say na happy ending ang mayro'n tayo." Napakunot ako nang noo dahilan para kumunot din ang noo nito.
"Nakabisado mo talaga 'yan?" Tanong ko dito habang natatawa. Sa totoo lang kinikilig ako.
"Yeah. Para sayo aalahanin ko." tinawanan ko naman ito ng malakas na para bang nang-aasar pero sa totoo lang kinikilig ako.
"What?" Inis na tanong nito.
"Ang cheesy mo!"
"I don't care. Basta para sayo kaya ko maging cheesy o corny." Natahimik naman ako sa sinabi nito.
"Enough Tyler. So bakit mo nga pala ako pinaakyat dito?" I tried to change the topic.
"Let's plan your debut." Pag aya nito.
"October 25 pa lang. December 4 pa yung debut ko."
"I know pero kapag debut kasi kailangan nang enough time para mag-plano so let's plan?"
"Tyler diba sinabi ko na sa------"
"------ I insist."
Napakamot na lang ako sa ulo ko at sandaling nag-isip. Papayag ba ako na magkaroon nang debut?
"Kapag tumanggi ka paano na sila Tita Shane? Tita Vicky? Yung mga friends mo?" Tanong sa akin nito.
"Ano bang connect no'n sa kanila?" Balik na tanong ko dito.
"I invited them remember." Napaface palm naman ako sa sinabi nito. Nagimbita na e, hindi pa nga ako pumapayag.
"Tss! Okay fine!" Kunwaring sapilitan, gusto din naman!
BINABASA MO ANG
Fall In Love at First Kiss (On Going)
RomanceIt all started when they accidentally kissed each other. Dun na nagsimula nang mahalin nang isang Tyler Wagne Velasquez ang isang Chloe Zane Ramirez. Minahal nila ang isa't isa kahit ang dami pang naging tutol sa kanila, at isa na doon ang pamilya...