Kabanata 31

64 2 0
                                    

'Giving up'

Song playlist: Consequences - Camilla Cabello

Chloe Zane's Point of View

Its been a month. Isang buwan na ang nakalipas simula nang mag hiwalay kami ni Tyler and still I'm suffering. Hindi ko na ata kaya maging masaya pa ulit. Sa tuwing naiisip ko siya...

"Chloe handa ka na ba?" Tanong sa akin ni Mama mula sa labas nang kwarto ni Ken. Isang buwan na akong nakatira dito. Isang buwan na din akong nalulugmok.

"Ayoko pumunta."

"Ano ba 'yan anak! Kasal ng best friend mo! Pumunta ka."

Naisip ko naman ang pangako ko kay Ken. Hindi porket malungkot ako hindi ko na tutupadin ang pangako ko sa kaniya.

"Sige Ma. Mag-aayos na po." Saad ko dito.

Mabilis akong nagbihis at nag make up nang simple. Yung no make up look. Sa loob nang isang buwan ngayon na lang ulit ako nag-ayos at makakalabas nang bahay. Ngayon na lang ulit.

Nang makapasok ako sa kotse nila Tito Victor ay nadaanan namin ang plaza. Hawak ko ang bouquet ko dahil maid of honor ako at feeling ko kapag tinuloy ko pa ang paghawak dito ay masisira ko na ito kaya naman binitawan ko ito.

Nang makita ang buong plaza bumalik lahat nang alaala sa akin. Alaalang gusto kong ibaon pero pilit na bumabalik sa akin. Alaalang ayoko na alalahanin pero pilit ko pa din naalala.

"Ate pabili ngang ticket yung unli all rides." Sabay abot ko dito nang bayad.

"Ilan po ba kayo Ma'am?" Tanong nito sa akin.

"Twelve po. Twelve po kami." Sagot ko dito.

Kinuha naman nito ang bayad at hinablot naman ni Art ang sukli. "Akin na lang ah! Singkwenta na lang naman eh." Natawa naman si Tyler sa inasta nito.

Pumasok na kami at hinila naman nila ako sa isang haunted house. Sh*t hindi naman ako pumapasok sa ganito eh! Baka mahimatay ako.

Ang dami namang nagsi sulputang mga ugly creatures sa harap ko. "Ahhhh!" Sigaw ko nang may lumapit sa akin na White lady ba 'yan?

"F*ck!" I cussed nang may sumulpot naman na bata sa harap ko. After 20 minutes of walking inside this haunted house sa wakas! Nakalabas na din ako.

Medyo matagal din kami sa loob nang amusement park. Sinakyan namin yung vikings, extreme, roller coaster, mad hammer, tapos nag ferris wheel din kami.

Kumain lang kami nang ice cream, fish ball, barbecue, at japanese cake na sagot lahat ni Tyler. Siya maraming pera e.

"Guys ihahatid na namin kayo ni Tyler. Uuwi na din kami." Saad ko sa mga ito. Nakangiti naman silang sumakay sa kotse at sumunod sa amin.

Ibinaba namin sila kanina doon sa harap nang nang iskinita na pinagtatambayan nila. "Chloe, una na kami." Paalam sa akin ni Heart.

"Ingat kayo." Dagdag pa dito ni Benedict.

"Sige na salamat sa inyo ni tyler." At sinundan pa ito ni Hannah. Sumakay na kami sa sasakyan at nag drive na pauwi si Tyler.

"Alam mo, you're lucky because you have a friend like that. Ako kasi all my life wala akong naging totoong kaibigan." Paunang kwento nito.

" you had a real friend. Before maging tayo kaibigan mo ko no'n diba? Pinagluluto mo pa nga akong breakfast kasi patay na patay ka sa'kin. " pang aasar ko dito.

 Fall In Love at First Kiss (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon