'First Day of School'
Chloe Zane's Point of view
Mabilis kaming nakarating sa Brillewood East University at tama nga ako napakaganda at napakalaking school nito kung ikukumpara sa pinapasukan kong school sa probinsya.
"Don't tell to them na Yaya kita. Pareho tayong mapapahiya." Paalala sa akin ni Sir Tyler. Agad naman akong tumango at sinunod ang inutos niya.
Pumunta kami sa regristrar at saka ko binigay ang card ko at ang iba pang requirements. Mukang namangha ang faculty sa registrar nang makita ang card ko, simula kasi 1st grading hanggang finals ay wala akong line of 8 at puro 7 lang. Joke! Puro line of 9 ang grade ko at ang total average ko ay 97.50
Iniabot din ni Sir Tyler ang requirements niya at binayaran niya ang tuition naming dalawa. 75, 000 each student so ibig sabihin ang iniabot niya sa registrar ay 150, 000 grabe naman ang mahal!
"Wag mo akong tatawaging sir dito ah, Tyler lang." Bulong nito sa akin at agad naman akong tumango.
Sumunod lang ako sa kanya sa paglakad palabas nang university hanggang sa hinarang kami nang tatlong babae na muka nang mga clown dahil sa kapal nang make up nila.
"Hi Tyler, I miss you so much." Malandi nitong pagkakasabi. Tinignan naman ako nito mula ulo hanggang paa.
"Oh! A new bie, infernes maganda siya. Hi new bie I am Michelle Sky Gray the queen bee of this University." Saad nito sa akin at malandi nitong nilahad ang kaniyang kamay.
Tinanggap ko naman ito kahit pa ayaw ko. "Come and join my group. This is Natasha and Natalia they are twin sisters na kaibigan ko. Wanna join us?" Tanong nito sa akin.
"Im sorry Michelle pero may lakad pa kami ni Chloe, lets go Chloe." Matigas nitong saad kaya naman agad akong sumunod dito.
Sumakay kami sa kotse at huminto kami sa isang mall. "Mamimili tayo nang mga bago mong damit at bago mong gamit para mag muka kang tao, kailangan mag muka kang mayaman sa school na iyon at kailangan walang makakaalam na yaya kita. Kung ayaw mong pagpiyestahan nang nga estudyante doon." Malamig niyang wika.
Sumunod naman ako dito at pumasok kami sa isang boutique na puro girly ang mga damit. Siya ang pumili nang mga damit ko. Dresses na reaveling, croptops, skirts, shorts, fitted pants, sandals, high heeled shoes, at rubber shoes ang mga binili niya sa akin at sobrang dami noon.
Pinabuhat naman niya iyon sa dalawa niyang body guard dahil masyado daw mabigat. Dumiretso naman kami sa isang shop na may mamahaling bag at saka ako binilan nang mga bag. Shoulder bag, mini bag, belt bag at kung ano ano pa.
At pagtapos ay dumiretso kami sa book store at saka binili ang mga kailangan kong pampasok at saka kami umuwi.
Nakakapagod! Halos apat na oras kaming nagiikot ikot sa buong mall na iyon.
Nang makauwi sa bahay nila ay agad akong sinalubong ni Don Julio. "Kakailanganin mo iyan sa pagaaral mo." Bungad nito sa akin. "Salamat po " pasasalamat ko dito. Nagbihis na ako nang uniporme ko sa pangangatulong at saka nilinis ang kwarto ni Sir Tyler.
Nilutuan ko din siya nang snacks niya dahil gagawa daw siya nang welcoming speech para bukas, sa 1st day namin.
Siya kasi ang president nang student council sa school na iyon dahil ang kwento sa akin ni Don Julio ay napakatalinong tao daw niyan ni Sir Tyler.
"Maghanda ka nang welcoming performance mo." Utos nito sa akin. Ako? Welcoming performance?
"Kailangan iyon para sa mga transferee at dahil ikaw lang ang transfery ikaw ang center of attention sa school na iyon kaya act like a rich woman kung kailangan maging maarte ka, artehan mo!" Utos nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Fall In Love at First Kiss (On Going)
RomanceIt all started when they accidentally kissed each other. Dun na nagsimula nang mahalin nang isang Tyler Wagne Velasquez ang isang Chloe Zane Ramirez. Minahal nila ang isa't isa kahit ang dami pang naging tutol sa kanila, at isa na doon ang pamilya...