'Best night ever!'
Chloe Zane's Point of View
"Arat na!" Sigaw sa amin ni Heart. Dali dali akong umupo sa katawan nang putol na puno at itinabi ko sa akin si Tyler.
"Baby ano yung arat na?" Bulong sa akin ni Tyler. Jusko!
Natawa naman ako dito pero sinagot ko pa din ang tanong nito. "Tara na. Ayun ang ibig sabihin nang arat na."
Inilabas na ni Jona ang tatlong litro nang lambanog. "Pulutan!" Sigaw ni Benedict habang dala dala niya ang iba't ibang klase nang chichirya.
"O tanggera si Ryssa." Saad naman ni Shella.
"Ay! Iba, si Ms. Inosente ang dami nang alam." Puna ko dito na ikinatawa naman nila.Nilagyan ni Ryssa nang lambanog ang mga baso namin. Agad namin itong ininom. "What the?!" Tyler show his reaction.
"Bakit baby?" Tanong ko dito. Bahagya naman akong natawa nang kumunot ang muka nito.
"Panget nang lasa!" Saad niya na ikinatawa naman nang mga kaibigan ko.
"Sa simula lang yan." Wika ni Raymalyn.
"Hoy Tiffany! Wag mo ngang bakbakan yung pulutan." Saway ni Art kay Panne.
"Hannah o, inaaway ako." Pagsusumbong nito kay Hannah.
"Bahala kayo diyan!" Natatawang saad ni Hannah.
Nag inom lang kami nang nag inom habang nag kukuwentuhan.
"Hoy Chloe! Wag ka na ulit umalis." Saad ni Mercy na mukang lasing na.
"Mercy, lasing ka na chi." Tugon ko dito.
"No! Tipsy pa lang." Natatawa niyang sabi.
"Alam mo Chloe ang gwapo talaga mi Tyler e. Saan mo ba napulot 'yan? Maghahanap ako nang ganiyan." Pagbibiro ni Tiffany.
"Gaga! Hindi ka makakapulot nang ganiyan 'no!"
"Ilang beses kayong nag se sex sa isang linggo?" Nagulat naman ako sa tinanong ni Hannah pero ayos lang dahil open minded naman siyang tao.
"I think mga 3 kasi kapag di ko pa kaya, alam mo yung kapag mahapdi pa? Ayoko pa." Sagot ko dito.
Hinawakan naman ni Tyler ang mga kamay ko.
"Ilang anak gusto niyo?" Tanong naman ni Jona. Wow naman! Anak agad?!
"Sapat na dalawa sa'kin." Sagot ko dito.
"I want girl and boy. I want twins baby." Paniningit ni Tyler.
"Edi utusan mo yung mga sperm mo na dalawa dapat silang papasok sa isang egg cell ni Chloe." Saad ni Raymalyn.
"Okay kakausapin ko sila mamaya." Pagbibiro ni Tyler dito.
"Isip tayo pangalan." Aya ni Art sa amin. Sumang ayon naman kaming lahat.
"Basta ganito, magbibigay kayo nang dalawang names. Yung isa for girl and yung isa for boy." Pagbibigay naman nang instruction ni Benedict.
"Leesy and Lysander." Pangunguna ni Tiffany.
"Caye Abigail and Calix" sinundan naman ito ni Shella.
"Kristal and Knight" saad ni Heart.
"Cathrine and Cali" wika ni Raymalyn.
"Shane and Shawn" sinundan naman ito ni Jona.
"Xerylle and Xenon" wait parang gusto ko 'yang sinabi ni Ryssa.
BINABASA MO ANG
Fall In Love at First Kiss (On Going)
RomanceIt all started when they accidentally kissed each other. Dun na nagsimula nang mahalin nang isang Tyler Wagne Velasquez ang isang Chloe Zane Ramirez. Minahal nila ang isa't isa kahit ang dami pang naging tutol sa kanila, at isa na doon ang pamilya...