Kabanata 16

70 1 0
                                    

'Trip to Province'

Third Person's Point of View

Makalipas ang isang linggo, sa wakas! Dumating na din ang araw na pinakahinihintay ni Tyler at Chloe.

Ang kaarawan nang Mama ni Chloe, mabilis silang nag-handa nang mga gamit na susuotin at dadalhin nila.

Maya maya pa ay lumabas na din ito sa kanilang mga kwarto. "Manang Linda aalis na po kami." Paalam ni tyler dito. Tanging tango lang ang isinagot nito dahil nag-iisip pa ito nang paraan kung paano niya mailulusot si Tyler sa magulang nito kung sakaling hanapin siya.

"Mag-iingat po kayo dito." Niyakap naman ni Chloe si Manang Linda.

"Kayo din, mag-iingat kayo doon." Saad ni Manang Linda sa mga ito.

Maya maya pa ay umalis na ang dalawa ngunit makikita mo sa pagmumuka ni Manang Linda na kinakabahan siya.

Nabaling naman ang atensyon nito sa telepono nang tumunog ito.

"Hello Velasquez residence, sino po sila?" Bungad nito.

["Hi Manang si Sab po ito nasaan po ang anak ko? Si Tyler?"]

"Ma'am kayo na lang po siguro tumawag sa cell phone niya, e kasama po ang barkada nag out of town po hindi na po nakapag-paalam sa inyo dahil nag-mamadali po." Bakas sa boses ni Manang Linda ang kaba.

["Sige po Manang salamat po, yung batang 'yun talaga!"]

" 'wag na po kayo mag-alala Ma'am kasama naman po niya ang yaya niya."

["Mabuti naman Manang, sige na po"] at saka nito pinatay ang tawag. Lumuwag naman ang hininga ni Manang Linda na kanina pa bumabara sa lalamunan niya sa sobrang kaba nito.

Chloe Zane's Point of View

Mabilis kaming nakarating sa barko at isinakay na nga ni Tyler ang sasakyan niya dito.

Lumabas muna kami nang kotse at tinignan ang dagat. Napabalikwas naman ako ss teleponong tumutunog.

"Hello Mom?" Paunang bati ni Tyler.

"Opo"

"Sorry Mom I didn't tell you."

"Yes po."

"Yeah, I think almost 2 weeks."

"Wala po."

"Seminars and events. Alam mo naman ang BEU Mom."

"Sige Mom."

"Opo."

"I love you too."

"Bye Mom."

Then he ended the call.

"O, anong sabi ni Ma'am Sab?" Tanong ko kay Tyler.

"Ayun, nakapagpalusot na si Manang sa kaniya."

Ibinaling ko naman ang atensyon ko sa dagat na kanina pa, pa-alon alon. Ang ganda talaga nito.

Napagdesiyunan ko na pumasok na lang sa sasakyan ni Tyler para doon matulog. Sobra kasi akong napagod sa byahe.

***

Nagising ako sa babaeng nagsasalita na malapit lang sa akin. Nagsasalitang babae? Ang alam ko ay nasa kotse ako ni Tyler!

Pilit kong iminulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang cellphone ni Tyler na naka waze app. Kaya pala may nagsasalita!

Inilibot ko naman ang mga mata ko, andito na kami! Papasok na rin kami sa gate nila Ken. "Huy, paano mo nalaman ito?" Tanong ko dito.

 Fall In Love at First Kiss (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon