'Michelle's Plan'
Chloe Zane's Point of View
Nang magising ako ay kaagad akong naligo at bumaba, napansin ko naman na wala si Mama at si tyler sa baba kaya nilibot ko ang bahay para hanapin silang dalawa.
Nang makita sila sa isang sulok na nag-uusap ay hindi muna ako nagpakita sa mga ito at pinakinggan ang mga pinag-uusapan nila.
"Alam mo 'yan si Chloe lahat ginagawa para mapasaya ako, kaya dapat gawin mo din lahat para mapasaya siya." Saad dito ni Mama.
Totoo naman yun, lahat kaya kong gawin para kay Mama.
"Iniwan kasi kami nang papa niya'n kaya nay allergy 'yan sa mga lalaking nanloloko at nang iiwan nang babae. Kaya ikaw 'wag mo'ng lolokohin 'yang anak ko. Hahambalusin talaga kita." Pagbibiro dito ni Mama rinig ko naman ang pagtawa ni Tyler.
"Malabo po na iwanan ko yung anak mo." Tugon dito ni Tyler.
Napansin ko naman ang mga ngiti sa labi ni Mama.
"Muka'ng nahanap na nang anak ko ang tamang lalaki sa kaniya, ayokong umiiyak 'yan e, nasasaktan ako."
"Ano po'ng ibig niyong sabihin?" Tanong dito ni Tyler.
"Alam mo kasi dati, gustong gusto niya si Ken. 5 years niyang best friend yun e. 5 years na din niyang gusto kaya nung naging girl friend niya si Eli nakita ko kung pa'no masaktan ang anak ko. Alam mo ba kahapon akala ko malulungkot siya kapag nalaman niya na ikakasal na yung best friend niya pero nakita ko na masaya siya. Masaya siya kasi nandiyan kana." Kwento dito ni Mama.
Dati kasi halos mamatay ako sa kakaiyak kapag nakikita silang masaya.
"Hindi ko po sasaktan si Chloe Tita pangako po 'yan." Kusa na lang napangiti ang mga labi ko sa sinabi nito.
"Aasahan ko 'yan anak." Nakita ko naman na niyakap ni Mama si Tyler at binalik naman ni Tyler ang yakap nito.
Nagulat naman ako nang makita ako ni tyler na nakatayo at tinititigan sila.
"Kanina ka pa ba nandiyan?" Tanong nito sa akin.
"Di naman, ngayon ngayon lang." Sagot ko dito.
"Pano'ng ngayon ngayon lang?" Tanong nitong muli.
"Umm let say na narinig ko lahat nang pinagkwentuhan niyo ni Mama." Sagot ko dito habang tumatawa.
Niyakap naman ako nito at hinalikan sa noo.
"Tara na anak kumain na tayo at libutin mo na 'yan si Tyler dito sa lugar natin, dalhin mo siya do'n sa dagat." Utos sa akin ni Mama.
Agad naman kaming kumain dahil nae-excite ako mag libot libot dito sa lugar namin.
Ipapakilala ko siya sa mga kaibigan ko dito, mag-iinom kami! Lalangoy at mag-sasaya.
Matapos namin kumain ay nagpalit ako nang damit. Crop top lang iyon at shorts tsaka ako nag tsinelas.
"Tara na bili!" Aya ko dito nang may ngiti sa aking muka.
"Wait kukunin ko yung susi nang kotse."
"Wag na!! Tara sasakay tayo sa kalesa."
"Kale... what?" Tanong nito sa akin.
Wala talaga siyang alam sa buhay probinsiya.
"Basta! Tara na!" Hinaltak ko ito palabas sa kusina, nakasalubong naman namin sila Tita Vicky at Tito Victor.
"Mukang may lakad kayo, saan ang punta niyo mga anak?" Tanong sa amin ni tita Vicky.
"Ililibot ko po sana si Tyler, baka bukas na po kami makakauwi."
BINABASA MO ANG
Fall In Love at First Kiss (On Going)
RomanceIt all started when they accidentally kissed each other. Dun na nagsimula nang mahalin nang isang Tyler Wagne Velasquez ang isang Chloe Zane Ramirez. Minahal nila ang isa't isa kahit ang dami pang naging tutol sa kanila, at isa na doon ang pamilya...