Kabanata 5

88 4 0
                                    

'I like you.'

Chloe Zane's Point of View

Hindi ko intensyon na sabihin kay Sir iyon. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero nasasaktan ako. Makita siyang humahakbang palayo sa akin tapos ganun ang itsura niya it was making me feel blue.

Location: Metropolic Bar

10k reacts 12k comments

What?! Nasa Bar siya? Ano naman kaya ang ginagawa niya doon? Ano pa nga ba Chloe edi magiinom. Ano gusto mo magfofood trip? Manonood nang sine?!

Pupuntahan ko ba? No, aantayin ko na lang siya dito. Hindi ako pwede pumunta doon dahil baka isipin niya na gusto ko siya kaya ako nagaalala. Nagaalala ako dahil alaga ko siya! Ako ang malalagot nito kay Don Julio.

Nag antay ako nang ilang oras sa sala. Tatayo, uupo, maglalakad nang kaunti at patuloy na mag aantay pero alas dose na! Delikado na nito sa labas.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero nagbihis ako at kinuha ang bag ko sa kwarto. Pumara ako nang taxi dahil nag aalala talaga ako.

Sinubukan ko ito tawagan pero out of coverage o di kaya can not be reach ang phone nito.

Nang makarating ako sa bar ay hinanap ko agad ito kahit pa nandidiri ako sa mga nakikita ko. Nakita ko itong nakaupo sa isang stool at umiinom magisa. Agad ko itong nilapitan at hinaltak.

"Who are you?" Tanong nito sa akin. Hindi ko ito pinansin hanggang sa makalabas kami nang bar.

"Let go of me!" Sigaw nito sa akin. Nang maaninag niya ang muka ko ay agad niyang hinawakan ang dalawang balikat ko.

"Chloe. Bakit ka andito?" Tanong nito habang tumitingin sa akin na para siyang duling.

"Tara na umuwi na tayo!" Matigas kong pag aya dito pero nanatili lang ito sa kinatatayuan niya.

"Chloe. It hurts so much." Saad nito habang namumugto ang mga mata.

"Tara na! Lasing ka na." Aya ko dito. Pero hindi ko siya mahaltak dahil sa lakas nito.

"Im not drunk Chloe." Saad nito at tumayo nang diretso.

"Yes you are!" Sigaw ko dito.

" No Chloe, I'm not drunk!" Balik na sigaw nito. Nagsisigawan na kami sa labas nang bar.

"Yes you're drunk kaya tara na umuwi na tayo." Pag aaya ko dito pero hinawakan lang nito ang braso ko.

"Chloe why are you doing this?!" Tanong nito sa akin. Doing what?! Masama ba na magalala ako sa kaniya?

"Your hurting me." Saad nito habang dinuduro duro ang sarili niyang dibdib.

"You making me feel embarassed. You making me feel awkward." Aniya. Hindi ko siya maintindihan pero bakas sa muka nito ang labis na pagkalungkot.

"What are you saying? Di kita maintindihan." Sigaw ko dito.

"I like you Chloe. " tila ba kita sa muka niya ang pagkahumaling sa akin. Para akong naestatwa at hindi alam ang gagawin. Ako? Gusto niya ako? Kaya niya ba ginawa iyon dahil gusto niya ako?

Hindi ko na lang ito pinansin at pwersahang hinaltak ito sa kinatatayuan niya at saka ako pumara nang taxi.

Nakasandal ito sa balikat ko at mukang masarap ang tulog nito, kaya nang makarating sa mansyon ay pinagtulungan namin ni Jona ito maakyat sa kwarto niya.

Hinubad ko ang pangitaas nito at nagsimulang punasan ang katawan nito. Nang mapunasan ay sinuotan ko ito nang komportable na damit at saka ito inihiga nang maayos.

 Fall In Love at First Kiss (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon