'Investigating Chloe Zane Ramirez'
Chloe Zane's Point of View
"Baby ano ba iyang tinititigan mo?" tanong sa akin ni Tyler.
"Wala baby." Maikli kong tugon dito. Nagulat naman ako nang hablutin nito ang phone ko at basahin ang message ni Michelle sa akin.
Hahanapin ko ang baho mo!
"A-ano kasi b-baka malaman niya na k-katulong lang ako." Malungkot kong saad dito. Sa loob kasi nang mga nangyari sa amin ni Tyler kahapon, hindi ko pa din makalimutan ang chat sa akin ni Michelle.
"Girl, may bisita ka sa labas." Saad sa akin ni Jona, kita naman sa muka ni Tyler ang pagtataka.
"Sino?" Nauna pang magtanong ito kaysa sa akin.
"Yung best friend po niya Sir, si Ken po." Magalang na sagot ni Jona.
"Ako ang lalabas." Halos magdabog si Tyler sa galit.
"Ako na Tyler, paubaya mo na sa akin ito. Di ba sabi ko sayo maging nice kayo sa isa't isa." Paalala ko dito at lumakad palabas.
Hinarap ko si Ken sa gate at tinignan ito mata sa mata.
"Hi Ken! Napadalaw ka." Paunang bati ko dito.
"I want to tell you something important." Saad niya at saka nito hinawakan ang dalawang kamay ko.
"I don't know where to start, lalo na't alam ko na naunahan na ako nang amo mo. Its been 5 years of friendship and its 1, 825 days. 43, 800 hours, 2, 628, 000 minutes, and 157, 680, 000 seconds. At sa loob nang taon, araw, oras, minuto at segundo walang pagkakataon na hindi kita nagustuhan Chloe. Simula't sapul pa lang ikaw na talaga." Kita ko naman ang pagkamugto nang mga mata nito.
Hindi ako nagsalita at tinitigan lang ito.
Napansin ko na lang na may bumabagsak na luha mula sa mga mata ko.
"You have no idea kung paano ako naghirap nang malaman ko na kayo na. Sobrang sakit Chloe. Sobra." This time ay niyakap na ako nito.
Ni hindi ko magawang tanggalin ang pagkakayakap nito sa akin.
Nang kumalas ito ay nakita ko naman na nakatitig sa amin si Tyler. Agad akong nagpunas nang luha at tinignan si Ken sa mata.
"Im sorry Ken pero di na magbabago ang nararamdaman ko. I love Tyler, I love him so much." saad ko dito.
Sumakay naman ito sa kotse niya at tuluyan nang umalis. I hate seeing him being hurt because of me.
Lumakad naman ako papasok sa loob nang hawakan ni Tyler ang braso ko.
"Are you okay?" Tanong nito sa akin.
"I'm fine baby." Tugon ko dito at hinalikan ang labi nito.
"Anong sinabi niya sayo?" Muling tanong nito.
"Its nothing okay? Sinabi ko lang naman na mahal kita, I think sapat na iyon diba?" Tanging tango lang ang naging sagot nito.
Dumiretso naman ako sa kwarto at para bang biglang lumungkot ang aura ko.
I tried to call him pero out of coverage, I tried to text him pero puro seen na lang, kaya napagdesisyunan ko na iwanan siya nang isang mahabang mensahe na matagal ko nang kinikimkim. I will send him na lang through messenger.
It hurts seeing my best friend being hurt because of me, I never know Ken, I never notice. I like you too before pero iba na kasi ngayon.. Tyler came and help me in everything, ayokong nasasaktan ka dahil sa akin pero hindi naman pwede na iwan ko basta basta si Tyler because I really love him. In 6 years na friendship I think mananaig pa din naman ang pagkakaibigan di ba? Its better to be friends kasi tayo no break ups puro cheer ups lang para sa isa't isa. I wish you find the one Espren. Always remeber that I always love you.. as a best friend and a brother.
BINABASA MO ANG
Fall In Love at First Kiss (On Going)
RomanceIt all started when they accidentally kissed each other. Dun na nagsimula nang mahalin nang isang Tyler Wagne Velasquez ang isang Chloe Zane Ramirez. Minahal nila ang isa't isa kahit ang dami pang naging tutol sa kanila, at isa na doon ang pamilya...