Kabanata 32

62 2 1
                                    

'Opportunity'

Tyler Wagne's Point of View

"Chloe..." saad ko habang nakatitig sa picture nito. Higit isang buwan na din nung naghiwalay kami. Higit isang buwan ko na din siyang namimiss.

Tinitigan ko lang ang litrato nito at halos hindi ko na pansinin ang mga tao sa paligid ko. Masaya naman sana ako, masaya sana ako kung hindi pa nangeelam si Michelle.

"Tyler, Fernando needs our help. Kailangan mong pakasalan ang anak niya."

"Stop Mom! I will never marry a woman na hindi ko naman mahal. Kung gusto niyo sila tulungan kayo na lang. Ayokong mag-abot tulong sa mga taong pakeelamero."

"Bakit? Yung doon nanaman ba sa katulong natin? Siya pa din? Iniwan ka na niya Tyler! Bakit ba hindi mo kayang tanggapin?! Iniwan ka na niya! Hindi ka na niya m---"

"----- she left me because of you! Because of Michelle! Iniwan niya ako para sa ikabubuti ko kasi mas iniisip niya kayo!! Iniisip niya kayo pero hindi niya iniisip yung nararamdaman niya!"

"Hayaan mo na siya Tyler! Katulong lang siya! hayaan mo siya dahil hindi mo siya kailangan sa buhay mo!"

"Kailangan ko siya Mom. I need her more than you know."

Tumalikod ako at umakmang hahakbang na nang makarinig ako nang isang malakas na kalabog. Dahan dahan akong lumingon at nakita ko si Mom na bumagsak. Nakahawak sa kaniyang puso.

"Mom!" Kaagad ko itong binuhat at isinakay sa kotse ko. Sh*t anong ginawa ko?

Kailangan ko siya itakbo sa hospital.

Kailangan ko siya maligtas.

---

Chloe Zane's Point of View

Isang linggo na ang sugat ko sa leeg pero hindi pa din ito gano'n kagaling. Oo tama. Isang linggo after nang kasal nila Ken. Itong kwarto niya ay kwarto ko na ngayon dahil nakabukod na sila nang bahay ni Eli.

Ang saya siguro nila 'no? Ang saya siguro nila kasi nauwi sa kasalan yung relationship nila. Ang saya siguro nila kasi meron silang isa't isa. Ang saya nila. Buti la sila.

Tinititigan ko yung mga pictures namin ni Tyler. Ang sakit pa din. Ako yung nang iiwan pero ako yung sobrang nasasaktan. Ako. Ako yung sobrang naapektuhan.

He's Mine now. We're engaged

40k reacts 52k comments

Para akong sinaksak nang mabasa ang post ni Michelle. Hindi ko naman magawang ma I-stalk si Tyler dahil blinock ko siya sa lahat nang access ko. I need to forget him.

Michelle Sky Gray is with Tyler Wagne Velasquez

Soon to be a happy married couple.

100k reacts  145k comments.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko kasabat nang pagpatak nang luha sa mga mata ko. T-tyler...

Sabi mo aantayin mo ang pagbalik ko? Pero ikakasal ka na. Sabi mo ako lang hanggang sa huling hantungan mo pero isanv buwan pa lang! Ikakasal ka na.

"Ikakasal ka na!" Nang isigaw ko iyon ay napaupo na lang ako sa sahig. Umiiyak habang nakatingin sa kawalan. Ikakasal na siya.

Kailangan ko na ba siya kalimutan gayong nakalimutan na niya ako? Kailangan ko na ba siya hayaan gayong hinayaan niya na ako? Kailangan ko na ba ibaling sa iba ang atensyon ko na para lang sa kaniya?

From Unknown Number:
Hi Ms. Chloe Zane Ramirez. I am Lester Cordova a model trainor. I saw your pictures in facebook. Stolen shots of yours and malaki ang kakayahan mo to be a fashion model and a ramp model you know why? Your beautiful and your body is beautiful too. If your free tomorrow 8:00 Am in the morning just text me.

Stolen shots? Kailan yun?....

Ahh! Yung kumalat sa facebook na stolen shots ko. Nung kaka-transfer ko palang sa BEU. Nag trend ba? Wow!

Agad akong bumaba nang sala at ipinakita kay Mama ang text sa akin nung Model Trainor.

"Ma!!" Sigaw ko dito.

"Ano 'yun 'nak?"

"Look."

Binasa ni Mama ito at pagkatapos niyang basahin ay ngumiti agad ito.

I think its a big step para makalimutan ko si Tyler. Or should I say... para hindi niya ako makalimutan lalo na't ikakasal na siya.

Its big step para mapakita sa kanila kung sinong Chloe ang minaliit nila. Papayag ba ako? Papayag ba ako na magmodel?

I let out a big sighed.

Umakyat ako sa taas nang para bang lutang. Nakatitig nanaman sa kisame habang inaalala lahat nang memories namin ni Tyler nang magsimula lahat.

Hindi ako mapakali dahil may malaking asong nakatingin sa amin. Maya maya pa ay lumakad ito papalapit sa amin hanggang sa inamoy amoy nito ang binti ko kaya napagdesisyunan kong tumayo kasunod nang pagtayo ni Sir Tyler.

Maya maya pa ay napayakap ako dito dahil biglang tumahol ang aso hanggang sa maout of balance kami at natumba... bigla ko na lang narealize na ang mga labi ko ay nakalapat na sa labi ni Sir Tyler. it was an accident but Sir Tyler pull me in a sunday kiss, sa di malamang dahilan ay tumugon ako dito at tinanggap ito.

Pagkatapos nang halik na iyon ay inalalayan ako ni Sir Tyler sa pagtayo at medyo nakaramdam ako nang hiya.

Ayun ang pinakagusto kong aksidente sa buong buhay ko. Ano ka ba Chloe! Ano ba iyang pinagsasabi mo. "Sorry po Sir." Paghingi ko nang tawad dito.

"Its okay, ginusto ko din naman." Sagot nito na nagpakirot sa tiyan ko. Ano ka ba naman Sir Tyler!

Natawa na lang ako habang inaalala lahat. Ayun! Dun kami nag simula mahulog sa isa't isa. Doon nagsimula nang mahalin ko siya.

Bigla naman ako isinandal nito sa pinto at kinulong sa dalawa niyang braso. Maya maya pa ay isinubsob nito ang ang muka niya sa leeg ko dahilan para tumayo ang nga balahibo ko sa katawan.

"S-sir.." utal kong pagtawag dito.

"Wait.. I need to confirm something." Saad niya. Confirm what?

Inalis niya ang muka niya sa leeg ko at tinignan ako nito mata sa mata hanggang sa nabaling ang tingin nito sa mga labi ko.

"Confirm." Aniya.

Para siyang tanga niyan. Confirm daw! Naalala ko nanaman tuloy. Parang nag faflash back lahat sa utak ko. Papayag na ba ako? Eto na ba yung way para sa kasagutan nang mga tanong ko?

Should I accept the opportunity?









Check out my accounts!

Facebook: Leng Buentipo
Instagram: itzme_kimashley / justcallme_leng

Wattpad: Ladyindarkworld

 Fall In Love at First Kiss (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon