'Run away'
Michelle Sky's Point of View
Habang nakikita siyang masaya ay lalo akong nanggigil. Kanina pa nangangati ang bibig ko! Kanina ko pa din katext yung makulit na nanay ni Tyler and malapit na siya. Sakto lang dahil 18 candles na. Tama nang masaya siya sa 18 dance niya. Hindi ko na hahayaan na maging masaya pa siya after this day.
From Tita Sab:
Andito na ako.To Tita Sab:
Sige Tita susunduin na kita diyanDahan dahang akong lumabas at sinundo si Tita Sab.
"Hi Michelle!" Saad nito at saka ako bineso.
"Let's go Tita. Panoorin niyo lahat. Wag muna kayo magsasalita hangga't hindi pa po ako nagsasalita okay?" Tanging ngiti lang ang natanggap ko dito.
Sa kabilang pinto ko siya idinaan para naman walang masyado makahalata na may bagong dating. Pinaupo ko siya sa likod nang mga teachers. Halata mo sa muka niya na naiinis siya pero the hell I care? Kailangan niya malaman lahat.
Unang pumunta sa harap yung Mama ni Chloe. Si Tita este yuck! Shane. "Alam mo anak.. masayang masaya ako para sayo. Ang ganda nang party mo na dati pinapangarap mo lang. Thank you kasi dumating ka sa buhay ni Mama. Lagi mo tatandaan na mahal na mahal kita." Aww so sweet naman! After that eewyy talk ay niyakap niya yung anak niya. Tss! May pa crying effect pa.
Sumunod naman yung Vicky. Mama ni Ken. "Nak, I'm so happy kasi naging best friend ka ni Ken. Maganda ka na maganda pa ugali mo. Masaya ako para sayo kasi nakita mo na yung tamang tao para sayo pero sabihin mo sa kaniya tatamaan siya sa'kin kapag sinaktan ka niya. I love you nak." As always nagyakap na sila. Tama na! Ako na!
---
Chloe Zane's Point of View
Tatayo na dapat si Hannah nang hawakan ito ni Michelle. "Ako muna please?" Malambing na saad nito. Nginitian ko naman ito at dahan dahan itong lumapit sa akin.
Excited ata. Atleast okay na kami diba? Ayoko kasi nang may problema.
"Hi Chloe!" Bakas sa boses nito ang saya pero parang may iba.
" I just want to tell you that I really really HATE YOU!" sigaw nito sa akin na ikinabigla nang lahat.
"Ayoko maging masaya ka kaya eto yung gift ko sayo." Bahagya akong napahawak sa pisngi ko nang sampalin niya ako.
Hindi ako nagsalit at pinakinggan lang ito. Ni walang umawat dito. Nasaan na ba si Tyler?
"Alam mo ang galing 'no? Para kayong nasa movie ni Tyler. Entitled as The Royal Blood Campus King fall in love in his mutsatsa." Bahagya namang napatayo si Ryssa.
"Tumigil ka na!" Sigaw nito.
"Shut up bitch!"
"Ano bang gusto mo Michelle?" Sa wakas nakapagsalita na din ako.
"I want to be your life so miserable."
"Gusto kong malaman nang lahat nang andito specially sa mother ni Tyler na ang si Tyler Wagne Velasquez ang anak nang isa sa pinakamayamang tao sa mundo ay nahulog sa isang katulong at mahirap na babae." Ngayon ko lang napagtanto na nakatitig sa akin ang Mommy ni Tyler at mukang galit na galit ito.
Nang makita si Tyler na papalapit sa akin ay bumuhos na ang mga luha ko. Niyakap ako ni Tyler habang si Michelle naman ay hinablot ni Hannah. "Hey get off me!" Sigaw nito dahil pinagtutulungan siya nila Jona Ryssa, Tiffany, Mercy, Heart, Shella, Raymalyn at Hannah.
"Tyler what's the meaning of this?" Halos humagulgol na ako sa kakaiyak.
"Mom this is Chloe my girlfriend."
BINABASA MO ANG
Fall In Love at First Kiss (On Going)
DragosteIt all started when they accidentally kissed each other. Dun na nagsimula nang mahalin nang isang Tyler Wagne Velasquez ang isang Chloe Zane Ramirez. Minahal nila ang isa't isa kahit ang dami pang naging tutol sa kanila, at isa na doon ang pamilya...