Kabanata 22

50 1 0
                                    

'Lover's Quarrel'

Chloe Zane's Point of View

Mag to 2 weeks nang namamaga ang paa ni Tyler. October 20 na at hindi ko na alam ang gagawin ko sa binti niya. Paano na ang Js Prom namin?

Pina check-up na namin ni Manang Linda ang binti nito. May binigay na ointment at gamot ma dapat niyang inumin pero namamaga pa din at hindi pa din niya kaya ilakad nang maayos.

Kailangan ko siya kausapin about dito.

"Tyler..."

"Yes Chloe?"

"May sasabihin sana ako sayo."

"Ako din Chloe may sasabihin din ako."

Umupo ako sa tabi nito at binitawan naman nito ang hawak niyang libro.

"Tyler, makakapunta kaya tayo sa jS?" Tanong ko dito.

"Ayun na nga ang sasabihin ko Chloe. I think hindi, kasi hindi ko pa kaya ilakad. Hindi ko pa kaya itayo. How can I bring myself there? Naka wheel chair?"

"But if you really want to attend. Go attend it by yourself." He said with a cold tone.

Hindi ko alam pero napaiwas na lang ako nang tingin sa kaniya. "Bakit ka galit Tyler? I'm just asking you. Tinatanong kita kasi ayoko mag JS nang hindi ikaw ang date ko tapos sasabihin mo go attend it by yourself?"

Panibhasa hindi niya alam na first time ko 'to!

"What? I'm not angry Chloe! Pinalaliwanag ko lang! I can't attend that bull sh*t Prom kasi nga may injured ako."

"Bull sh*t? Hindi mo ba alam na sobrang importante sa akin nang prom na yun? All my life Tyler! All my life hindi pa ako nakaka attend no'n tapos bull sh*t?"

"Mas importante na ba yang Prom na 'yan kaysa sakin Chloe?"

" 'wag ka ngang mag isip nang ganiyan Tyler! All I want is to experience that prom! Matagal ko nang pangarap yun e. At lagi na lang nauudlot!" Sa pagkakataon na 'yon ay lumabas na ako nang kwarto nito.

Nakakakainis siya! Hindi ba niya alam kung gaano kaimportante sa akin no'n? Kung ano ano iniisip niya! Minamasama niya lahat nang gusto ko sabihin.

Dumiretso ako sa kwarto ko at do'n umiyak. Lahat nang luhang pinipigilan ko pumatak, lumabas na lahat.

Bakit kasi gano'n ang iniisip niya? Gano'n ba akong tao para sa kaniya? Hindi ba niya maintindihan ang salitang pangarap? Pangarap ko yun e.

Nagulat naman ako nang biglang may tumunog sa cellphone ko. Text message!

From Tyler:
Umakyat ka na dito.

Ano gano'n na lang yun? Hindi siya mag sosorry?

To Tyler:
Ayoko.

From Tyler:
Akyat!

Tsk! Hindi man lang niya magawang mag sorry at manuyo.

Sineen ko lang ito at nag scroll na lang sa news feed ko.

From Tyler:
Umakyat ka na please.

Hanggat di siya nag sosorry hindi ko siya papansinin.

Tinuloy ko lang ang pag I-scroll sa phone ko nang makarinig nanaman ako nang isa pang text message.

From Tyler:
Okay fine! Edi wag kang makipag usap!

Wow! Siya pa ang galit!

Hindi ko na lang ito pinansin at nag scroll na lang muli sa phone ko.

 Fall In Love at First Kiss (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon